Lulan ng sasakyan ay tahimik pa rin si Penny sa tabi niya. Naiinis siya dahil kahit hindi ito magsalita ay alam niyang nasaktan ito kanina.
"Wag mong isipin yung mga sinabi sayo ng mga mukhang clown kanina," aniya sa dalaga.
"Okay lang ako," tipid nitong sagot sa kaniya.
"Kahit hindi?" aniya dito. Tiningnan siya ni Penny.
"Salamat sa pagtatanggol mo sakin kanina Rocky, pero hindi mo na sana ginawa iyon. Nadamay ka pa," sabi nito sa kaniya.
"Penny, ginawa ko lang kung ano yung tama. Hindi naman ako papayag na insultuhin ka ng mga taong iyon. Eh ni hindi ka nga nila kilala eh. Ang lakas naman ng loob nila. Hindi naman nila kilala ang buong pagkatao mo," katwiran niya. Pinilit na ngumiti ni Penny sa kaniya.
"Salamat Rocky," sabi ulit nito.
Nang makauwi sila sa bahay ay doon sila tumambay sa terasa ng bahay na tinutuluyan niya na pag-aari din ng mga ito.
"Dito na lang tayo," sabi ni Penny sa kaniya.
"Bakit dito mo gusto?"
"Para naman makatambay ako sa bahay mo."
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito.
"Bahay ko? Eh bahay mo rin ito eh," sabi niya. Si Penny naman ang napangiti. Inilapag nito sa lamesa ang bitbit nilang mga kape at cakes.
Magkatapat silang naupo sa harap ng table. Si Penny naman ay inilapag muna ang mga gamit nito sa isang upuan na naroon.
Humigop siya ng kape at hindi sinasadyang napatitig siya kay Penny. Abala ito sa pagkain ng cake kaya hindi nito namalayan na ilang segundo na siyang nakatitig sa mukha nito.
Maganda ito para sa kaniya. Maganda ito sa paningin niya. Kahit na mataba ito ay nagagandahan siya dito kasi iyon talaga ang nakikita ng mga mata niya. Maganda si Penny. Hindi lang iyon makita ng mapanghusgang mga mata ng tao.Nag-angat ng tingin si Penny sa kaniya at doon lang siya napaiwas ng tingin.
"Kumain ka na Rocky. Ang sarap ng cake," sabi nito sa kaniya.
Tiningnan niya ang blueberry cheesecake na siyang inorder niya kanina. Ngumiti siya dito at tumango saka sinimulang kumain.Tahimik silang kumakain nang biglang lumabas ang Mommy ni Penny mula sa kabilang bahay. Nagulat pa ito nang makita sila.
"Mommy!" sigaw ni Penny at ngumiti sa ina habang kumakaway.
"Oh Penny, nakauwi na pala kayo ni Rocky? Anong ginagawa niyo diyan? Nasaan si Daddy mo?" sunod-sunod na tanong nito sa kanila.
"Nasa school pa po si Dad, babalikan na lang siya ni Rocky. Nagmimiryenda lang po kami," sagot ni Penny sa ina. Napatango naman ito sa kanila.
"Maaga ang uwian mo?" tanong ng Mommy nito.
"Yes Mom," sagot ni Penny dito.
"Kape po tayo Ma'am!" pag-alok niya naman ng kape sa ginang.
"Thanks Rocky. Enjoy lang kayo diyan at marami pa akong gagawin sa loob. Lumabas lang ako kasi parang nakaulinigan ko na may nag-uusap. Nariyan na pala kayo ni Penny," anito sa kanila.
"Enjoy!" huling sabi nito at saka pumasok na sa loob ng bahay. Iniwanan na sila nito. Nagkatinginan sila ni Penny at nagkangitian.
"Ang bait ng Mommy mo ano?" sabi niya dito.
"Hmm oo naman. Why?" tanong nito sa kaniya.
"Napansin ko lang na sobrang laki ng tiwala niya sa akin dahil pumayag siya agad na maging bodyguard mo ako, kahit yung Daddy mo," sabi niya. Nagpapasalamat siya sa oportunidad na ibinigay ng mga ito sa kaniya, masaya siya na nagkaroon siya ng trabaho ngunit higit na mas nagpapasaya talaga sa kaniya ang makilala si Penny. Unti-unti na silang nagkakapalagayan ng loob.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomantikPenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...