CHAPTER 48

168 4 0
                                    

Matinding katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan habang lulan nito sina Uno. Matapos nilang malaman ang katotohanan na kapatid pala ni Penny si Rust Crisostomo ay samu't saring emosyon ang nararamdaman nila ngayon nila Jerson.

Ilang taon na rin ang nakalilipas buhat nang mangyari ang insidente ng pagkakagulo ng mga fraternities. Dark Empire laban sa Black Dragon kung saan miyembro ang kapatid ni Penny. Nagkainitan noon ang kapatid ni Penny at si Jerson, isang riot ang naganap sa isang eskwelahan kung saan nila tinambangan at sinugod si Rust pati na rin ang iba pang miyembro ng Black Dragon. Wala si Rocky noong mga panahon na iyon dahil abala ito sa trabaho, wala nga itong kaalam alam tungkol sa nangyaring gulo at may isang tao na nagbuwis ng buhay, iyon ay wala na ngang iba kundi ang kapatid ni Penny. Matinding pinsala ang tinamo ng katawan nito sa pambubugbog ni Jerson na siyang ikinamatay nito. Ang dahilan kung bakit nagkaalitan ang dalawa ay dahil sa isang babae, si Ana. Kursunada ni Jerson si Ana ngunit nililigawan rin pala ito ni Rust, doon nagsimula ang pagkakainitan ng dalawa. Batid niyang may kasalanan din sila dahil kasama sila noong makipagbugbugan sa Black Dragon, pero wala naman silang intensyon na pumatay. Hindi rin akalain ni Jerson na makakapatay ito. Hanggang ngayon ay walang hustisya ang pagkamatay ni Rust dahil binasag muna nila ang cctv sa eskwelahan kung saan nila ito sinugod.

Napakaliit talaga ng mundo. Hindi nila akalain na kapatid pala ni Penny si Rust at kitang-kita nila ang matinding pangungulila nito sa kapatid. Nababasa niya sa mga mata nito ang labis na hinanakit at kagustuhan nito na mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid nito. 

Girlfriend na ito ni Rocky, paano kapag nalaman nito na miyembro din si Rocky ng Dark Empire at silang mga kasama nito ang sangkot sa pagkamatay ni Rust? Siguradong kamumuhian sila ni Penny lalong-lalo na ni Rocky dahil wala itong kaalam-alam sa nangyari. Tiyak na madadamay ito at maaapektuhan ang relasyon nito kay Penny. Kitang-kita nila kung gaano kamahal ni Rocky si Penny. Ngayon lang ito muli nagmahal ng ganoon.

Kanina pa sila hindi mapakali sa kinauupuan nila, pakiramdam nga niya ay sinisilaban ang pwet niya. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Feeling niya ay mga kriminal sila na may matitigas na mukha dahil nasisikmura nilang makasama sa sasakyan ang kapatid ng taong napatay ng kaibigan nila. Naaawa siya kay Rocky, iniisip pa lang niya ang mga mangyayari kapag nagkabukuhan ay nakukunsensya na siya para sa kaibigan niya.

Halos kalahating oras lang ang naging biyahe nila patungo sa bilihan ng mga gamit na gagamitin nila sa pwesto. Naunang bumaba sina Rocky at Penny, naiwan silang tatlo nila Jerson sa likod ng sasakyan. Ang totoo ay nagpatihuli talaga silang bumaba dahil kailangan nilang mapag-usapan ang tungkol sa nalaman nila kanina.

Nang matanaw nilang nauna ng pumasok sa loob ng establishment ang dalawang magkasintahan ay nagkatinginan silang tatlo nila Jerson.

"Malaking gulo ito Jerson," aniya sa kaibigan. Bakas ang pagkaaburido sa mukha nito. Tila hindi mapakali.

"Anong gagawin natin? Tiyak na kamumuhian at itatakwil tayo ni Rocky kapag nalaman niya ito," sagot ni Leandro. Kahit na basag ulo sila madalas ay si Rocky ang palaging nagpapaalala sa kanila huwag silang papatay dahil ibang usapan na iyon. Mabuting tao si Rocky, kaya nga kahit si Jerson ang halos nagtatag ng Dark Empire ay si Rocky pa rin lagi ang takbuhan ng bawat isa sa kanila kapag kailangan ng payo. Isa pa ay matagal ng nagdesisyon si Rocky na tigilan na ang pakikipagbasag ulo at maging mabuting halimbawa na lang sa mga kabataan. Gusto na nitong baguhin ang imahe ng Dark Empire, kung dati ay lagi silang laman ng balita dahil sa gulo, ayaw ng maulit ni Rocky iyon, ang totoo ay nagbabago naman na talaga sila, pero hindi nila akalain na mauungkat pala ang nangyari sa nakaraan gaano man nila ito kagustong takasan. Walang sikretong hindi nabubunyag, naniniwala siya doon at alam niyang darating at darating din yung araw na magkakabukuhan, kailangan nilang tanggpin kung ano man ang kahihinatnan nito. Hindi niya kayang masikmura na mabait ang trato sa kanila ni Penny at nakakasama pa nila ito sa kabila ng malaking kasalanan na nagawa nila sa pmilya nitong matagal ng naghahanap ng hustisya.

"Uno at Leandro, ako ang malaki ang kasalanan dito. Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo munang sasabihin kay Rocky, hayaan niyong ako ang magsabi sa kaniya," sabi ni Jerson. Matagal na niyang kilala si Jerson ngunit ngayon lang niya nabakasan ng takot ang mga mata nito. Kitang-kita niya ang kaba nito at pagkabalisa.

"Jerson , damay na rin kami dito dahil kasama kami sa riot na naganap noon. Sigurado ako na lahat tayo ay kamumuhian ni Rocky boy, lalong-lalo na ni Penny. Kailangan na nating ihanda ang sarili natin dahil kasalanan naman natin ito."

Napabuntonghininga na lamang siya. Ang bigat ng pakiramdam niya ngayon, ganito pala ang naglilihim, walang peace of mind.

"Basta hayaan niyong ako ang magsabi. Kailangan ko lang ng panahon," pakiusap ni Jerson. Si Jerson at Rocky pa naman ang pinaka-close sa kanila dahil pareho itong nagkasama sa bahay ampunan. Pareho ring tinakasan ng mga ito ang nakakasakal na mundo sa loob ng bahay ampunan.

Napatigil lang sila sa pag-uusap usap nang balikan sila ni Rocky at tawagin, nagtataka na siguro ito dahil natagalan silang sumunod. Kahit na mabigat ang loob nilang lahat sa kunsensya na kumakain sa buong pagkatao nila ay tahimik silang nagtungo sa loob upang samahan sina Rocky sa pamimili. Nakangiti si Penny habang isa-isang tinitingnan ang mga gamit sa loob. Kinawayan pa sila nito ng lumapit sila sa pwesto nito. Mas lalo lang siyang nakukunsensiya dahil mabait ito sa kanila. Kahit kailan lang nila ito nakasama at nakilala ay alam niyang mabuting tao ito. Hindi mapapamahal si Rocky dito kung hindi ito mabait.
Isang oras silang namili at pagkatapos ay dumaan muna sa isang resto para kumain. Tinreat pa sila ni Penny kahit na ayaw ni Rocky at ito na sana ang nagpiprisinta, nagpumilit pa rin si Penny. Nagkakatinginan na lang sila nila Jerson, mas lalong sumasakit ang loob nila sa matinding kunsensya. Gusto man niyang sisihin si Jerson kung bakit nito pinatay si Rust ay huli na. Wala ng magagawa kung magsisisihan pa silang lahat. Matagal na panahon na rin ang lumipas buhat ng mangyari ang insidenteng iyon, ang tamang magagawa na lang nila ay aminin ang totoo kahit na kasuklaman pa sila ni Rocky.

Hanggang sa makauwi sila at ihatid ni Rocky ay wala silang masyadong imik. Hindi niya alam kung napuna iyon ni Rocky, pero hindi naman na ito masyadong nagtanong o nag-usisa sa kanila. Nagpasalamat sila dito pati na rin kay Penny. Iniwan na nito sa kanila ang mga gamit na napamili  sila na ang bahalang mag-ayos niyon dahil kailangan pa ni Rocky bumalik kila Penny.

"Salamat sa inyo ha?" ani Penny sa kanila. Nagbigay siya ng pilit na ngiti dito bago kumaway.

"Salamat din sayo Penny. Mag-iingat kayo ni Rocky," tugon niya. Ang dalawa sa gilid niya ay pinilit na lang rin ngumiti. Tumango si Penny sa kanila at si Rocky naman ay bumusina bago tuluyang umalis ang sasakyan na dala nito.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon