Nakasunod si Rocky kay Penny habang papalabas ito ng classroom. Uwian na nito ngayong hapon kaya naman uuwi lang sila para magpalit ng damit at pagkatapos ay didiretso na sila sa gym. Himala nga na pumayag ito agad sa kaniya kagabi noong sinabi niya na sisimulan na nila ang pag-gi-gym at hindi na sa isang linggo. Dapat kasi ay sa isang linggo pa talaga sila magsisimula pero nagbago ang isip niya. Mas mabuti na rin na mapaaga ang pagsisimula nila.
"Ano ready ka na ba talaga?" tanong niya kay Penny. Tumango naman ito sa kaniya. Nasa tapat na sila ng kotse pero hindi muna ito pumasok doon. Hihintayin pa nila ang Daddy nito. Sumandal siya sa kotse at dumukot ng sigarilyo sa bulsa. Tiningnan naman siya ni Penny, naniningkit ang mga mata nito. Siguradong pupunahin na naman nito ang pagyoyosi niya. Hindi niya alam kung bakit lagi nitong pinupuna ang bisyo niyang ito, dito na nga lang siya nag-eenjoy eh.
"Oh bakit ganiyan ka makatingin?" tanong niya dito.
"Talagang dito kapa magyo-yosi? Hindi ka ba makapaghintay na pagkauwi na lang natin?" nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kaniya.
"Bakit ano bang pagkakaiba nun?" tanong niya dito. Napabuntong-hininga ito.
"Talagang gusto mong may nakakakita sayo na yosi ka ng yosi dito sa school? Hay! Ewan ko sayo Rocky!" napipikon na anito sa kaniya. Napakamot na lang siya sa batok at itinapon ang sigarilyo. Napatingin si Penny sa yosi niyang itinapon.
"Oh bakit mo itinapon?" takhang tanong nito sa kaniya.
"Nagagalit ka eh!" sagot niya dito. Napailing siya. Bakit nga ba niya biglang tinapon yun? Dati pa naman talaga ito nagagalit sa kaniya pero hindi naman niya ito pinapansin kapag sinesermunan siya nito. Hindi niya alam kung bakit ngayon eh ayaw niya itong magsermon kaya itinapon na lang niya ang sigarilyo niya.
Huminga ito ng malalim at tumingin sa malayo. Napako ang mga mata nito sa kung saan. Nang sundan niya ang direksyon ng mga matang tinitingnan nito ay nakita niya kung sino ang tinitingnan nito. Yung gunggong na naman na si Zyron. Napahinga siya ng malalim saka tumingin din sa lalaki. Pinagmasdan niya ito. Alam niyang gwapo ito pero hindi rin naman siya dehado kung itatapat siya sa lalaking ito.
"Ang gwapo talaga ni Zyron," nakangiting ani Penny. Narinig niya iyon kahit na medyo pabulong at parang nangangarap ito sa hangin. Pambihira! Nababaliw na naman ang babaeng ito.
"Gwapo nga babaero naman," sabi niya. Napatingin sa kaniya si Penny dahil sa sinabi niya. Tumaas ang isang kilay nito.
"Paano mo naman nasabi yan? Judgemental ka masyado," nakangusong sabi nito sa kaniya. Napangisi siya ng mapakla at napailing.
"Hindi ba obvious ha? Tingnan mo nga at laging may kausap na babae yang Zyron mo," aniya dito.
"Tumahimik na riyan Rocky. Hindi mo masisiraan sakin si Zyron kahit na anong mangyari," sabi nito sa kaniya. Nainis siya ng kaunti doon.
"Bakit ko naman siya sisiraan sayo? Nagsasabi lang ako ng totoo," sabi niya at humalukipkip.
"Ewan ko sayo! Kahit kailan talaga ay panira ka ng moment eh ano?" iritang sabi nito sa kaniya. Bakit ba ito nagagalit sa kaniya eh nagsasabi lang naman siya ng totoo? Ramdam niya na may itinatagong katarantaduhan itong Zyron na ito at wala siyang tiwala sa hilatsa ng mukha nito.
Maya-maya ay tila napansin sila nito kahit nasa malayuan sila. Naglalakad na ito ngayon palapit sa kanila.
Napailing siya sa hangin. Bakit ba ito lalapit? Ang sarap bigwasan eh!
"Palapit siya satin Rocky!" kinikilig naman na ani Penny sa kaniya.
"Ano naman?" supladong sabi niya dito.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...