Buong araw na hindi mapakali si Rocky, matapos niyang malaman na alam na ng pamilya ni Penny kung anong myembro ng fraternity ang nasa likod ng pagkamatay ni Rust ay hindi na niya magawang mapanatag. Unti-unti ng lumalabas ang katotohanan. Unti-unti na rin siyang natatakot at kinakabahan. Narinig niya kanina ang pag-uusap ni Penny at nang mommy nito sa cellphone. Dark Empire ang malinaw na binanggit nito. Kung ganoon ay may nakausap nang saksi ang mga magulang ni Penny kaya't nalaman na ng mga ito ang katotohanan. Gustong-gusto na niyang umamin kay Penny kanina na myembro siya ng kapatirang iyon pero napangungunahan siya ng takot. Hindi niya kayang mawala si Penny sa kaniya. Mahal na mahal niya ito at alam niyang kung malalaman nito ang totoo ay lalayo na ito sa kaniya. Baka itakwil na siya nito.
"Ayos ka lang ba talaga, love? Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo. May problema ba?" tanong ni Penny sa kaniya. Nandito sila sa labas ng bahay. Nagpapakawala na naman siya ng usok. Naka isang kaha na yata siya ng sigarilyo buhat pa kanina. Samu't saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon.
Wala pa ang Mommy at Daddy ni Penny dahil nga inaasikaso pa ng mga ito ang kaso ni Rust.
"Ayos lang ako. Wag mo akong intindihin," sagot niya dito.
"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumuha ako ng miryenda natin?" tanong nito sa kaniya.
"Hindi ako gutom Penny. Ikaw nagugutom ka ba? Magmiryenda ka muna." Muli siyang bumuga ng usok.
Iniisip niya ang mga kasama niya. Nasa bingit na ng panganib ang mga ito. Anomang oras ay baka bigla na lamang may sumulpot upang damputin ang mga ito. Kahit galit siya sa mga ito ay hindi niya pa rin maiwasan na mag-alala."Hmm, oo nagugutom ako. Kukuha muna ako ng miryenda sa loob ha." Nakita niyang tumayo si Penny at pumasok ito sa loob ng bahay. Naiwan siyang mag-isa habang nag-iisip pa rin ng malalim. Mayamaya ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan. Iyon na ang mga magulang ni Penny. Bumusina pa ito kaya niluwagan niya ang pagkakabukas ng gate.
Pagkababa pa lang ng mga ito sa sasakyan ay nadoble na ang kaba sa dibdib niya. Bakas kasi na umiyak ang Mommy ni Penny dahil bahagyang namumugto ang mga mata nito. Si Mr. Crisostomo naman ay seryoso habang may hawak na folder. Hindi niya alam kung ano ang mga papeles na nasa loob niyon. Nang lumabas si Penny bitbit ang miryenda nito ay nagulat pa ito nang makita na nakauwi na pala ang Mommy at Daddy nito."Penny, anak!" wika ng Mommy nito. Alalang lumapit si Penny sa ina nang makita ang bakas ng luha sa mga mata nito.
"Mommy, bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" tanong ni Penny dito. Umiling lamang si Mrs. Crisostomo.
"Masaya lang ako anak, dahil sa wakas ay mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid mo," sabi nito.
"Sinisigurado kong mabubulok sa kulungan ang walanghiyang pumatay kay Rust," ani Mr. Crisostomo at ngayon lang niya nakita na galit na galit ito.
Napalunok siya at umiwas ng tingin.
———
"Love, ayaw mo ba talagang kumain?" tanong ni Penny sa tahimik pa ring si Rocky. Kanina pa siya kain ng kain mag-isa. Si Rocky naman ay tila tulala pa rin. Nakauwi na ang mga magulang niya at nasa loob na ang mga ito upang magpahinga. Siguradong napagod ang mga ito buong araw.
"Ikaw na lang ang kumain, magpakabusog ka," sabi ni Rocky sa kaniya at pinilit nitong ngumiti. Nawiwirdohan na siya dito pero hindi na niya ito kinulit pang tanungin ulit kung wala ba talaga itong problema. Base kasi sa kilos nito ay parang mayroon. Baka ganoon lang talaga ito, hindi ito mahilig mag-open up kapag may problema. May mga tao naman kasing ganoon. Nilapitan na lang niya ito at tumabi siya dito nang matapos siyang kumain. Isinandal niya ang ulo sa balikat nito. Naramdaman naman niyang hinalikan nito ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...