Isang masayang pananghalian ang pinagsaluhan nila ngayong tanghali. Kasama pati na sina Tatay Diego at Almira. Napansin ni Penny na hindi na masyadong lumalapit si Rocky kay Almira. Hindi na rin nito masyadong kinakausap ang babae. Abot din ang sulyap nito sa kaniya kanina pa. Nahihiya nga siya dahil baka nahahalata na sila ng mga magulang niya. Boodle fight ang ginawa nila at naglagay si Tatay Diego ng dahon ng saging kung saan inilagay ang kanin saka mga ulam. Inihaw na isda at kung ano ano pa. Masayang nagkukwentuhan ang mga magulang niya saka si Tatay Diego. Nakita niyang pasimpleng nagbago ng pwesto si Rocky at tumabi ito sa kaniya. Ngumiti ito nang magtama ang kanilang paningin. Naramdaman din niya na umangat ang kamay nito at humawak sa likuran niya. Pinisil nito ang baywang niya.
Kinabahan tuloy siya na baka mapansin sila."Rocky anong ginagawa mo?" impit niyang bulong sa binata.
"Gusto ko katabi kita," sagot nito at itinuloy ang pagkain. Ang isang kamay nito ay nasa likuran niya habang ang isa naman ay ginagamit nito sa pagkain. Naka-kamay silang lahat habang nagsasalo-salo. Mas masarap kasi kumain nang naka-kamay.
Hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil sa mga simpleng pagpisil ni Rocky sa baywang niya. Dinadagdagan pa nito ang mga pagkain sa harapan niya. Hindi niya alam kung ano ang trip nitong si Rocky. Kailan lang ay niyayaya siyang mag-gym ngayon naman ay kulang na lang ay ihain nito sa kaniya lahat ng pagkain na naroroon."Kumain ka ng kumain," bulong nito sa kaniya.
"Diet ako di ba?" biro niya dito
"Kalimutan mo muna ang pagda-diet ngayon."
Napailing lang siya kay Rocky habang nangingiti.
Matapos ang pananghalian nila ay nagpahinga muna sila. Uuwi na sila mamaya kaya naman sinusulit niya ang mga oras na pagmasdan ang lugar. Nagtungo siya sa duyan sa ilalim ng isang puno malapit sa gilid ng bahay. Sariwa ang hangin kaya ang sarap tumambay dito tapos kitang-kita pa ang dagat.
"Nabusog ka ba?"
Nilingon niya si Rocky na nakatayo na pala sa gilid niya habang nakapamulsa. Nagyoyosi ito kaya napanguso siya.
"Naninigarilyo ka na naman," wika niya dito.
"Ayaw mo ba?" tanong nito.
"Magkakasakit ka diyan."
"Nag-aalala ka sakin?"
"Bakit hindi?"
"Thank you sa concern pero hindi ko naman ikamamatay ito. Mas ikamamatay ko pa kapag nawala ka sakin." Mahina itong tumawa.
Pakiramdam niya ay nag-init ang mukha niya. Nakangiti ang mga mata ni Rocky sa kaniya at hindi niya alam kung natutuwa ba ito dahil nagba-blush na naman siya. May halong panunukso ang sulyap nito sa kaniya. Mayamaya ay lumapit ito at naupo sa tabi niya. Malaki ang duyan at kasya yata dito kahit tatlong tao.
"Anong ginagawa mo?"
"Tatabihan ka."
"Baka makita ka nila Mommy?" Kinakabahan siya na baka makita sila ng Mommy at Daddy niya. Ang mas ikinakatakot niya ay kapag nalaman ng mga ito kung ano man ang namumuong pagtitinginan nila ni Rocky. Paano kung hindi matanggap ng mga magulang niya si Rocky? Ayaw niyang dumating sa ganoong punto. Hindi niya na yata kakayanin pa kung mawawala si Rocky. Nasanay na siya sa prisensiya nito kahit na madalas siya nitong inisin.
"Penny..." Hinawakan nito ang kamay niya. Nakatitig ito sa mga mata niya ngayon at ganoon din siya dito.
"Paano kung malaman nila at hilingin ng mga magulang mo sayo na layuan mo ako? Anong gagawin mo?" Napuno ng kalungkutan ang mga mata ni Rocky. Kitang-kita niya iyon sa mukha nito. Takot, pangamba at pag-aalala. Iyon ang nababasa niya sa mga mata nito. Ngayon lang niya nakita na ganito si Rocky. Ni minsan ay hindi niya nakitaan ng bahid ng takot ang mga mata nito, ngayon lang...
Maaaring natatakot itong mawala siya. Pareho sila ng iniisip at ipinangangamba kung sakaling malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa kanila ay baka paglayuin na sila ng mga ito. Alam niyang sa ngayon ay hindi iyon maiisip ng mga magulang niya. Alam ng mga ito kung gaano siya kainis kay Rocky noon, kung gaano siya tumatanggi na magkaroon ng bodyguard at yabang na yabang pa nga siya kay Rocky, pero sinong mag-aakala na mamahalin niya pala ito? Na isang araw ay gigising na lang siyang hinahanap ang prisensiya nito? Nasanay na siyang palagi itong nasa tabi niya. Higit sa lahat, nahulog na ang puso niya kay Rocky.
Nagbaba siya ng tingin. Mapait na ngumiti si Rocky at tumingin sa kawalan.
"Alam kong hindi mo sila kayang suwayin kung sakali man na ganoon ang mangyari. Wag kang mag-alala Penny, maaaring maging tutol sila sa atin dahil sa estado ng buhay nating dalawa pero gagawin ko ang lahat maging karapat-dapat lang sa pagmamahal mo."
Nanggilid ang mga luha niya dahil sa mga salitang binitawan ni Rocky. Natatakot siya, ayaw niyang isipin na ganoon nga ang maaaring posibilid na mangyari. Ayaw niya munang isipin. Gusto niyang i-enjoy ang bawat oras at araw na magkasama silang dalawa.
Pinagsiklop nito ang mga palad nila, ngayon ay pareho silang nakatingin sa karagatan.
"Kailangan kong ayusin ang buhay ko. Kailangan kong magsumikap para satin. Hayaan mo, marami naman akong plano..." Ngumiti si Rocky sa kaniya. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba at pangamba niya dahil sa ngiting iyon.
"Iiponin ko lahat ng sweldo ko para makapagtayo ng negosyo. Yun ang plano ko."
Ngumiti siya at isinandig ang ulo sa balikat nito. Naniniwala siya kay Rocky. Nakikita niyang desidido ito sa nais nitong gawin.
"T-talaga? Nakapag-isip ka na ba ng negosyo?" tanong niya dito.
"Gusto ko sanang magtayo muna ng paresan," nakangiting sagot nito.
"Paborito ko kasi kumain non. Saka madami talaga ang tumatangkilik sa pagkain na iyon. Gusto kong magtayo ng paresan malapit doon sa amin."
"Paano? Aalis ka na ba sa trabaho mo samin? Rocky, ayokong umalis ka..."
"Hindi pa naman ako aalis. Kailangan ko pang mag-ipon. Saka kahit na magtayo ako ng negosyo may mga kaibigan naman ako na pwedeng kuhanin para mag-asikaso nun habang nagba-bodyguard ako sayo. Siguro tuwing weekend na lang ako dadalaw doon kung sakali, or kaya sa gabi." Kumindat ito sa kaniya.
Hinaplos niya naman ang braso nito.
"Pero mahahati na ang oras mo nun sa akin. Hindi na kita makakasama tuwing sabado or linggo," sagot niya. Ngayon pa lang ay ayaw na niyang umalis ito.
"Eh di isasama kita doon sa paresan. Gusto mo magtinda tayong dalawa?"
Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Kahit plano pa lang ang lahat ng iyon ay natutuwa siya. Gusto rin niyang tulungan si Rocky.
"Talaga? Isasama mo ako?"
"Kapag wala kang pasok."
Ngumiti siya at mabilis na tumango. Sa totoo lang gusto niyang ma-experience ang ganoong bagay. Gusto niya ring magtinda. Bukod sa pagiging guro ay gusto rin niyang maranasan ang iba pang mga bagay.
Hindi pa siya nakakapunta sa tinitirhan ni Rocky. Minsan ay yayayain niya ito doon. Ang sabi naman nito ay doon nito balak na magtayo ng negosyo.
Natigil lang sila sa pag-uusap nang tawagin sila ng Daddy niya. Kailangan na nilang mag-ayos ng mga gamit dahil babalik na sila sa siyudad. Sabay silang tumayo ni Rocky at nagtungo sa sasakyan upang tulungan ang kaniyang ama na ilagay sa sasakyan ang mga gamit na iuuwi nila.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...