CHAPTER 20

205 3 0
                                    

"Ikaw Rocky ano naman ba ang problema mo?"

Patay-malisya lang si Rocky sa tanong na iyon ni Penny matapos umalis si Zyron.
Problema? Wala naman siyang natatandaan na may problema siya.
Tiningnan niya si Penny habang nakakunot ang noo.

"Wala naman akong problema," sagot niya kay Penny. Naningkit ang mga mata nito sa kaniya.

"Eh ano yung pataas-taas mo ng paa kanina sa canteen ha? Hindi ka nahihiya, alam mo bang nakakabastos yung ginawa mo sa harap namin ni Zyron?!" nanlalaki ang mga matang ani Penny sa kaniya. Galit ito. Pero sinadya niya talaga iyon kanina dahil naiinis siya kay Zyron. Bakit ba kasi nito kasama si Penny kanina? Magkasama na nga ang mga ito kaninang umaga tapos magkasama na naman ang mga ito kaninang recess. Hindi siya natutuwa. Alam niyang isa lang ang ibig sabihin nito. May nararamdaman na talaga siya kay Penny at nagseselos siya sa kumag na Zyron na iyon.

"Sorry. Bakit ba kasi hindi mo man lang ako niyayang magmiryenda kanina? Iniwan mo akong mag-isa. Dahil ba kasama mo yung Zyron na iyon?" wari ay nagtatampong aniya dito. Tumaas ang isang kilay ni Penny sa kaniya.

"Bakit may mali ba dun? Saka excuse me, hindi naman sinasadya iyon. Nagkasabay lang kami kanina sa paglalakad tapos ayun niyaya niya ako na sabay daw kaming magmiryenda. Teka nga, bakit ba ako nag-eexplain sayo?" bigla ay naguluhang sabi nito sa kaniya. Napangisi naman siya. Bakit parang ang sarap sa tainga kapag nag-eexplain ito sa kaniya?

"Anong nginingiti-ngiti mo? Talaga bang nababaliw ka na?" sabi pa nito sa kaniya. Umiling siya.

"Ang sungit mo na naman. Sorry na sa inasal ko kanina. Hindi na mauulit," paghingi niya ng paumanhin dito para hindi na ito pumutak ng pumutak.

Umingos lamang si Penny sa kaniya at naupo sa harapan ng table nito.

Galit na naman?

Pfft... Ganoon yata talaga kapag may regla.

Napailing na lang siya habang nakatayo sa labas ng classroom nito. Dumating na ang mga estudyante nito kaya nagsimula na ulit na magturo si Penny. Siya naman ay palakad-lakad. Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa mga maiingay sa gym. May naglalaro kasi ng volleyball doon. Mga babaeng mahahaba ang biyas. Napapito siya sa hangin habang pinagmamasdam ang makikinis na hita ng mga ito. Wow na wow!

Pero bigla rin sumagi sa isipan niya ang mukha ni Penny. Bakit bigla na lang sumisingit ang mukha nito sa isipan niya? Napailing siya. Naglakad siya pabalik sa classroom nito. Abala pa rin ito sa pagtuturo. Parang mas gusto pa ng mga mata niya ang view dito. Hindi nakakasawang pagmasdan. Hindi na siya umalis sa kinatatayuan niya. Nag-focus na lang ang mga mata niya kay Penny.

———

Lunch break na ni Penny at nag-uwian na rin ang mga estudyante niya. Naiinis na naman siya kay Rocky dahil sa inasal nito kanina sa canteen. Kasama pa naman niya si Zyron. Hanggang ngayon ay naiinis siya kaya pairap-irap lang siya dito. Hindi niya kasi lubos na maunawaan kung bakit nito ginawa iyon.

"Lunch na tayo?" bungad nito sa kaniya pagkalabas niya ng classroom.

"Sino nagsabi na sabay tayong magla-lunch? F.Y.I hindi ako sasabay sayo dahil naiinis pa rin ako sayo!" wika niya dito.

Lumakad siya pero sinabayan siya ni Rocky.

"Bakit ka naiinis? Dahil ba doon sa inasal ko kanina? Sorry na nga di ba? Hindi na mauulit yon," anito sa kaniya. Wala man lang siyang nararamdaman na sinseridad sa tinig nito.

"Alam mo parang labas lang naman sa ilong mo yang pagso-sorry mo. Wag na lang," aniya at binilisan ang paglalakad. Kahit anong bilis niya ay sinasabayan lang din siya nito.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon