Kalalabas lamang ni Mr. Crisostomo sa isang restaurant at naglalakad na ito patungo sa kotse nito. Hindi nito alintana ang isang taong kanina pa ito minamatyagan. Isang lalaking may masamang pakay dito.
Akmang bubuksan na nito ang pintuan ng sasakyan nang biglang humarang ang masamang lalaki na may maitim na plano. Tinutukan nito ng baril si Mr. Crisostomo.
"S-sino ka?" gulat na tanong ni Mr. Crisostomo sa lalaki. Nakasuot ang lalaki ng itim na bonet at nakatago ang mukha nito. Tanging mga mata, ilong at bibig lang ang nakikita dito. Walang masyadong tao sa lugar at saktong iilan lang din ang tao sa restaurant na pinanggalingan ni Mr. Crisostomo kanina.
"Ibigay mo sakin ang pera mo at cellphone!" utos ng lalaki.
"B-bakit? A-anong kailangan mo sa cellphone ko——"
"Nagtatanong ka pa?! Gusto mong pasabugin ko ang utak mo dito? Ibigay mo na!" singhal ng lalaki kay Mr. Crisostomo. Nanginig sa takot ang matanda dahil sa baril na nakatutok dito. Ano mang oras ay baka iputok iyon ng lalaki kaya naman napilitan si Mr. Crisostomo na iabot na lamang ang cellphone at wallet nito sa lalaki. Pero bago pa magtagumpay ang lalaki na makuha iyon sa kamay ni Mr. Crisostomo ay isang lalaki ang dumating.
*****
"Bwisit naman talaga itong yosi na nabili ko oh, peke pa yata? Lintek naman! Kung minamalas ka nga naman talaga, daig mo pa ang sinuswerte. Wala ka na ngang trabaho, pati yosi mong tanging kasiyahan ay peke pa!"
Mabilis na itinapon ni Rocky ang yosi na nabili nito doon sa tindahan ni Aling Bebang. Paano ba naman kasi ay halatang peke. Hindi masarap hithitin. Dahon lang yata ng papaya 'yun eh!
Dumukot siya sa bulsa. May limang piso pa siya sa bulsa. Bibili na lang siya ng bagong yosi. Doon na lang siya sa tindahan ni Aling Ising bibili. Baka mamaya ay peke na naman yung ibigay sa kaniya ni Aling Bebang.
Lumakad siya patungo sa direksyon ng tindahan ni Aling Ising. May bagong tayong restaurant nga pala malapit dito sa lugar nila. Sino naman kaya ang may-ari nito? Mukhang wala namang masyadong tao.
Lalagpas na sana siya pero may nakita siyang dalawang lalaki na tila ba nagtatalo.
Sa tagal niya sa lugar na ito, sanay na sanay na siya sa kaguluhan dito sa Tondo. Hindi nakapagtatakhang puro holdaper at gago ang makikita mo rito.
Lalagpasan na lang sana niya yung nakita ng mga mata niya ang kaso ay naawa naman siya doon sa matandang lalaki. Mukhang kailangan nito ng tulong niya. Matanda na ito. Isa pa ay inatake rin siya ng kunsensiya.
At siyempre bilang isang feeling superhero na lingkod ninyo, agad siyang lumapit doon sa dalawang nagtatalo.
"Ibigay mo na!"
Iyon ang salitang narinig niya sa lalaking nakasuot ng bonet.
Nasa likod na siya nito nang hindi nito namamalayan.Nakita niyang nanginginig na sa takot yung matanda. Nang akmang ibibigay na nito ang wallet at cellphone nito sa lalaki ay agad niyang hinawi ang kamay ng lalaki. Sa isang iglap ay napasakamay niya ang baril na hawak nito.
Hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya ang lalaking nagtatago ang mukha sa bonet na suot nito."Sino ka?!" gulat na tanong ng lalaki sa kaniya.
"Say hi to my fist," nakangising sagot niya rito at agad na sinuntok ang mukha ng lalaki.
Natumba ang lalaki.
Tinesting niya ang baril na naagaw niya rito at napagtanto niyang peke ito.
"Gago ka! Peke lang pala 'tong baril mo? Ang tapang-tapang mong gunggong ka!" naiiling na sabi niya sa lalaki habang pinagmamasdan yung baril sa kamay niya. Pambata lang ito eh!
Sinipa niya yung lalaki at tinadyakan sa tiyan.
