CHAPTER 58

192 5 0
                                    

Linggo ng umaga at walang pasok sa eskwela si Penny. Ang mga magulang niya naman ay may importanteng inasikaso kaugnay sa kaso ng kapatid niya kaya naiwan siyang mag-isa sa bahay. Gusto niya sanang lumabas at maglibang, o kaya ay magliwaliw. Ilang araw na rin kasi siyang nakalugmok lang. Masakit ang puso niya at ang totoo ay sobrang lungkot niya. Pagkatapos ng mga naganap ay labis niyang ininda ang lahat, nawawalan na naman siya ng gana sa sarili, napapabayaan niya ang sarili niya. Kahit hindi man niya aminin, ang totoo ay sobrang apektado siya sa pagkakakulong ni Rocky at sa pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng kapatid niya. Kahit napalitan ng galit ang puso niya ay malinaw naman na hanggang ngayon ay malaki pa rin ang bahagi ni Rocky dito, mahal niya pa rin si Rocky, pero paano ang gagawin niya? Nagmamahal siya ng isang kriminal. Gulong-gulo na ang isipan niya, kung ano ang tama ay iyon lang ang nararapat niyang gawin at iyon ay ang hayaan sa kulungan si Rocky, dapat lamang itong magdusa. Palagi itong laman ng isipan niya araw araw pero wala siyang magawa. Bakit dumating siya sa ganitong sitwasyon? Paano nagawa ni Rocky iyon, sobrang nanghihinayang siya sa lahat ng pinagsamahan nilang dalawa. Dumadating talaga sa puntong naaalala niya ito at nami-miss niya ang lahat ng mga pinagsaluhan nila. Naiiyak na lamang siya kapag naiisip niya iyon.

Itinuon na lang niya ang atensyon sa mga bulaklak ng Mommy niya. Makukulay ang mga iyon at magaganda kaya kahit papaano ay nalibang siyang pagmasdan. Diniligan na rin niya ang mga ito tutal ay wala naman siyang gagawin ngayong araw. Nagawa na niya kagabi ang mga dapat niyang asikasuhin sa pagtuturo pagbalik niya sa eskwela.

Habang nagdidilig siya ng halaman ay napansin niyang parang may tao sa labas. Lumabas siya upang masiguro at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita sina Uno at Leandro. Parehas na nakasuot ng hoodie jacket ang mga ito at balot na balot saka patingin tingin sa paligid at hindi mapakali. Nabigla siya at akmang sisigaw sana pero mabilis siyang nakita ni Uno kaya agad nitong tinakpan ang bibig niya at ipinasok siya sa loob ng gate nila.

"Shh! Wag kang maingay Penny wala kaming balak na masama sayo," bulong ni Uno sa kaniya. Takip takip pa rin nito ang bibig niya at pigil-pigil siya nito.

Hindi siya makapagsalita at tanging pagpupumiglas lamang ang nagawa niya.

"P-penny makinig ka samin. Wala kaming balak na masama, nandito kami para sumuko pero gusto ka muna naming makausap," sabi naman ni Leandro. Natigilan siya sa pagpupumiglas. Unti-unti rin siyang binitawan ni Uno.
Puno ng hinanakit na tiningnan niya ang mga ito.

"P-pinatay niyo ang kapatid ko!" Umagos ang luha na kanina pa niya pinipigil. "Pinatay niyo siya! Magbabayad kayo!"

Napailing ang dalawa sa kaniya. Halatang stress na stress ang mga ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magtiwala pero isang bahagi ng isipan niya ang gustong makinig sa sasabihin ng mga ito.

"Hindi kami ang pumatay sa kapatid mo, aaminin namin na may kasalanan rin kami dahil nandoon kami nung naganap ang riot, at handa naman naming pagdusahan iyon pero ang totoong pumatay talaga sa kapatid mo ay walang iba kundi si Jerson!"

Napatigil siya sa sinabi nito. Gulat na gulat siya.

Si Jerson?

Paano nito nagawa iyon sa kapatid niya? Wala sa itsura nito na kaya nitong pumatay. Mali siya ng pagkakakilala sa mga taong ito.

"N-nasaan si Jerson? Nasaan siya?!" napasigaw na siya dahil sa matinding emosyon.

Nagkatinginan sina Uno at Leandro, tila ba iniisip pa ng mga ito kung sasabihin ng mga ito ang kinaroroonan ni Jerson.

"Nandito kayo upang sabihin ang lahat hindi ba? O baka naman kasabwat talaga kayo?"

"Makinig ka sa amin Penny. Nasa Nueva Vizcaya si Jerson at kasama niya kaming nagtago doon noong una. Pero hindi na namin makaya ang tawag ng kunsensya nang makita namin si Rocky na nasa selda at nagdudusa. Penny, walang kasalanan si Rocky sa nangyari—"

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon