CHAPTER 05

295 10 1
                                    

Nagising si Penny nang bandang alas onse nang gabi. Hindi kasi siya makatulog kaya nagtimpla siya ng gatas at lumabas ng bahay nila.

Ang daming bituin sa langit kaya naman nahalina siyang pagmasdan ang mga iyon. Tila isinabog sa kalangitan ang mga bituin.

"Ang ganda..." manghang sabi niya sa sarili habang nakatingala sa kalangitan. Naupo siya sa pasimano ng kanilang maganda at malawak na terasa.

Maya-maya ay natanaw niya si Rocky na nakahubad at lumabas din ng bahay. Nakasabit ang itim na damit sa balikat nito habang nakasuot ng maong na short.

Hindi rin ba ito makatulog?

Nagulat pa ito ng mapatingin sa pwesto niya.

Iniwasan niya ito ng tingin at inirapan.

Naiinis pa rin si Penny sa lalaking iyon. Hambog kasi.

Hindi niya alam kung kailan niya makakasundo ang lalaki. Isang araw pa lang silang magkasama pero puro kaguluhan na agad ang nangyari sa kanila.

Napansin niyang naupo rin ito sa pasimano ng bahay na tinutuluyan nito. Magkaharap sila ngayon.

Tsk! Bakit ba ito naupo roon? Kung kailan maganda ang paligid at nag-eennjoy siya sa view ay saka naman lumabas ang lalaking ito. Nakahubad pa.

Infairness, may six pack abs. Hindi sinasadyang mabilang niya iyon nang mapatingin siya sa katawan nito. Masyado na yata siyang nagkakasala.

"Pennys, hindi ka rin makatulog?" tanong nito sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pangalan na itinawag nito sa kaniya. Walang hiya talaga. Ginagawa pa nitong tawag sa pangalan ng ari ng lalaki ang pangalan niya. Mabuti na lang at siguradong tulog na ang Mommy at Daddy niya. Baka may makarinig pa sa kabulastugan ng bibig nito. Pinandilatan niya ito ng mga mata pero ngumisi lang ito at kapagkuwan ay tumingala sa kalangitan.

Habang nakatingala ito ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang mukha nito.

Napansin niya na gwapo naman talaga ito kahit na mukhang adik ang pormahan. Ang dami nitong marka sa katawan. Pati hikaw ay marami din. Ang tangos ng ilong nito at ang ganda ng pilikmata. Mas mahahaba pa yata sa kaniya ang pilikmata nito.

Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya habang pinagmamasdan ang hambog niyang bodyguard. Bigla ulit itong lumingon sa kaniya nang nakangiti rin, kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin pero nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan ng pagtataka nang mahuli nito na nakatitig siya dito.

"Gwapong-gwapo ka yata sakin," sambit nito dahilan para mapakurap siya. Ang lakas pa naman ng boses nito kahit gabi na.

Tila siya natauhan at agad na nag-iwas ng tingin..

"H-huh? Ang kapal naman ng mukha mo!" sagot niya sa binata.

Narinig niya ang mahinang halakhak nito.

"Alam ko na 'yan. Siguro pinagpapantasyahan mo ako sa isipan mo."

Sinamaan niya ito ng tingin. Pinaglihi yata talaga ito sa kahambugan!
Never in her life na pagpapantasyahan niya ito. Kung ang artistang si Daniel Philip Henney ito ay baka sakali pa. Iyon kasi ang crush niya.

"Ang kapal ng mukha mo!" inis na sabi niya sa lalaki.

"Oh, inaaway mo na naman ako. Ang hilig niyo talagang mga babae sa away," iiling-iling na sabi nito.

Siya pa talaga ngayon ang nang-aaway? Eh hindi naman niya ito aawayin kung mabait ito. Ang kaso ay tila sinasadya nito palagi na sirain ang mood niya.

Natahimik siya pero bigla itong nagtanong.

"Pennys, may boyfriend ka ba?" tanong nito sa kaniya. Hindi niya alam pero biglang dumagundong sa kaba ang dibdib niya dahil sa tanong nito. Bakit naman nito biglang naisip na itanong ang bagay na iyon?

"W-wala," piping sagot niya.

"Ah, hindi na nakapagtataka," sagot nito at tumawa.

Muli ay parang gusto niya itong sugudin at sapakin dahil sa kagaspangan ng ugali nito. Sabi na nga ba niya at iinsultuhin na naman siya nito. Alam niyang pangit siya at baduy. Tanggap na niya iyon sa sarili niya. Hindi na nito kailangan pang ipamukha iyon sa kaniya. Marami siyang insecurities sa katawan dahil ganito ang itsura niya. Napabuntong-hininga na lang siya sa bwisit niyang bodyguard. Hindi niya alam kung ano ang nakita ng Daddy niya dito. Pero sabi nga nito ay pinagtanggol ito ni Rocky. Iyon na lang ang pinanghahawakan niya. Tumayo na siya sa kinauupuan niya.

"Panira ka talaga ng gabi! Diyan ka na nga!" inis na sabi niya at nag-walk out sa lalaki. Nababadtrip lang siya sa taong ito. Isinarado niya ang pintuan habang bitbit ang tasa ng gatas na dala niya kanina.

———

"Ang sarap talaga bwisitin ng babaeng iyon. Masyado kasing suplada. Sayang, maganda pa naman sana kahit mataba at baduy kung pumorma. Maganda ang mga mata at matangos ang ilong. Mapula ang labi..." bulong ni Rocky sa sarili niya.

Napailing siya at nagsindi ng yosi. Bakit ba hindi siya makatulog? Namamahay yata ang katawan niya sa magarang bahay na ito.

Ang daming bituin sa kalangitan kaya nahalina siyang pagmasdan ang mga ito. Pero may mas magandang view pa sana kanina. Ang kaso ay umalis naman na. Dapat pala ay hindi niya na lang muna ito inasar. Pinigilan niya na lang muna sana ang sarili niya.

Ang babaeng iyon.

Ewan ba niya kung bakit natutuwa siya na inaasar ito.
Wala daw itong boyfriend. Natuwa siya doon. Hindi naman kasi nakapagtataka eh. Hindi ligawin ang tipo ng babaeng iyon. Pffft. Tapos parang dragon pa palagi. Mas masahol pa nga yata. Tsk!

Nawala ang ngisi sa labi niya nang bigla niyang maalala ang Lolo niya noong nabubuhay pa ito. Wala na kasi siyang mga magulang. Namimiss na niya ang Lolo niya. Ito kasi ang nagpalaki sa kaniya. Dalawang buwan pa lang buhat ng mawala ito. Mag-isa na lang tuloy siya sa buhay ngayon. Marami na rin namang babae ang dumaan sa buhay niya pero walang nagtagal kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang asawa. Wala pa rin siyang kasama. Kunsabagay ay hindi pa naman siya ganoon katanda. 28 pa lang naman siya.

Humithit siya ng sigarilyo at nagpakawala ng usok.

Yung anak ni Mr. Crisostomo, ito yata ang gusto niyang mapangasawa.
Bigla siyang natawa at napangisi sa isiping iyon.

Nababaliw na yata siya. Kung ano-ano ang naiisip niya.

Sa itsura at galaw ng babaeng iyon ay daig pa nito ang matandang dalaga. Parang laging may regla. Malabong magkaroon ng asawa iyon sa hinaharap. Napakasungit kasi. Pinag-isipan ba naman siya na masamang tao? Siya na nga itong nagmagandang-loob at nagpaka-feeling superhero sa Daddy nito.
Ano na naman kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa bukas? Siguradong babangayin na naman siya ng babaeng iyon.

Itinapon niya ang yosi at pumasok na sa loob ng bahay. Kailangan niya ng matulog.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon