<63> Catfight

3 2 0
                                    

Jade's POV

"Let's have a short talk" anyaya ni Mey na ikinataas ng kilay ko. 

"'Wag mo'kong utusan" pagmamaldita ko dito. 

"Same plastic you" wika nito na 'di ko naman pinansin. Malamang sa malamang ay mang-aasar lang ito at mambwibwisit katulad noon. 

"Wala ka na bang ibang sasabihin? Paulit-ulit na lang ang mga salitang binabato mo, hindi ka ba nanawa?" pagbabagsak ko ng mga salitang 'di ko inaasahang lalabas sa bibig ko. 

Mukhang nasagad na nga talaga ako sa babaeng 'to. 

"Interesting" walang kwentang sambit ni Mey kaya naman inirapan ko ito. 

"Tapos na ang 'short talk' na sinasabi mo, kaya aalis na ako" pero bago pa man ako makaalis ay hinablot niya ang braso ko na siyang ikinainis ko ng todo. 

"Bitawan mo nga ako" utos ko sa kanya pero nginisian niya lang ako. 

"Not so fast Jade, hindi ko hahayaang manalo ka sa'kin ngayon. Anong sa tinggin mo ganon- ganon lang yun? Well you are wrong!" mahabang lintaya nito. 

"Puro ka dada, hindi mo naman magawa" naghahamong tugon ko sa kanya. 

"What?" 'di makapaniwalang saad nito. 

"Whattatops" bored na sagot ko. 

"What the fvck are you saying?" sa narinig kong 'yon ay naalala ko si Jace. Dito niya ba natutunan sa babaeng 'to ang pagmumura ng ganoon? Kung oo, napakawalang hiya talaga ng Mey na 'to. 

"Alam naman nating pareho kung anong tinutukoy ko di ba? Noon pa man, hindi ka manalo-nalo sa'kin. Lagi kang magsisimula ng away pero ikaw din naman ang unang titigil" pagsisimula ko. 

"At sinubukan mo pa talaga akong siraan kay James? Dinamay mo pa ang lahat ng kababaihan? Para ano, para masabi mong nanalo ka? Alam mo Mey, napakapapansin mo! At para sabihin ko sa'yo, kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo na ulit ako masisiraan sa kanya!" pagpapatuloy ko ng inis sa babaeng 'to. 

"Oh, tapos ka na?" walang modong pakikipag-usap niya. Inirapan ko na lamang ang sinabi niyang 'yon.

"Kulong ka pa din ba sa nakaraan Jade? Hindi makamove on? Hindi ang nakaraang ang tinutukoy ko, maaring iba ang noon pero iba na din ngayon!" makahulugang sambit nito na siyang ikinakunot ng noo ko. 

"Sige sabihin na nating panalo ka dati pero iba na ngayon Jade. At sisiguraduhin kong panalo ako" dagdag niya pa. 

"Ano bang pinaglalaban mo ha?" 

"Let's go straight to the point. Hindi na katulad dati Jade, nakita mo naman di ba? Kanina magkasama kami ng James mo, at mauulit pa 'yon! Kung noon ay ikaw lang ang kasa-kasama niya, pwes ngayon hindi na. At kung noon ay sa'yo siya nagkagusto at umamin sa'yo, imposible na ulit mangyari 'yon Jade, kasi nandito na ako. Sayang nga kung hindi ka lang sumawsaw kanina baka mas tumagal pa ang pag-uusap namin. Sawsawera ka kasi" mahabang pagpapaliwanag niya na siyang ikinaguho ng puso ko pero hindi ko 'yon pinakita dahil hindi ko hahayaang masatisfy ang babaeng 'to sa mga pinagsasabi niya ngayon. 

Pinalaki ako ng maayos, hindi para bastusin lang at pagsalitaan ng hindi magagandang salita. 

Sheesh, laban Jade.

"Sino kaya ang sawsawera sa'ting dalawa noong una pa lang? Sino kaya ang pilit na pinagsisikan ang sarili niya para lang mapansin? At anong pinagsasabi mong siya sa'yo aamin, kasi nandiyan ka na? Aba sa pagkakatanda ko ay noong umamin siya sa'kin ay nandoon ka din. At bakit siya sa'yo aamin? May taste naman si James" 'di papatalong wika ko kay Mey. 

"Sinasabi mo bang hindi ako pasok sa standards niya?" bwisit na sambit nito sa'kin.

"Hindi ko naman sinabi na ganoon, pero parang ganoon na nga" nakangising tugon ko dito.

"How dare you!" inis na banggit niya at akmang sasampalin na ako kaso nahawakan ko ang braso niya sabay sampal sa pisngi niya. 

"Ohh" sabay kaming napalingon ni Mey sa nagreact na 'yon at nanlaki ang mata ko ng makita ang taong 'yon. 

"Jace, look she slapped me! Your sister slapped your friend's face, ipaghiganti mo'ko!" pagsusumbong ni Mey sa kakambal ko. Pero tininggnan lang siya ni Jace mula ulo hanggang paa, bago taasan ng kilay at mamaywang. 

"Deserve" ang tanging sinabi niya bago ako tinggnan at senyasan na bitawan si Mey, agad ko namang sinunod ito. Pagkaharap ko laking gulat ko ng may nakatayo na sa'king harapan. 

"Don't you dare touch my sister's face, pasalamat ka nga at sampal lang ang inabot mo sa kaniya. Kasi kung ako 'yon, baka kaladkadin pa kita at ingungod sa kanal. Magtutuuos tayo Mey, but not here, not now" malamig na pagkakasabi ni Jace bago bitawan ang kamay ni Mey na sanang lalapat sa mukha ko. 

"You're unbelievable" ang tanging sinabi ni Mey bago ako samaan ng tinggin. 

"Tandaan mo ang mga sinabi ko Jade. I'll make sure that ako ang mananalo ngayon" pagbabanta niya pa sa'kin. 

"Sige sabi mo eh" sagot ko dito bago napakinggan ang pagring ng bell, senyas na kailangan nang pumunta sa kanya-kanyang classroom ang lahat ng estudyante. 

"We're not done yet, babalikan kita" sabi pa ni Mey at halatang inis na inis na siya dahil hindi niya nagawang bumawi sa pagkakasampal ko sa kanya. 

"Stop talking nonsense" sabat pa ni Jace bago tuluyang nawala sa paningin ko. 

Doon ko na tinanggal ang maskarang suot-suot ko, doon na bumigay ang kanina pang tunay na nararamdaman ko. 

Ang sakit na ngang makita ng harap-harapan, ang sakit pang mapakinggan. 

****

Bukas na ang araw ng mga puso, bukas ko na kakantahin ang naging huling desisyon ko. At bukas ko na din malalaman kung sino nga ba talaga ang espesyal na tao para kay James. Bukas na ang araw na iiyak na naman ang kalooban ko. 

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at nagmumuni-muni. Iniisip ang mga masasakit na salitang binitawan ni Mey. Iniisip pa lang masakit na paano pa kaya kapag makita ng dalawang mata ko? Sayang umaasa pa mandin ako na baka magbago pa ang isip ko kapag may nakita akong sign. Pero ibang sign ang nakita ko, sign na tama nga ang pinili ko. Na mas papairalin ko ang utak ko kaysa sa puso ko. Sign na hanggang magkaibigan nga lang talaga kami. Sign na palihim akong masasaktan kapag nakita ko na ang taong nilalaman ng puso ng taong nilalaman ng puso ko. 

Ang gulo di ba? Parang ako lang. Minsan kasi nararamdaman ko na ako na eh, pero kapag may nakikita o naririnig akong sasalungat sa nararamdaman kong 'yon, wala na masasaktan na naman ako. Alangan namang ipilit ko pa di ba? Ayaw ko namang maging desperada. Okay na ako sa kung anong mayroon. Dapat akong makuntento sa kung hanggang saan lang talaga. 

Sheesh, ang hirap talaga kapag wala kang ina 'no? Kasi kapag nandito siguro si Mommy, mapapayuhan niya ako. Siya kasi ang sandalan ko kapag hirap na hirap na ako, pero ngayong wala siya, hindi ko maintindihan kung kanino ako sasandal. Ang sakit na kasi, ang hirap ng mag-overthink, ang sakit ng mag-isip at makita ng mga pangyayari. 

Sheesh, Jade laban lang. 'Wag kang susuko, pagsubok lang 'yan! 

Ipagpatuloy mo ang buhay kahit masakit na. 


Dear Brain,

Kaya ko pa naman di ba? Pagsubok lang naman 'yan eh. Si Jace nga nakakaya niya eh, ako pa kayang ate niya? Mawawala din naman siguro 'tong nararamdaman ko ano? Tiis na lang muna self, mawawala din naman 'yang feelings mo sa kaibigan mo. Hintay-hintay na lang muna.

-Jade.


Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon