CHAPTER 07

275 5 1
                                    

Halos mabali na ang leeg  ni Rocky dahil sa dami ng babaeng nagdadaan sa harap niya. Ang sesexy ng mga ito at ang kikinis pa ng balat. Wala nga yatang tapon ang mga babae sa eskwelahang ito dahil lahat ng mga dilag na nakikita niya ay naggagandahan. Kahit siguro buong maghapon siya na nakatayo dito ay hindi siya mapapagod basta ganito lang ang tanawin na masisilayan niya araw-araw.

Maya-maya ay biglang may lumapit na guro sa kaniya. Isang dalagang guro dahil halata naman na bata pa ito.

"Ahm excuse me. Ano po ang ginagawa ninyo sa labas ng classroom ni Ms. Crisostomo?" tanong nito sa kaniya. Siguro ay napansin nito na kanina pa siya nakatayo sa labas ng classroom ni Penny.

Sasagot na sana siya nang biglang lumabas si Penny sa classroom at ito ang sumagot sa tanong ng isang guro.

"Ah Ms. Garcia, magkakilala kaming dalawa so don't worry. He's ny bodyguard," nakangiting sabi ni Penny sa babae. Nakatingin lang siya kay Penny at umangat ang isang kilay nito nang magtama ang paningin nilang dalawa. Tsk! Ang sungit talaga ng babae na ito.

"Bodyguard?" ulit ng babae na tinawag ni Penny na Ms. Garcia. Halata sa mukha nito ang pagkagulat at para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Penny na bodyguard siya nito. Kunsabagay, hindi niya naman ito masisisi dahil sa sobrang gwapo niya ay hindi siya bagay na maging bodyguard lang, pero tanggap na rin niya ang trabaho niyang ito. Magseselan pa ba siya? Ang laki kaya ng magiging sweldo niya sa ama nito. Daig pa niya ang nag-oopisina,

"Are you serious Ms. Crisostomo?" tanong ng babae kay Penny. Sayang itong babae na ito, maganda pa naman sana iyon nga lang ay bingi naman.

"Yes. Ewan ko ba naman kasi kay Daddy kung bakit kailangan niya pa akong bigyan ng bodyguard. But I have no choice kundi ang hayaan na lamang ang kagustuhan niya, besides I understand his reason naman," sagot ni Penny sa babae.

Napatango ang babae kay Penny.

"Okay, so wala naman palang problema. Pasensiya na Ms. Crisostomo, akala ko kasi ay hindi mo siya kilala," sabi ng babae. Ngumiti lamang si Penny sa babae.

"It's okay. Thank you for your concern Ms. Garcia," sabi ni Penny sa babae. Sumulyap sa kaniya ang babae bago ito tumalikod pero kinindatan niya muna ito at nahuli siya ni Penny. Nang makaalis ang babae ay hinila siya ni Penny pero sa tainga iyon kaya napa-aray siya dahil sa ginagawa nito.

"Manyakis ka talaga. Bakit mo kinikindatan yun? Hindi mo ba alam na guidance counselor iyon dito sa school? Talagang napaka-babaero mong lalaki ka!" gigil na sabi sa kaniya ni Penny at hinila sioya nito hanggang sa makapasok sila saloob ng classroom nito. Nag-iinit ang tainga niya nangpakawalan siya nito. Ang sakit niyon. Maldita talaga ang babae na ito.

"Ang sakit nun ha!" daing niya dito. Pinagtitinginan sila ng mga batang estudyante nito.

"Sa susunod wag na wag mo ng uulitin iyon kung ayaw mong tapyasin ko na iyang tainga mo!"

"Teka nga, bakit ka ba nagagalit? Eh yung baabe nga hindi nagreklamo sa kindat ko eh. Maybe type niya rin  ako," sagot niya na lalong nagpausok sa ilong ni Penny. Nningkit ang mga mata nito sa kaniya at akmang susugurin na naman siya ng pingot pero mabilis niyang tinakpan ang tainga niya at lumayo dito.

Nagtawanan ang mga estudyante ni Penny. Napakunot naman ang noo niya at pareho silang napatingin ni Penny sa mga ito.

"Anong nakakatawa?" nagtatang tanong niya sa mga ito.

"Eh kasi po para kayong mga bata na nag-aaway," sagot ng isa. Napaangat ang daslawang kilay niya dahil sa sinagot ng bata. Ganoon din si Penny na tila natauhan na at bumuntong-hininga na lang.

"Rocky umayos ka na at kung puwede lang ay wag ka na munang tumambay sa labas. Maupo ka doon sa dulong upuan para hindi ka natatanaw ng ibang gurong kasamahan ko na pakalat-kalat sa labas," ani Penny sa kaniya.

Npabuntong-hininga siya at hindi na nakipagtalo pa rito. Masakit ang tainga niya na piningot nito at baka mamaya ay bigla na naman siyang sugurin nito para pingutin. Pinagtatawanan na nga sila ng mga bata. Nanahimik na lang siya sa isang sulok habang naka-kalumbaba. Para din siyang estudyante ni Penny dahil ang inuupuan niya ngayon ay upuan din ng mga estudyante nito. Nasa bahaging dulo nga lang siya kung saan walang ibang nakaupo kundi siya lang.

Nagsimula ng magturo si Penny sa mga bata at sa pagdaan ng bawat minuto ay hindi niya namamalayang kanina pa pala siya nakatitig dito habang abala ito sa mga bata. Napapangiti rin siya bigla habang pinagmamasdan ito.

"Uy si Kuya Rocky nakatitig kay Ma'am Penny. Ayieee crush niya si Ma'am!" biglang sabi ng isang batang babae kaya nagulat siya dito. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan at nahuhuli nito na kanina pa rin siya nakatitig kay Penny habang pangiti-ngiti. Sigurado siyang hindi iyon nakita ni Penny dahil abala ito sa pagtuturo pero itong madaldal na batabg babaeng ito ay kanina pa pala siya tinitingnan. Shit! Pahamak naman!

Parang malululon niya ang dila niya lalo na nang tumingin ang kunot noong si Penny sa kaniya.

"H-hindi kita tiningnan no? Wag kang maniwala sa bata na ito, nag-iimbento lang yan. Nakaka-bored na nga dito sa classroom mo, bakit ba kasi ayaw mo akong palabasin?" wari ay sabi niya dito para hindi nito mahalata ang kaba niya. Bakit nga ba siya kinakabahan eh si Penny lang naman ito? Hays! Ang weird naman nitong nangyayari sa kaniya ngayon.

"Weh nahuli kita. Kanin mo pa tinitingnan si Ma'am eh. Nagagandahan ka ba sa kaniya? May gusto ka kay Ma'am?" nakangising sabi ng bata. Kung hindi lang masamang manakit ng bata ay baka kanina pa niya ito ibinalibag sa labas. Pero joke lang naman iyon. Niirita lang siya dahll sa pambubuko nito sa kaniya. Naiilang siyang napatingin kay Penny na ngayon ay nakatingin lang din s kaniya habang lukot pa rin ang dalawang kilay.

Ano kaya ang iniisip nito ngayon?

"Stop it Mika, hindi ba sabi ko kapag nakikipag-usap sa mga matatanda dapat ay gumamit ng po at opo?" ani Penny sa bata. Iyon pala ang napansin nito, ang hindi nito paggamit ng po at opo sa kaniya habang nagsasalita ito kanina at kinkausap siya.

"Sorry po Ma'am," sabi naman ng bata. Salamat at tila napahiya ito kaya naupo na lang sa upuan nito at nanahimik na. Salamat din at mukhang wala naman sa loob ni Penny yung sinabi ng bata kanina. Hindi naman kasi nito pinansin iyon kaya nagpapsalamat talaga siya. Muli na itong bumalik sa pagtuturo nito pero yung kaba sa dibdib niya kanina ay hindi pa rin nawawala hanggang ngayon. Bwisit naman oh! Ano ba itong nangyayari sa kaniya?

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon