Medyo maingay ang paligid kaya nagising si Rocky dahil tila ba may mga nag-uusap mula sa labas ng bahay. Napakunot ang noo niya. Tumingin muna siya sa orasan nang makabangon siya sa higaan.
8 AM pa lang. Linggo ngayon kaya rest day niya pati na rin si Penny, wala itong pasok ngayon.Pupungas-pungas siyang lumabas ng silid upang tingnan kung may tao ba sa labas. Pagkabukas niya nang pintuan ay gulat na gulat siya nang tumambad sa kaniya ang mga kaibigan niya.
"Oh sabi sayo ito yung address ni Rocky eh!" Ang nakikipagtalong si Uno ang agad na bumungad sa kaniya. Kasama nito sina Jerson at Leandro.
"Ang gara ng bahay mo, Rocky ah!" nakangising sabi ni Leandro. Takang-taka siya kung ano ang ginagawa ng mga mokong na ito dito.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong niya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Saka paano kayo nakapasok eh may gwardiya ang village na to? Hindi sila basta-basta nagpapapasok," dagdag pa niya.
Kumamot sa batok si Uno.
"Hehe, ang totoo ay nakapasok kami nung natalikod ang gwardiya kanina," sagot nito.
Napailing siya.
Pasaway talaga ang mga kaibigan niya."Kayo talaga, buti hindi kayo nahuli? Baka mamaya ay madamay pa ako sa kalokohan niyo. Nagtatrabaho lang ako dito sa amo ko," sabi niya.
"Hayaan mo na Rocky boy. Hindi naman kami napansin nung guard eh, mukhang lula nga yung gwardiya niyo dito. Dapat dun pinapalitan na," ani Jerson.
"Eh bakit nga ba kayo nandito? May problema ba sa paresan?" tanong niya.
"Nakalimutan mo na ba na kailangan nating bumili ng ilang mga gamit sa pwesto? Siyempre sasamahan ka namin," sabi ni Uno. Naalala niya bigla na kailangan nga pala niyang mamili ng mga gamit. Pero hindi niya inaasahan na sasamahan pa siya ng mga mokong na ito. Si Penny kasi ang niyaya niyang makasama sa pagbili ng mga gamit, well nandito na ang mga kolokoy na ito kaya ano pa bang magagawa niya?
Maya-maya ay natanaw niya si Penny na patungo sa kinaroroonan nila. Bakas ang pagkagulat sa mga mata nito nang makitang nandito sila Uno. May bitbit itong dalawang mug at plastic na may lamang tinapay. Nakapantulog pa ito at mukhang kakagising lang rin upang yayain siya na mag-kape.
"Good morning Penny!" nakangising bati ni Uno kay Penny at kumaway pa nang makita ito.
Ngumiti naman si Penny kay Uno bilang pagtugon sa bati nito.
"Rocky, hindi mo sinabing may bisita ka pala?" sabi ni Penny nang makalapit ito sa kanila.
"Ah, actually Penny wala namang alam si Rocky boy na pupunta kami dito. Sinurprise lang namin siya," sagot ni Uno.
"Ganoon ba? Mabuti at nakapasok kayo sa guard?" nagtatakang tanong nito. Kung alam lang nito kung gaano kaloko ang mga kaibigan niya malamang ay hindi na nito maisip pa na magtaka. Kung kinakailangan na umakyat ng mga ito sa gate makapasok lang ay tiyak na gagawin ng mga ito.
"Inisahan namin yung guard—"
"Psst Uno!" pigil niya sa sinasabi nito dahil nahihiya siya kay Penny. Napakamot naman sa ulo si Uno.
"Sorry Penny, wala naman kaming intensyon na masama kahit pumuslit talaga kami sa gate para lang makapasok," sabi ni Leandro.
"Oh, it's okay. Besides, kilala naman namin kayo ni Rocky. No worries," sabi ni Penny sa mga ito.
"Anyway, magpapainit lang ako ng tubig sa loob para sa kape. Dalawa lang kasi itong nadala kong mug. Hindi ko alam na may bisita pala si Rocky." Ngumiti si Penny sa kanila.
"Salamat Penny!" nakangiting ani Leandro dito. Sa loob na ng bahay na tinutuluyan niya pumasok si Penny upang magpainit ng tubig.
"Rocky, papasukin mo sila sa loob. Pasok muna kayo Uno at magkakape tayo," anyaya nito sa mga kaibigan niya. Hindi na hinintay ng mga kaibigan niya na ayain niya ang mga ito dahil isa-isa ng nagpasukan sa loob ang mga kaibigan niya. Napailing na lang siya at napabuntong-hininga bago sumunod na pumasok sa loob.
"Penny salamat ha? Nandito kami kasi gusto naming samahan si Rocky na mamili ng mga gamit sa pwesto," sabi ni Uno.
"Oo nga pala no? Rocky nakalimutan ko na yun. Pero nakwento naman sakin ni Rocky na need nga daw bumili ng ilan pang mga gamit. Pwede ba akong sumama sa inyo?" tanong nito sa kanila.
"Oo naman! Ikaw naman talaga dapat ang kasama ko. Hindi ko din alam na dadating ang mga kumag na ito," mabilis na sagot niya. Napangiti lang si Penny. Gusto niya itong kasama palagi kaya naman mamaya ay isasama niya pa rin ito kahit kasama ang mga kaibigan niya.
"Surprise yun bro. Ganun ka namin kamahal," biro ni Leandro.
"Mukha mo!" sagot naman niya dito at ginulo ang buhok nito. Nagtawanan lamang sila.
"Kadiri ka bumanat Leandro. Bakla ka ba?" ani Jerson dito.
"Inggit ka lang sa kagwapuhan ko kaya mo nasasabi yan," sagot ni Leandro kay Jerson.
"Grabe ang laki ng bahay na ito. Mag-isa ka lang dito, Rocky boy?" biglang tanong ni Uno na inililinga na pala ang paningin sa kabuuan ng bahay. Si Penny ay hinihintay na kumulo ang tubig at naghahanda na din ito ng mga tasa.
"Si Rocky lang ang nakatira dito. Actually ay bahay ito ng Kuya ko. Kaso namatay na siya dahil sa isang gulo kaya wala ng nakatira dito. Nagpasya ang Daddy ko na si Rocky na lang muna ang tumira, di ba love?" sabi ni Penny sabay baling sa kaniya. Tila nabigla din ito sa sinabi pero huli na para bawiin pa nito iyon. Napangisi siya nang mapansin na nag-blush ang mukha nito nang mapagtanto ang sinabi.
Bukod pa doon ay ngayon lang siya tinawag nito sa endearment na itinatawag din nya dito."Love? So kayo na pala?" gulat na sabi ni Uno.
Hindi nila napag-usapan ni Penny ang tungkol sa bagay na iyon kung sila na ba o hindi. Ang tanging alam lang nila ay nagmamahalan sila pareho at sapat na iyon. Doon na nagsimula ang lahat. Natutuwa siya na marinig kay Penny na tinawag siya nitong love. Napangiti siya dito.
"May problema ba kayo doon? Gwapo ang kaibigan niyo nagtataka pa kayo," biro niya. Napanguso naman si Penny sa kanya pero natawa din.
"Ang yabang mo talaga," wika nito habang iiling-iling at nakangiti.
"Naks naman! Iba talaga ang kaibigan namin. Congrats sa inyong dalawa. Pero noon pa man ay alam na naming nag-iibigan kayo. Kitang-kita naman sa bawat tinginan niyo e. Sana all na lang talaga!" natatawang sabi ni Leandro. Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ay napansin niyang biglang natahimik si Jerson. May tinitingnan ito at pinagmamasdan kaya napalingon siya sa direksyon na tinitingnan nito. Nakita niyang nakatingin ito sa malaking larawan ng Kuya ni Penny na nakadisplay sa wall.
Kitang-kita niya ang pagka kunot ng noo ni Jerson."Bro ayos ka lang?" untag dito ni Leandro. Napansin din pala nito na natahimik si Jerson. Tumayo si Jerson sa kinauupuan nito at nilapitan ang larawan ng kapatid ni Penny. Nagtataka siya sa ikinilos nito. Kilala ba nito ang kapatid ni Penny? Si Uno at Leandro ay saka lang napatingin sa kung anong tinitingnan ni Jerson nang lapitan nito ang larawan. Hindi nakatakas sa paningin niya ang bahagyang panlalaki rin ng mga mata ni Uno at Leandro nang makita ng mga ito ang larawan ng kapatid ni Penny. Labis na tuloy ang pagkakunot ng noo niya dahil sa pagtataka sa reaksyon ng mga ito. Para kasing may mali.
"S-siya ba ang kapatid mo Penny?" tanong ni Jerson kay Penny. Tapos na itong magtimpla ng kape at inilapag na nito sa lamesa ang mga tinimplang kape para sa kanila.
"Ah oo, siya ang Kuya Rust ko," sagot ni Penny.
"Gwapo no? Maganda naman kasi ang Penny ko!" may pagmamalaking sabi pa niya. Ngumiti lang si Penny sa kaniya kaya kinindatan niya ito. Inakbayan niya naman ito at hinalikan sa noo. Tiningnan rin nila ang larawan ng kapatid nito na ngayon ay pinagmamasdan ng tatlong mga kaibigan niya. Ang weird nga eh, parang kilala ng mga ito ang Kuya ni Penny.
"Ah— ahm... Ano pala ang ikinamatay niya?" tanong ni Uno. Bakit parang nanginginig ang boses nito. Medyo nauutal kasi iyon.
"Namatay siya sa isang riot. Pinatay siya at binugbog ng mga myembro ng isang fraternity. Iyon nga lang ay hindi pa namin siya nabibigyan ng hustisya dahil hanggang ngayon ay wala pa kaming ideya kung sino ang mga taong nasa likod ng pagkamatay niya," sagot ni Penny. Mahabang katahimikan ang namayani matapos sabihin iyon ni Penny.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
Storie d'amorePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...