"B-boss t-tama na. H-hindi na ako lalaban!" takot na sabi ng lalaki habang umaatras sa lupa. Nang makabawi ito ay agad itong tumayo at nagtatakbo palayo.
Natawa na lang siya habang pinagmamasdan yung baril sa kamay niya.
Tarantadong 'yun ah!
"Hijo, maraming salamat sa tulong mo."
Saka niya lang naalala yung matandang lalaki na tinulungan niya. Mukhang mayaman ito base na rin sa ganda ng kotseng dala nito.
"Maliit na bagay ho, Tatang."
Tatalikod na sana siya pero bigla ulit nagsalita yung matanda.
"Anong pangalan mo hijo?"
Lumingon siya rito.
"Hindi na ho mahalaga kung sino ako. Umuwi na ho kayo bago pa bumalik yung gunggong kanina," sabi niya. Pero imbes na umuwi ang matanda ay lumapit pa ito sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya lalo na nang makita niyang dumudukot ito ng pera sa wallet. Puro lilibuhin ang nakita niya doon. Walang duda na mayaman nga ang matandang ito. Inabot nito sa kaniya ang pera. Sa tantiya niya ay may sampung libo din ito.
"Sayo na 'yan, tanggapin mo bilang pasasalamat ko sayo," sabi nito sa nagagalak na tinig.
Malaking pera ito pero hindi niya naman nito kailangan na bigyan pa siya ng ganito kalaking pera. Maliit na bagay lang naman yung nangyari kanina. Wala namang kwenta yung lalaki dahil peke lang ang baril nito. Wala siyang balak na humingi ng gantimpala. Ginawa niya lang kung ano yung tama.
"Wag na ho. Hindi ko po kailangan niyan," sagot niya sa matanda. Nagtaka naman ito at kumunot ang noo. Tumalikod na siya ulit pero bigla siyang may naalala.
Oo nga pala. Wala siyang trabaho ngayon dahil napalayas siya doon sa factory na pinagtatrabahuhan niya. Eh paano napa-trouble siya sa isa niyang katrabaho na mayabang. Akala yata eh hindi niya ito papalagan.
"Siya nga pala, kung gusto niyo ho talaga akong tulungan. Baka ho puwedeng bigyan niyo na lang ako ng trabaho. May alam ho ba kayo?" tanong niya sa matanda.
Biglang nagliwanag ang mukha nito at para bang natuwa sa sinabi niya.
"Trabaho ba kamo? Tamang-tama, kukuhanin kita."
Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa dahil sa sinabi ng matanda. Siguro ay maraming business ang matandang 'to. Baka puwede nito siyang maipasok. Puwede naman siya sa kahit saan, sa kusina, hardin, o kahit tagabuhat pa ng mabibigat na bagay. Walang problema iyon sa kaniya.
"Talaga ho? Mabibigyan ninyo ako ng trabaho?" tanong niya.
Tumango ang matanda sa kaniya kaya napangisi siya.
Binabawi na niya ang sinabi niya na malas siya ngayong araw.
"Kung gayon ay ano hong trabaho?"
"Bodyguard. Kukuhanin kita bilang bodyguard ng anak ko."
Natigilan siya dahil sa sinabi ng matanda.
Bodyguard? Bakit naman ganitong trabaho ang ibibigay sa kaniya ng matandang 'to?
"H-ho? Bakit ho bodyguard?"
Hindi naman siya pang-bodyguard eh. Mas gusto pa niyang maging tagabuhat na lang ng kahit ano.
"Fifty thousand a month ang suweldo kung papayag ka."
Ah, ayaw na pala niya ng taga-buhat. Pangarap niya rin talagang maging bodyguard noong bata pa siya eh.
"Kailan po ang simula ng trabaho ko?" mabilis na tanong niya sa matanda. Baka mamaya ay bigla pang magbago ang isip nito. Siguradong easy lang sa kaniya ang trabaho na ito. Kailangan niyang mabuhay kaya kailangan niyang magkaroon ng trabaho. Sobra-sobra ang suweldo niya pag nagkataon. Triple ng sinasahod niya sa factory ang magiging sahod niya sa inaalok na trabaho ng matandang ito.
"Bukas na bukas ay maaari ka ng magsimula. Ito ang address ako. Magtungo ka lamang diyan bukas ng umaga."
Inabot nito sa kaniya ang isang card kung saan nakasulat doon ang address nito at pagkatapos ay umalis na rin ito agad. Binasa niya ang nakasulat na address.
Westwood Village.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...