Isang buwan ang mabilis na lumipas napapansin ni Penny na talagang pumayat na siya. Malaki na ang nabawas sa timbang niya. Salamat sa tulong ni Rocky. Palagi siya nitong sinasaamahan sa gym. Ang Mommy niya ay tuwang-tuwa din dahil sa nakikita nitong pagbabago sa katawan niya. Nakita kasi nito na mas minahal niya ang sarili ngayon. Sinabayan niya talaga ng diet ang pag-eehersisyo. Nagpursige siya at nagkaroon ng disiplina sa pagkain. Hindi pa naman siya ganoon kapayat ngayon pero masasabi niyang may laman na lang ang katawan niya kung matatawag at hindi na mataba, naisusuot na rin niya ang mga damit na gusto niyang isuot ngayon. Tuwang-tuwa ang mommy niya at ito pa ang namimili sa mga damit na babagay sa kaniya.
"Ang ganda mo naman anak!" Narinig niya ang tinig ng Mommy niya. Kakapasok lang nito sa loob ng silid niya at naabutan nito na pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin.
"Sinuot ko na po itong dress na binili mo sakin. Ang ganda pala talaga mommy," nakangiting saad niya. Nasisiyahan siyang pagmasdam ang sarili sa salamin kanina pa.
"Bagay na bagay sayo anak. Natutuwa ako at nakikita kong tumataas na ulit ang kumpyansa mo sa sarili. Sabi ko naman sayo maganda ka eh," wika nito at hinawakan ang balikat niya.
"Thanks mommy. Sasamahan ko po si Rocky ngayon dahil opening ng maliit na business niya. Gusto kong suportahan siya gaya ng pagsuporta niya sa akin. Siguro kung hindi dahil kay Rocky ay hindi ko rin magagawa itong pagbabawas ng timbang. Sa totoo lang ay hindi talaga siya madali, pero dahil sa tulong ni Rocky ay nagawa ko," may pagmamalaking sambit niya. Hindi niya alam pero proud na proud siya kay Rocky habang kinukwento ito sa Mommy niya. Nabanggit din niya kagabi dito ang tungkol sa business na ipinatayo ni Rocky doon sa lugar nito.
"Kaya nga natutuwa ako na nakilala natin si Rocky. Tingnan mo nga naman ang batang iyon, akalain mo bang business minded din pala," tila manghang sabi ng Mommy niya.
"Masaya po ako para kay Rocky, naniniwala ako na magtatagumpay siya. Hindi man siya pinanganak na mayaman pero alam kong magbubunga lahat ng pinaghirapan niya."
Ngumiti ang Mommy niya at tumango. Hinaplos nito ang buhok niya bago siya nito iniwanan. Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya dahil baka naghihintay na si Rocky sa kaniya. Paglabas niya ay natanaw nga niya si Rocky na nakatayo sa labas at nakikipag-usap sa Daddy niya. Walang pasok ngayon sa eskwela kaya naman narito din ang Daddy niya. Pagkalapit niya sa mga ito ay natigilan si Rocky nang mapagmasdan siya nito. Parang gulat na gulat ito. Bahagya pa ngang umawang ang labi nito habang nakatitig sa kaniya. Medyo nahiya tuloy siya.
"A-ayos lang ba ang suot ko?" nahihiya niyang tanong.
"A-ang ganda mo..." tila wala sa sariling sambit ni Rocky. Natulala na ito sa kaniya. Medyo hapit kasi sa katawan niya ang suot niyang floral dress tapos ang maiksing buhok naman niya ay nakalugay, ikinulot niya rin iyon kanina kaya mas lalong bumagay sa kaniya ang ayos niya.
"You look gorgeous anak," puri sa kaniya ng ama. Nakangiti din ito habang pinagmamasdan siya.
"Thanks dad," tipid niyang sagot.
"Sige na, bumiyahe na kayo at baka mahuli pa kayo. Rocky, ikaw na ang bahala kay Penelope, goodluck sa opening ng business mo, minsan ay dadalaw din kami roon. Mag-iingat kayong dalawa," sabi ng Daddy niya. Ngumiti lang si Rocky dito at tumango.
"Salamat ho sir." Binalingan siya ng tingin nito at pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan.
"Tayo na po Ma'am," pabirong sabi nito. Nakangiting sumakay siya sa loob ng sasakyan.
———
Sandali lang ang naging biyahe nila at nakarating na nga sila sa lugar nila Rocky. Ito ang unang bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan ulit siya ni Rocky ng pintuan. Pagbaba niya ay maraming tao sa labas at nakatingin iyon lahat sa kanila. Medyo nailang tuloy siya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...