James' POV
Mas mapula pa sa kamatis ang mukha ni Jade ng dali-dali siyang umalis sa harap namin ni Clyde Kaya naman agad kong sinamaan ng tinggin ang lalaki dahil pahimadong hiyang-hiya na si Jade ngayon. Bwisit kasing kumag na 'to, parang 'di kilala si Jade eh. Alam na mahiyain, gaganunin pa niya.
"Oo na kasalanan ko na, kaya nga ako nanghingi ng sorry eh" kalaunang wika nito na siyang pinagtaka ko.
"Paano ka nakahingi ng sorry? Eh wala na naman si Jade?" pagtatanong ko rito.
"Tinext ko malamang" pamimilosopo niya tinanguan ko na lamang siya pero agad ding napatigil ng may napagtanto ako.
"Paano mo nakuha number niya?"
"Nasa contacts mo brad, at saka nakita ko din sa cellphone niya" pagsagot nito. Confirmed! Tsismoso nga itong mokong na 'to. Akalain niyo 'yon? Ang bilis ng kamay, ang bilis magkalikot ng cellphone ng may cellphone.
Di ko na sana siya papansin at itetext na lamang si Jade, para itanong kung nandoon na ba siya pero pagkapa ko sa bulsa ko wala yung cellphone ko. Agad akong kinabahan dahil maging sa isa ko pang bulsa ay wala doon ang hinahanap ko. Hanggang sa maalala kong,
"Tangina mo Clyde, nasa'n na cellphone ko?" inis na pagtatanong ko sa kanya at ayun siya patawa-tawa lang sa gilid. At parang tuwang-tuwa pang nakikitang nagpapanic ako dahil 'di ko na makita ang cellphone ko.
"Eto oh" tugon niya at inabot na ang cellphone ko, mas mabilis pa sa alas kwatro kong inagaw 'yon sa kanya. At 'yon tawa siya ng tawa, napapaisip na tuloy ako, may tuktok ba 'to sa utak?
Kaagad kong binuksan 'yon para sana magtype ng itetext kay Jade kaso pagtinggin ko doon ay may nakasend na kaagad sa kanya text.
To: Beybi Jadylyndangzs q❤
Sorry beybi sa nangyari kanina, 'di ko na hahayaang maulit 'yon.
Muntikan ko nang mabitawan ang sarili kong cellphone ng mabasa ang text na 'yon. Ang text na 'di ko naman tinype o sinend manlang kay Jade. Pero bakit may ganto na dito? Minumulto na ba ako? Magdadasal na ba ako? Lord patawad.
Agad akong nagsign of the cross at magsisimula na sanang magdasal para 'di na ako multuhin muli nang mapakinggan kong tumawa si Clyde. Papangaralan ko na sana siya na masamang kalabanin ang mga espiritu ng marealize ko kung anong kalokohang ginawa niya.
"Ikaw yung nagtext ano?!" bwisit na pagtatanong ko sa kanya at sa halip na sagutin ang tanong ko ay ayon siya, mamatay na kakatawa.
"Laughtrip ka brad!" saad niya pa sa gitna nang pagtawa niya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" naiinis ko na namang tanong sa kanya.
"Wala kasi akong pangtext kaya 'yong cellphone ko na lang ginamit mo" nakangising tugon nito sa'kin.
"Wala ka na talagang magawa sa buhay mo ano? Dinamay mo pa ako! Baka mamaya kung ano nang isipin ni Jade" pangaral ko dito pero hindi niya sineryoso ang mga sinabi kong 'yon.
"Dapat ka pa ngang magpasalamat sa'kin brad, ginawan na kita ng pabor ipagpatuloy mo"
"Anong klaseng pabor 'yon? Baka mamaya maging alanganin pa ako sa ginawa mong kalokohan!"
"Chill brad-"
"Paano ako magchi-chill?" pikong pagpuputol ko sa mga sinasabi niya.
"Ganto kasi 'yon, ano? Pagsalitain mo muna ako pwede?" hindi na lamang ako umimik at hinayaan siyang magsalita dahil nabubugnot ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)
Teen Fiction{Bad Love Series#2} STORY BETWEEN TWO STUDENTS OF MEMORIAL HIGH. CLARK JAMES VALEROS, THE PLAYBOY, AND JADYLYN MAE RODRIGUEZ, THE MALDITA. THOSE TWO ARE CHILDHOOD BEST FRIENDS BUT THEIR FRIENDSHIP WAS RUINED FOR AN UNKNOWN REASON. JADE IS AN MALDI...