CHAPTER 04

344 10 7
                                    

"Goodbye class. See you again tomorrow!" nakangiting sabi ni Penny sa mga estudyante niya. Natapos na naman ang araw niya ngayon sa eskwela. Agad siyang lumabas ng classroom at ini-locked ang silid niya. Nakita niyang nakatayo sa labas yung hambog niyang bodyguard at kumakain pa ng sandwich.

"Uwian na?" tanong nito sa kaniya nang makita siya nitong lumabas. Nagulat siya nang kuhanin nito ang shoulder bag niya at isinuot nito iyon sa balikat nito.

"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong niya.

"I'm your bodyguard remember?" anito sa kaniya.

Napailing siya rito. Wala siyang energy na makipagsagutan sa lalaking ito.

Inirapan niya lang ito at hindi sinagot. Lumakad na ito bitbit ang bag niya matapos niyang mai-locked ang pinto ng silid aralan. Sumunod siya dito. Marami ang napapatingin sa kanila habang daan.

Naiinis talaga siya. Hindi niya naman kasi kailangan ng bodyguard pero bakit bigla na lang naisip ng Daddy niya ito?

Huminto siya sa paglakad at nilingon ang lalaking kasama niya. Nilalantakan pa rin nito yung sandwich na hawak nito at bigla rin itong napahinto dahil sa paghinto niya.

"Gusto mo?" alok nito sa kaniya.

"Sagutin mo nga ako lalaki-"

"Sagot agad? Hindi ka pa nga nanliligaw eh!" putol nito sa sinasabi niya.

What? Kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Hambog talaga!

Ano bang pinagsasasabi nito? Tumikhim siya at ipinatuloy ang nais niyang itanong dito.

"Bakit ako biglang binigyan ng bodyguard ni Daddy? May alam ka ba?" diretsong tanong niya sa lalaki. Kumunot lang ang noo nito at patuloy sa pagnguya. Dinilaan pa nito ang daliri na nalagyan ng mayonnaise.

Kadiri!

"Hindi ba't sinagot na 'yan ng Daddy mo? Ayaw ka niyang mapahamak. As if naman mapapahamak ka eh hindi ka naman kayang buhatin ng mga kidnappers. Hahahaha!"

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki dahil sa sinabi nito at sa nakakainsulto nitong pagtawa.

"Anong sabi mo? Ginagago mo ba ako?"

"Maghapon mo na lang akong inaaway. Hindi ka pa ba napapagod? Kaya nga ayokong magka-syota kasi sakit lang sa ulo eh, pero ngayong ikaw ang binabantayan ko. Daig ko pa ang may syota," sabi ng lalaki.

"Halika na nga."

Kinuha pa ulit nito sa kaniya ang ilang mga aklat na bitbit niya matapos nitong maitapon sa kung saan ang plastic ng sandwich na hawak nito kanina.

"Hoy, bawal magtapon ng basura sa kung saan-saan lang. Wala ka bang mga mata? Sa basurahan ka magtapon!" sermon niya dito pero tuloy-tuloy lang ito at nauna ng naglakad sa kaniya patungo sa sasakyan nilang nakaparada. Parang wala itong narinig.

"Nakikinig ka ba sakin?" habol niya dito.

"May janitor naman eh. Trabaho nila yun 'di ba? Eh 'di sana janitor na lang ang pinasukan ko at hindi bodyguard."

Pakiramdam niya ay agad siyang tatanda sa lalaking ito. Nakakaubos ng pasensiya. Bukod sa hambog eh pilosopo rin.

Pinagbuksan siya nito ng pintuan sa tabi ng driver's seat.

Hinintay nila ang Daddy niya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang Daddy niya bitbit ang mga gamit nito.

"Ser!"

Sumaludo pa ang hambog na lalaki sa Dad niya matapos sumakay ng Daddy niya sa kotse.

"Kamusta ang araw ninyong dalawa?" nakangiting tanong ng Daddy niya sa kanila.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon