Nakapagtapat na si Rocky ng pag-ibig niya para kay Penny, dapat ay panatag na ang kalooban niya lalo pa at nalaman niyang pareho naman sila ng nararamdaman. Pero hindi maiwasang mangamba ng isipan niya kapag naiisip niyang hindi sila pareho ng estado ng buhay nito. Langit ito at lupa siya. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa kanila? Baka hindi siya matanggap ng mga magulang nito lalo pa at nag-iisang anak na lang si Penny. Hindi sa isang bodyguard lang na katulad niya nababagay si Penny. Baka isipin din ng Daddy nito na sinamantala niya ang kabaitan ng mga ito. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo ngunit hindi naman niya maiwasan.
Nakaupo siyang mag-isa sa dalampasigan ngayon habang pinagmamasdan ang alon ng dagat. Gabi na kaya naman gumawa siya ng bonfire. Nasa labas naman ng bahay sila Penny di kalayuan sa kinaroroonan niya. Abala ang mga ito na mag-ihaw ng barbecue at kung ano-ano pa. Ang Daddy nito at katiwalang si Tatay Diego ay umiinom ng alak at nagkkwentuhan habang nakatingin lang din sa karagatan.
Kasama ni Penny ang Mommy nito saka ang apo ni Tatay Diego sa pag-iihaw at paghahanda ng mga pagkain.
"Rocky!"
Narinig niya ang pagtawag ni Penny sa kaniya. Nang lumingon siya dito ay nakangiti ito at kumakaway. Sumenyas ito na inaalok siya ng pagkain. Napangiti siya. Tumayo siya agad sa pagkakaupo at nagpagpag ng buhangin saka lumapit sa mga ito.
"Kain ka na muna, ang dami na namin naihaw oh!" sabi ni Penny nang makalapit siya. Ang kasama nitong babae ay nakangiti din sa kaniya. Kumuha siya ng isang barbecue at kumain.
"Wow! Ang sarap ha? Salamat Penny," nakangiting saad niya.
"Rocky, halika kaya dito at samahan mo kami ni Tatay Diego mag-inom? Hindi namin kayang ubusin itong alak," anyaya sa kaniya ng ama ni Penny. Napakamot siya sa batok. Ang totoo ay ayaw talaga sana niyang uminom, ang kaso ay minsan lang naman mag-aya ang ama ni Penny kaya nahihiya siyang hindi ito pagbigyan.
Napatingin siya kay Penny habang nag-aalangan.
"Sige na pagbigyan mo na ang Daddy. Minsan lang mag-aya yan saka hanggang bukas pa naman tayo dito. Makakapagpahinga ka pa."
Ngumiti ito sa kaniya kaya tumango na lang siya dito. Humila siya ng upuan at nakihalubilo kila Tatay Diego. Beer ang iniinom ng mga ito. Hindi pa naman siya masyadong sanay sa beer, kadalasan ay hard ang mga iniinom niya.
Inabutan siya ni Tatay Diego ng isang bote ng beer."Taga saan ka ba hijo?" tanong sa kaniya ni Tatay Diego.
"Taga Tondo ho ako, Tay." Lumagok siya ng alak habang ang isang kamay niya ay hawak-hawak pa din ang barbecue na kinuha niya kila Penny.
"Taga Tondo, aba eh balita ko madaming loko-loko doon ah?"
Natawa ang ama ni Penny sa sinabi nito.
"Tama ho kayo. Ang totoo ay muntik na akong mapahamak sa lugar na iyon. May nang-hold-up sa akin. Mabuti na lang at dumating itong si Rocky para tulungan ako," kwento ng ama ni Penny. Nagulat naman si Tatay Diego dahil sa sinabi nito.
"Naku, delikado pala ang nangyari sa iyo. Malaki pala ang nagawang tulong sa iyo nitong gwapong batang ire!" Tila manghang-mangha ang matanda habang nakatingin sa kaniya. Siya naman ay hindi maiwasang mapangiti. Pinuri kasi nito na gwapo daw siya.
"Oho, kaya hindi ako nagdalawang-isip na kuhanin siyang bodyguard para kay Penelope. Alam naman ho ninyo na malaki na ang takot ko sapagkat nawalan na ako ng isang anak. Ayokong maulit pa iyon," paliwanag ng ama ni Penny.
"Naiintindihan ko. Nakaka-miss din si Rust. Kung nabubuhay ang batang iyon malamang na kasama rin natin siyang umiinom ngayon at nagsasaya. Pero naniniwala ako na nasa piling na siya ng Diyos at palagi pa rin niya kayong ginagabayan."
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...