"Good morning, Sir!"
Napatingin si Penny kay Rocky nang ibaba nito ang bintana ng sasakyan. Sumaludo pa ito sa kaniyang ama.
Papaalis na sila ng Daddy niya upang pumasok sa school."Good morning Rocky!" bati naman ng kaniyang ama dito. Palaging magaan ang awra ng ama niya pagdating kay Rocky. Siguro nga ay dahil na rin sa utang na loob na tinatanaw ng kaniyang ama. Malaking bagay naman kasi talaga ang nagawa ni Rocky dito at iyon din ang pinanghahawakan niya kaya naniniwala siyang mabuting tao ito kahit na mukhang barumbado ang datingan.
Bumaba si Rocky sa sasakyan at pinagbuksan sila nito ng pintuan.
"Morning Pennys!" mahinang bulong nito sa kaniya nang makasakay na ang kaniyang ama.
"Bwisit ka talaga," sabi niya dito dahil tinawag na naman siya nito sa pangalang iyon.
"Yung usapan natin mamaya ha? Don't forget!" sabi pa nito.
Oo nga pala at may sinabi ito sa kaniya kagabi tungkol sa pagsabay nilang kumain ng lunch ngayong araw. Ang weird talaga ng lalaking ito. Hindi niya alam kung bakit hinihiling nito ang bagay na iyon sa kaniya, pero dahil hindi naman iyon mabigat ay pagbibigyan na lang niya ito. Lunch lang naman iyon. Para wala na din itong masabi.
"Oo na," aniya dito at waring umirap. Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan at sumakay na siya roon. Pinaandar na nito ang sasakyan matapos silang makasakay ng Daddy niya.
Pakanta-kanta pa si Rocky sa loob ng sasakyan at naiinis siya sa tugtugan nito kasi pambasagan ng tainga. Ang sakit sa tainga dahil purong rock.
"Ano ba naman yang sounds mo pang-adik, pwede bang baguhin mo? Balak mo yatang sirain ang eardrums namin ni Daddy eh!" aniya kay Rocky.
"Ano ka ba ang ganda kaya! Tss. Wala kang taste sa music," iiling-iling na sabi nito sa kaniya.
"Anong walang taste? Ikaw kaya ang walang taste. Ang pangit-pangit ng music mo," inis na wika niya dito. Maya-maya ay binago naman nito ang tugtog pero rock pa rin iyon. Tatsulok by bamboo. Mas okay na ito kaysa sa tugtog kanina. Medyo mas magaan itong pakinggan sa tainga.
"Ang ganda ng lyrics di ba?" sabi pa nito sa kaniya.
"Tse! Ewan ko sayo!" aniya dito at humalukipkip. Pero sa totoo lang maganda naman talaga ang lyrics ng kanta.
"Ang ganda nga ng lyrics," sabat ng ama niya sa likod nila. Kunot noo siyang napatingin dito.
"Dad, kailan ka pa nahilig sa ganiyang music? Eh di ba si Victor Wood ang idol mo?" aniya sa ama. Humalakhak lamang ito.
"Paminsan-minsan ay nakikinig rin naman ako sa ibang music," anang ama niya.
"Cool ng Daddy mo Pennys- I mean Penny," ani Rocky at waring nagtanggal pa ng bara sa lalamunan.
Nang makarating sila sa school ay binitbit ni Rocky ang ilang mga gamit niya, habang ang ama naman niya ay dumiretso na sa opisina nito.
Marami ang napapatingin sa kanila ni Rocky. Mga estudyante at kapwa niya guro. Hindi naman ito ang unang beses na nakita siya ng mga itong may kasamang bodyguard pero parang takang-taka pa rin ang tingin ng mga ito. Nababasa niya ang pagtatanong sa mga tingin nito sa kanila ni Rocky. Ano kaya ang iniisip ng mga ito sa kanila?
Bakit pa ba niya aalalahanin iyon?
"Bakit kaya sila ganiyan makatingin? Ang hirap talaga kapag gwapo eh," bulong ni Rocky sa gilid niya. Umiral na naman ang pagiging hambog nito.
"Kapal mo naman. Feeling mo talaga gwapong-gwapo sila sayo?" aniya dito.
"Bakit hindi ba? Ikaw ba hindi ka ba nagugwapuhan sakin?" biglang tanong nito sa kaniya. Napahinto tuloy siya sa paglalakad. Bakit napunta sa kaniya ang tanong?
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...