CHAPTER 26

161 1 0
                                    

Maagang nagising si Penny kinabukasan. 5 am pa lang ay gising na siya. Ang mga magulang niya ay tulog pa. Pinasya niya munang tumambay sa labas ng bahay at tingnan ang mga halaman na tanim ng Mommy niya. Mahilig din sa halaman ang Mommy niya kaya makulay na makulay ang hardin nila dahil sa iba't ibang mga bulaklak na tanim nito. Napangiti siya nang makita niya ang pulang rosas na paborito niyang inaamoy-amoy kapag nilalapitan niya ang mga halaman ng Mommy niya. Ang bango talaga nito. Nakapikit ang mga mata niya habang may matamis na ngiting naglalaro sa labi niya.

Hindi niya alintana si Rocky na kanina pa pala siya pinagmamasdan. Galing ito sa labas dahil nag-jogging pala ito. Nakahubad ito at basang-basa ng pawis. May nakalagay din na headset sa tainga nito. Ang damit nito ay nakasampay sa balikat nito.

Napansin lang niya ito dahil tumikhim ito. Gulat na gulat siya nang makita itong nakatitig sa kaniya.

"R-rocky?"

"Ang aga mo namang nagising, Ma'am," bati nito sa kaniya. Humakbang ito palapit sa kinatatayuan niya.

"Medyo lang. Hindi na ako makatulog eh," saad niya. "Nag-jogging ka pala?"

"Ah, oo. Maaga din kasi akong nagising so naisipan kong tumakbo-takbo diyan sa labas. Gusto mo rin mag-jogging?"

Umangat ang kilay niya sa tanong nito. "Sasamahan mo ako?" tanong niya. Ngumiti ito sa kaniya. "Oo naman. Iyon eh kung hindi masasakit ang muscles mo. Kaka-gym lang natin kahapon e." Bigla niyang naramdaman ang pananakit ng katawan. Ang totoo ay masakit nga talaga ang mga muscles niya.

"Actually masakit nga." Napangiwi siya. Mahina lang na napatawa si Rocky dahil doon. "Kung ganoon ay huwag mo ng pilitin. Ipahinga mo muna. Pwede naman tayong mag-jogging sa ibang araw. May pasok ka pa mamaya," paalala nito sa kaniya.

Bakit parang napapansin niya na iba ang dating ng pag-aalala nito sa kaniya? Or baka naman napa-praning lang siya at kung ano-ano na ang naiisip niya.

"Tulog pa ang Daddy at Mommy mo?" bigla ay tanong nito sa kaniya. Tumango siya dito. Pamaya-maya pa magigising ang mga iyon.

"Oo, pero pamaya-maya lang ay magigising na din ang mga iyon."

Bumalik na siya sa terasa at sinundan naman siya ni Rocky.

"Pwede bang maki-kape?" tanong nito sa kaniya. Nakangiti ang mga mata nito.

"Ang lapit-lapit lang ng bahay na tinutuluyan mo tapos makiki-kape ka pa samin?"
Inirapan niya ito. Magkapitbahay lang sila ni Rocky. Mahina naman itong tumawa dahil sa tinuran niya.

"Alam mo ikaw, ang aga aga ang sungit mo na naman. Oo o hindi lang naman ang sagot eh."

"As if naman may choice ako na tanggihan ka? Baka mamaya ay hindi mo na ako samahan mag-gym," kinakabahang sabi niya dito. Iba pa rin kapag kasama niya si Rocky, nararamdaman niya na safe siya kapag kasama niya ito sa gym. May mga lalaki din kasi doon at sa totoo lang ay nahihiya siya.

"Tingin mo gagawin ko iyon? Ako kaya ang nagpilit sayo na mag-gym ka. Syempre susuportahan kita, wag kang mag-alala, palagi kitang sasamahan. Kaya mo nga ako bodyguard eh, di ba?"
Ngumisi ito sa kaniya. Napailing na lang siya dito at pinigilan ang mapangiti. Hindi niya alam kung bakit siya nangingiti.

"Oh siya timplahan mo na ako ng kape," parang prinsipe na utos nito sa kaniya. Umirap siya sa hangin at nagmamartsang pumasok sa loob ng bahay.

"Opo senyorito!" sarkastikong sabi niya. Narinig niya ang mahinang halakhak ni Rocky.

Tinimplahan niya ito ng kape at nagtimpla naman siya ng gatas para sa sarili niya. Paglabas niya ay bitbit na niya ang dalawang tasa para sa kanilang dalawa ni Rocky.

"Ay, napakabait mo naman talaga Penelope!" ani Rocky sa kaniya at umayos ito ng pagkakaupo. Inabot niya ang kape dito.

"Ito na po ang kape niyo mahal na senyorito!" pairap ulit na sabi niya.

"Sana nga totoong senyorito na lang ako... Para naman bagay tayong dalawa."

Hindi niya narinig ang huling sinabi ni Rocky dahil naging mahina na ang tinig nito.

"Gatas yang sayo?" tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya dito.

"Oo. Bakit gusto mo rin?"

"Hindi, kape lang ako. Hindi naman ako baby."

"Porket gatas ang iniinom para sa baby lang?"

"Bakit hindi ka ba baby?"

Kumunot ang noo niya dahil sa kakulitan ng tanong nito.

"Hindi."

"Baby ka kaya."

Mas lalong nangunot ang noo niya.

"Ano? Nang-aasar ka na naman ba?"
Mukhang pinagtitripan na naman siya nito. Sa laki niyang ito ay sinasabihan siya nito na baby siya. Siguro ay iniinsulto na naman siya ng kumag na ito.

"Hindi ako nang-aasar. Baby ka naman talaga eh... Baby ko."

Muntik na siyang masamid sa gatas na iniinom niya. Humagalpak naman ng tawa si Rocky.

"Hahaha! Joke lang! Masyado kang seryoso sa buhay. Mabilis kang tatanda niyan," sabi nito sa kaniya.

"Eh ano naman?"

"Okay lang tumanda, basta wag lang tatandang dalaga," mabilis na bawi ni Rocky.

"Parang dun na nga ako papunta eh!"

"Aba di ako papayag!"

"A-ano?"

Biglang natigilan si Rocky dahil sa napalakas ang tanong niya. Parang nabigla din naman ito sa sinabi nito kaya natutop pa ang bibig.

"Ah, ano- ibig kong sabihin. Hindi papayag yung mga magulang mo. Ano ka ba? Nag-iisa ka na nga lang eh, bigyan mo naman sila ng apo para mas maging masaya sila."

Natahimik siya sa sinabi ni Rocky. Hindi niya maiwasan ang malungkot. Naalala niya bigla ang kapatid niya. Kung hindi lang sana ito namatay, sana ay kasama pa rin nila ito hanggang ngayon. Hindi rin sana ganito katakot ang mga magulang niya. Kaya siya kinuhanan ng bodyguard ng mga ito ay dahil na-trauma na ang mga ito sa nangyari. Kung hindi lang namatay ang Kuya niya, sana ay mas masaya ang pamilya nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. Hindi pa rin nila alam kung anong fraternity ang nakasagupa ng kapatid niya at kung sino ang mga miyembro niyon na nakapatay dito. Iyon ang isang laging hinihiling niya sa Panginoon, na sana ay mabigyan na ng hustisya at magbayad ang mga taong dahilan kung bakit namatay ang kapatid niya. Sinisiguro niyang magbabayad sa batas ang mga taong sangkot sa krimen dahil hindi sila titigil kahit gaano pa katagal ang abutin ng panahon. Kailangang magbayad ang mga dapat magbayad. Hinding-hindi rin niya mapapatawad ang mga ito dahil buhay ang nawala sa kanila. Walang kasingsakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Kumawala ang luha sa pisngi niya nang maalala ang masasayang sandali na kasama pa nila ang kapatid niya. Napansin iyon ni Rocky at mabilis na nangunot ang noo nito, kasabay niyon ay napalitan ito ng pag-aalala.

"P-penny, bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong masama?" tanong nito sa kaniya. Hinawakan nito ang balikat niya. Umiling siya dito.

"W-wala. Wag mo akong pansinin may naalala lang ako..."

"Sino?"

"Y-yung Kuya ko..."

Natahimik si Rocky dahil sa sinagot niya.

"Siya ba yung nasa malaking picture sa wall ng bahay na tinutuluyan ko?" tanong nito. Marahan siyang tumango kay Rocky. May malaking larawan ang Kuya niya sa bahay na iyon. Sa Kuya kasi niya talaga ang bahay na iyon. Pinagawa iyon ng Daddy niya para kung sakaling magkaroon na ito ng sariling pamilya ay hindi ito mapapalayo sa kanila at doon lang din titira.

"Hindi ko pa pala natatanong sayo ito. Ano ba ang nangyari sa kapatid mo?"
Nakatitig si Rocky sa kaniya at naging seryoso ang mukha nito habang naghihintay ng sagot. Kahit na masakit alalahin ang lahat ay sinagot niya pa rin ang tanong nito.

"Namatay siya sa isang riot. Riot ng mga fraternity..."

Natahimik si Rocky pagkarinig ng mga katagang iyon.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon