<9> Announcement

10 5 0
                                    

CJ's/James' POV

"Hey, pwede mo ba akong samahan mamaya?" ito na naman at nangungulit ang bagong kaklase naming si Mey. Simula nang umupo yan sa likuran nang kinauupuan namin ni Jade ay palaging ako na lang ang tinatanong, kinakausap at kinukulit. Pati si Jade ay ang sama nang tinggin sa kanya, pero hindi naman siya nagsasalita. 

"Saan?" walang ganang tugon ko. Agad namang napatinggin sa'kin si Jade at pabalik-balik ang tinggin sa'min ni Mey. 

"Ah sa canteen" agad na pagsagot nito. Bakit ba ako na lang palagi ang kinukulit ng isang ito? Magtatapos na ang taon pero ako at ako pa din ang pinipilit niya. Andami-dami ngang mas gustong kasama sya eh, bakit kasi ako pa? Eh si Jade lang naman ang gusto kong samahan.

Sinamahan ko lang naman siya noon kasi naawa lang ako sa kanya parang pawelcome ko na dahil bago nga siya. Pero hindi ko naman inaasahan na mauulit nang mauulit hanggang sa naging makulit na siya. 

"Anong oras ka ba magpapasama?" tanong ko ulit. 

"Mamayang recess" agad akong natigilan ng sinabi niya yun. Teka bakit parang may mali? 

Muling napatinggin sa amin si Jade nang sabihin yun ni Mey sa akin. 

"Pero may baon na 'yan" pagsingit ni Jade sa usapan kaya naman napatinggin sa kanya si Mey. 

"Kausap ba kita?" pagtataray ni Mey kay Jade. Agad namang napalingon si Jade sa paligid kaya maging ako ay napasunod din sa pagmamasid. 

May kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase namin, may mga naglilinis ng locker, may nagagawa ng assignment, may naglalaro ng subway surf at temple run, mayroon din namang nagkwekwentuhan at nag-aaral lang. Wala kasi kaming teacher ngayon kasi may meeting sila. Kaya nagagawa naming magkakaklase ang gusto naming gawin ngayon. 

Agad akong napaatras ng kaunti ng makita ko ang maldita face ni Jade. Tumingin siya kay Mey at ngumisi rito. 

Wala na, magmamaldita na naman ang mahiyain na ito.

"Oh bakit ka sumasabat kausap din ba kita kanina?" pagsisimula ni Jade. Agad naman akong nagpanic. Minsan na akong naging biktima ng pagiging maldita niya. Ang talas ng mga salitang ginagamit niya at hindi ka talaga makakailag kasi parang handang-handa siyang ipatama sayo ang lahat ng mga salitang binibitawan niya. 

"Kung hindi ako, sino?" matapang na sagot ni Mey. Napalunok na lamang ako kasi mukhang mag-aaway pa silang dalawa sa harap ko. 

"Sino pa ba edi yung kaclose ko? Kaclose ba kita?" banat naman ni Jade. 

"Hindi ko kailangang makipagclose sayo" ganti naman ni Mey. 

Napasign of the cross na lamang ako sa takot. 

Lord tulungan nyo po ako.

"Oh sinong nagtatanong?" pambabara ni Jade kaya naman nagsimula na akong manginig sa takot. 

Umirap na lamang si Mey, mukhang hindi kinaya ang pambabara sa kanya ni Jade. 

Oh, kaibigan ko yan!

"Maldita ka pala Jade akala ko pa naman mahiyain ka" pagbubukas na naman ni Mey ng topic kaya muli kong pinagsaklob ang dalawa kong kamay at nagsimula nang manahimik at magdasal. 

"Oh tapos? Sinong may pake? Wag mong isipin na special ka kasi nagmaldita ako sa harap mo. Ginawa ko lang yun dahil naiipit na ang kaibigan ko" tugon ni Jade. 

Napataas ang kilay ni Mey at pinagcross ang mga kamay. 

"Kung magmamaldita ka siguraduhin mo munang maganda ka ha? Hindi yung taas ng tinggin mo sa sarili mo" ako ang nagulat sa salitang binitawan ni Mey kay Jade. Teka namemersonal na ata? Ano na bang kailangan kong gawin? Dapat na ba akong tumawag ng pulis? Ambulansya? Bumbero? Presidente ng Pilipinas? 

Love Between the Childish Playboy and the Shy Maldita (Bad Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon