Kanina pa patingin-tingin si Penny sa relong suot niya. Halos 30 minutes na rin ang lumipas buhat nang lumabas siya sa classroom dahil uwian na.
"Dad bakit ang tagal naman ni Rocky? Madami pa kong gagawin sa bahay. Hays!" inis na wika niya. Saan na naman kaya nagsuot ang ungas na iyon? Inutusan lang daw ito ng Daddy niya na iuwi ang mga importanteng papeles at bumalik na lang ito pagkatapos dahil marami din iyon at naka-kahon pa.
"Malapit na iyon. Tinawagan ko na," anang ama niya. Napailing na lang siya at nakasimangot pa rin habang nakatayo. Nawala lang ang simangot niya nang dumating si Zyron at nilapitan ang kaniyang ama. Lihim siyang napasinghap at agad na kinabahan dahil nandito ito ngayon malapit sa kinatatayuan niya since magkasama lang sila ng ama niya na naghihintay kay Rocky.
Ang lakas ng tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang gwapong mukha nito. Matagal na niya itong crush at aaminin niyang patay na patay siya dito. Napakagat labi siya habang pinagmamasdan ito. Abala ito na kinakausap ang ang kaniyang ama. May dala itong folder na ipipakita pa nito sa Daddy niya. Seryosong-seryoso ang mukha nito ngunit mas lalo lang iyon na nagpa-gwapo sa lalaki.
Hay! Bakit ba ang gwapo-gwapo ni Zyron? Ang swerte ng babaeng magugustuhan nito. Wala pa daw itong girlfriend ayon sa mga chismis sa school. Marami din kasi ang pumapantasya dito kaya pati lovelife ni Zyron ay talagang binabantayan ng mga katulad niyang may gusto dito.
Tulala siya habang pinagmamasdan ito. Pangiti-ngiti pa siya kahit na hindi naman siya nito napapansin.
Maya-maya ay naramdaman niyang may humablot ng mga gamit niyang dala.
Si Rocky.
Hindi niya namalayan na nandito na pala ito. Kahit kailan talaga ay panira ito ng moment.
"Ano ba?" inis na sabi niya dito. Naiinis siya dahil naputol ang pagpapantasya niya kay Zyron nang bigla na lang nitong hablutin ang mga gamit niyang dala.
"Kanina ka pa tulala eh. Yung bibig mo papasukan na yan ng langaw. Kinuha ko lang yung mga gamit mo," sabi nito sa kaniya.
Inirapan niya naman ito.
"Alam mo panira ka talaga ng moment eh no?"
"Bakit ba? May gusto ka ba talaga diyan? Mas gwapo pa ako diyan eh," sabi nito sa kaniya. Confident nitong sinabi iyon at halos humiwalay ang puso niya nang lumingon si Zyron sa kanila. Lagot! Narinig pa yata nito ang sinabi ni Rocky. Bwisit talaga ang lalaking ito! Malapit lang sila dito.
Biglang ngumiti si Zyron sa kaniya kaya natulala siya at napatanga. Parang biglang nagliwanag ang paligid at tanging si Zyron lang ang nakikita niya dahil sa ngiting ibinigay nito sa kaniya."Hi Penelope uuwi na pala kayo ni Sir? Pasensiya na kung naistorbo ko pa kayo. May pinapirmahan lang ako kay Sir," nakangiting anito sa kaniya.
Pakiramdam niya ay naestatwa siya sa kinatatayuan niya. Hindi naman ito ang unang beses na binati siya nito pero bakit ganito pa rin katindi ang kilig na nararamdaman niya pagdating kay Zyron? Iba talaga ang tama niya sa lalaking ito.
"Papansin naman. Obvious naman na pauwi na eh nagtatanong pa," rinig niyang bulong ni Rocky na nakahaba ang nguso at parang bubuyog sa isang tabi. Binalingan niya ito at sinamaan ng tingin. Natahimik ito. Baka mamaya ay marinig ni Zyron ang sinasabi nito.
"Ah o-oo pauwi na kami ni Daddy. Don't worry okay lang dahil hinihintay pa naman namin ang service kanina noong dumating ka," nakangiting sabi niya kay Zyron. May kasamang pagpapa-cute iyon. Nakarinig siya ng pagpito sa gilid niya. Pumipito si Rocky at waring nakatingin sa kawalan. Anong problema ng gunggong na ito?
"Ah sige, aalis na ako. Salamat po Sir ingat po kayo ni Penelope," magalang na sabi nito sa ama niya at bahagya pang yumuko.
Kilig na kilig siya. Bukod sa gwapo ito ay magalang pa. Ang sarap sa tainga kapag tinatawag nito ang pangalan niya. Tila isang musika iyon sa pandinig niya.
"Oh Rocky nandiyan ka na pala. Let's go," sabi ng ama niya nang makita nito si Rocky. Siya naman ay inirapan lang ang binata. Kanina pa kasi niya napapansin na parang naiinis ito at naiinsecure kay Zyron, palibhasa kasi ay puro kayabangan ang katawan nito at ayaw nasasapawan.
Nagmartsa na siya sa paglalakad patungo sa sasakyan nilang nakaparada. Bitbit ni Rocky ang mga gamit nila.
Habang daan ay tahimik lang sa loob ng sasakyan. Masayang-masaya siya dahil sa nangyari kanina at patuloy niya pa ring ninanamnam sa isipan niya ang pag-uusap nila ni Zyron. Hanggang sa makauwi nga sila sa bahay ay ito pa rin ang laman ng utak niya.
"Oh kamusta ang araw niyo?" bungad ng Mommy niya pagbukas nila ng pintuan.
"Ang saya Mommy, napansin ako ni Sir Zyron," nakangiting sabi niya na kinikilig pa.
"Talaga? Hanggang ngayon talaga ay patay na patay ka pa rin sa kaniya," anang Mommy niya. Hindi naman lingid sa mga ito na may gusto siya kay Zyron noon pa. Kahit pa nga noong nagpa-practice teacher pa lang ito sa school ay talagang hinahangaan na niya ito. Mas sumidhi lang ang paghanga niya lalo pa ngayon na araw-araw niya itong nakikita.
"Ang gwapo niya Mommy. Ang bait pa at ang galang. Sobrang perfect," sabi niya.
"Sus! Hindi mo makikilala ang tunay na ugali ng isang tao hangga't hindi mo ito nakakasama sa iisang bubong," sabat ni Rocky. Napalingon siya dito at sinamaan ito ng tingin. Bakit ba ito sumasabat sa usapan nila?
"So anong ibig mong sabihin? Na masamang tao si Zyron?"
"Wala akong sinabing gano'n," sagot nito sa kaniya at inilapag sa lamesa ang ilang mga gamit ng ama niya.
"Epal ka talaga kahit kailan," inis na wika niya dito. Hindi naman kasi niya hinihingi ang opinyon nito.
"Hija, may punto naman si Rocky. Actually tama siya. Hindi mo makilala ang tunay na ugali ng isang tao hangga't hindi mo ito nakakasama sa iisang bubong," sabi ng ama niya. Bakit ba ito sumasang-ayon kay Rocky? Tsk!
"What Dad? Naniniwala ka na masamang tao si Zyron? But he's nice to you. Nakikita ko kung gaano siya kagalang," sabi niya dito.
"Wala naman akong sinabing masamang tao si Zyron. Inulit ko lang yung sinabi ni Rocky," anang ama niya. Muli ay sinamaan niya ng tingin si Rocky pero ngumisi lang ito sa kaniya. Nang-aasar ba ito?
"Natural magiging mabait siya sa Daddy mo. Ang Daddy mo ang Principal at may-ari ng school na pinagtatrabahuhan niya, remember?" ani Rocky sa kaniya. Parang gusto nitong palabasin na masamang tao si Zyron at nagpapakitang tao lang ito.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, lalaking mayabang," sabi niya dito habang nakasimangot.
"Kaya ibinibigay ko na lang sayo ng kusa. You're welcome, Penny," sabi nito sabay kindat.
Ngumisi ito muli at inayos ang hikaw nito sa tainga. Napailing na lang siya dito.
"Oh siya tama na iyan at kakain na tayo. Maghahain na ako at sabay-sabay na tayong kumain. Rocky, sumabay ka na rin sa amin," sabi ng Mommy niya kay Rocky.
"Salamat Ma'am," sagot naman ni Rocky muling bumaling ng tingin sa kaniya. Kung nakakamatay lang ang mga irap niya ay baka kanina pa ito pinaglalamayan. Mabibigat ang mga paang pumanhik siya sa hagdanan upang magtungo sa kaniyang silid at magpalit ng damit. Kakain na sila at makakasabay pa niya yung hambog na mayabang.
"Kainis talaga!" impit na bulong niya sa sarili bago pumasok sa kaniyang silid.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...