<83> Birthday Gift

18 2 0
                                    

Jade's POV

"Tara na?" aya niya sa'kin, buong puso naman akong sumama sa kanya na siyang dahilan ng pagsilay ng ngiti niya. Nakarinig pa ako ng asaran mula sa mga kaibigan namin pagkasakay ko sa bangka, pero isinawalang bahala ko 'yon dahil amin ni James ang gabi na 'to. Sa aming dalawa ang gabing ito. 

Hindi nagtagal ay nakaalis na kami sa pangpang kaya naman nakatanaw na lamang ako sa mga kaibigan namin na kumakaway at yung iba pa ay patuloy ang pang-aasar pero sadya ko na mapakinggan dahil palayo na nga kami ng palayo ni James. Hanggang nasa kalagitnaan na kami ng karagatan. 

"Huwag mo na nga silang tinggnan, pabayaan mo na silang mainggit" saway sa'kin ni James kaya naman napatinggin ako sa kanya. 

"Mainggit talaga?" natatawang puna ko at binababa na ang mga rosas at chocolates na kanina ko pang hawak-hawak. 

"Eh ano pa ba?" tinawanan ko na lamang ang sinabi niyang 'yon at tininggnan na lamang ang alapaap. 

"Gusto ko ako lang ang titinggan mo ngayong gabing ito" rinig kong sabi niya kaya dahilan ng pagkalaglag ng tinggin ko rito.

"Sino kayang naiinggit?" birong saad ko dito pero nanatiling seryoso ang mukha niya. 

"Nga pala, anong gagawin natin dito?" pag-iiba ko na lamang ng usapan at nakahinga ako ng maluwag ng mag-iba na kaagad ang awra niya. 

"Ito ang regalo ko sa'yo Jade, sorry kung hindi siya materyal na bagay pero sisiguraduhin kong memorable naman ang regalo ko sa'yo" matalinhagang tugon nito sa tanong ko. 

Pinanood ko ang sunod na ginawa niya, naglabas siya ng isang malaking basket na 'di ko akalain nilalaman ng mga paborito kong pagkain. Mga paborito naming pagkain. 

Fried chicken na pinag-aagawan namin sa canteen kasi paborito naming ulamin 'yon tuwing tanghalian, sino bang hindi favorite ang fried chicken? Kakaltukan ko ang magsabi na hindi 'yon masarap. Sunod niyang inilabas ang paborito naming gulay, ano pa ba? Edi ang mahiwagang iconic na monggo, 'yon kasi ang pinakamura canteen noon kaya 'yon na lang palagi ang binibili namin ni James. At ang panghuli niyang inilabas ay ang paborito naming dessert, ang ginataang pinagsama-samang saging, kamote, gabi, balinghoy o kamoteng kahoy, langka, at sago. Sa madaling salita tinatawag namin itong minatamis. Iba pa 'yong bilo-bilo ah, wala naman kasing malagkit na binilog na kasama sa minatamis. Naglabas din siya ng mga paborito naming snack, at biscuits. May kasama ring ilang prutas at ang paborito naming inumin na pineapple juice, alam niyo na, stay healthy. 

Simula talaga ngayon, paborito ko na ang mga picnics! Lalo na kapag gabi, at lalo na kapag siya ang kasama ko. 

"Ang sarap naman tinggnan!" galak na turan ko ng makita na lahat ang pagkaing nasa harap ko.  

"Niluto ko lahat ng 'yan!" proud na wika nito kaya naman gulat akong napatinggin kay James. 

"Talaga?" 'di makapaniwalang tanong ko. 

"Oo, gusto ko kasing pinaghirapan yung ireregalo ko sa'yo Jade. Kaya hindi ko masyadong pinagod ang sarili ko kanina kasi nga magluluto pa ako. Hindi man siya mamahaling dinner katulad ng mga nasa teleserye. Pero sana magustuhan mo kasi pinaghirapan ko ang lahat ng mga-"

Pinutol ko ang mga sinasabi niya sa isang mahigpit na yakap. 

"Sobra kong naappreciate James, hindi ko lang basta nagustuhan dahil gustong-gusto ko 'yong nakikita ko" bulong ko pa sa kanya bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya. 

"Talaga?" 

"Talagang-talaga" 

"Sayang dapat pala nagdrama pa ako para mas matagal yung yakap" aniya kaya naman sinamaan ko siya ng tinggin. 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon