CHAPTER 50

169 9 0
                                    

Kauuwi lamang ni Rocky galing sa pagsundo kay Penny, napagpasyahan niyang sumaglit sa paresan tutal ay maaga pa naman. Mag aalas singko pa lang ng hapon.

"Aalis muna ako, love. Bibisitahin ko lang yung paresan tutal ay maaga pa naman," paalam niya kay Penny. Pinagbuksan niya muna ito ng pintuan ng sasakyan saka ito tinulungan na bitbitin ang ilang mga gamit nito.

"Gusto ko sanang sumama, love kaya lang ay marami pa akong aasikasuhin tulad ng lesson plan ko. Sa ibang araw na lang ako sasama ha? Mag-iingat ka," nakangiting sabi nito sa kaniya. Tumango naman siya dito at ngumiti saka hinalikan ang noo nito. Kahit lalaki siya ay kinikilig pa rin siya kapag tinatawag siya nitong love. Pakiramdam niya ay nananaginip lang siya pero totoo ang lahat. Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing binibigkas nito ang naging endearment nila.

"Naiintindihan ko. Hindi mo naman ako kailangan na samahan palagi. May trabaho ka rin na dapat asikasuhin," sabi niya dito.

"Umuwi ka agad ha? Sabay tayong kumain ng dinner nila Mom mamaya," anito.

"Hmm, hindi ba nakakahiya sa mga magulang mo?"

"Ano ka ba, love. Malinaw na sa kanila ang lahat at tanggap ka nila. Isa pa kahit nga nung hindi pa tayo eh sabay-sabay na rin naman tayong kumakain. What more pa kaya ngayon?" Ngumiti ito at hinawakan ang pisngi niya. Nasa ganoon silang eksena nang may tumikhim mula sa pintuan. Naroon pala ang Mommy ni Penny at naririnig sila.

"Oo nga naman Rocky. Lagi na tayong sabay-sabay na magdi-dinner lalo pa at hindi ka na iba sa amin. Wag kang mahihiya," wika nito.

"Anak na rin ang turing namin sa iyo," dagdag pa nito.

Hiyang-hiya siya dahil napakabait ng mga magulang ni Penny sa kaniya.

"Salamat po, Ma'am," nahihiya niyang sagot.

"Ano ka ba, wag mo na akong tawaging Ma'am. Simula ngayon ay Tita na ang itawag mo sa akin," sabi nito at ngumiti.

Nakangiti din si Penny na tila siyang-siya sa naririnig mula sa Mommy nito.

"Nakakahiya naman po. Sobrang bait niyo po sa akin, Ma'am—"

"Tita," pagtatama ng ina ni Penny.

Napakamot siya sa batok bago sinambit ang nais nitong itawag niya dito.

"Tita," sagot niya. Ngumiti ang ina ni Penny.

"Mabuti kami dahil mabuti ka rin sa amin Rocky, at malaki ang utang na loob namin sa iyo. Nagpapasalamat na rin kami dahil ikaw ang minahal ni Penny. Alam namin na magiging ligtas siya sayo kaya hindi kami nababahala ng Daddy niya."

"Iingatan ko po si Penny at hinding-hindi ko po siya pababayaan."

Tumango ito sa kaniya.

"Salamat hijo."

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin siya sa mga ito dahil pupunta na siya sa pwesto. Sandali lang naman siya dahil gusto niyang makita ang kaganapan doon. Hanggang gabi kasi ay nagbubukas na sila. Sa gabi kasi ay mas marami pang customer na dumadating. Kapag nakaipon-ipon pa nga siya ay balak niyang magtayo ng isa pang pwesto sa kabilang baranggay, tutal ay wala naman trabaho ang ilang mga kaibigan niya at ang mga ito na lang ang kukuhanin niyang tao upang kahit papaano ay may income ang mga ito.

Katulad ng dati ay maraming tao pagkarating niya sa pwesto. Lalo pa ngayon na may plaza sa bungad ng barangay nila. Ang ilang mga tao doon ay sa paresan ang tuloy. Kahit medyo tago at may eskinita pang dadaanan ay dinadayo pa rin ang paresan niya.

Nakita siya agad nila Uno kahit abala ito sa pag-serve sa ilang mga kumakain.

Hindi na nag-abala ang mga ito na lumapit sa kaniya at siya na ang lumapit sa mga ito. Nakitulong-tulong na din siya dahil nga madaming customer.

"Grabe ang daming tao," bulong sa kaniya ni Uno.

"Oo nga, tutulungan ko na kayo kahit mga ilang oras lang," sabi niya.

"Salamat bro," sagot naman nito. Nagkanya-kanya na sila ng serve. Sila Jerson at Leandro ang nakatoka sa pagluluto habang sila naman nila Uno, Kuzma at Lax ang nagsi-serve.

Gustohin man niyang makipag-usap muna sa mga kaibigan niya ay hindi niya magawa dahil abala sila.

Halos isang oras ang lumipas bago siya napahinga sa pagsi-serve. Napansin niyang nawala si Jerson saka si Leandro. Balak pa naman niyang kausapin ang mga ito ngayong tapos na siyang mag-serve. Baka pumasok lang sa loob ng bahay niya ang dalawa. Pinasya niyang magtungo sa loob at hanapin ang mga ito.

"Ano wala ka bang balak sabihin kay Rocky ang lahat? Nandito na siya, ito na ang pagkakataon mo Jerson!" rinig niya ang boses ni Leandro na tila ba nakikipagtalo kay Jerson. Napako tuloy siya sa kinatatayuan niya habang pinagmamasdan ang dalawa na nag-uusap. Nakatalikod ang mga ito at nakasuot pa ng apron si Jerson. Tila kunsumido ito at may mabigat na dinadala. Hindi pa siya namamalayan ng mga ito.

Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Leandro sa sinasabi nito pero batid nyang tila may problema.

Ano ang kailangang sabihin sa kaniya ni Jerson?

"Hindi na kaya ng konsensiya ko  Jerson. Hindi na talaga. Ayoko ng tumagal pa ang paglilihim natin sa kaniya. Hindi ka ba nababahala?!" sermon pa ni Leandro dito. Hindi kumikibo si Jerson. Nanatili lang itong nakayuko habang ang noo ay lukot. Tila kaylalalim ng iniisip nito.

"Malalaman din naman niya, Leandro. Kailangan ko lang ng sapat na panahon, please konting panahon pa! Alam kong napakabigat ng nagawa kong kasalanan. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko uumpisahan sabihin sa kaniya na ako ang nakapatay kay Rust Crisostomo!"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya ang mga salitang sinabi ni Jerson kay Leandro. Tila may mabigat na batong dumagan pati sa dibdib niya. Totoo ba ang narinig niya?

Ito ang nakapatay kay Rust Crisostomo?
Si Rust Crisostomo ay walang iba kundi ang kapatid ni Penny.

Pero paano?

Hindi maaari...

Napaatras ang mga paa niya dahil sa narinig. Bumangga ang binti niya sa isang babasaging bagay dahilan para makagawa iyon ng ingay. Napatingin sa kaniya si Jerson at Leandro na noon ay gulat na gulat dahil ngayon lang namalayan ng mga ito na naroon siya.
Narinig niya lahat ng sinabi ni Jerson. Dinig na dinig niya lahat.

"R-rocky?"

Sunod-sunod ang pag-iling niya. Unti-unting nagsink-in sa utak niya ang mga posibilidad na ayaw niyang tanggapin noon. Alam niyang namatay ang kapatid ni Penny sa isang riot ng mga fraternities pero hindi niya inaasahan na ang taong malapit sa kaniya ang nakapatay dito at bitbit nito ang pangalan ng kapatiran nila. Si Penny agad ang unang pumasok sa isipan niya.

"Rocky hayaan mo akong magpaliwanag—"

"Paano nangyari Jerson? Totoo ba?! Paanong ikaw ang nakapatay sa kapatid ni Penny?" pigil ang emosyong tanong niya kay Jerson. Unti-unti ng kinakain ng galit ang dibdib niya. Paanong nangyari iyon? Walang dapat pumatay sa mga kasama niya at iyon ang lagi niyang pinapaalala sa mga ito noon pa kahit lagi silang laman ng gulo, hindi sila dapat maging mamamatay tao!

Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ng mga ito noong nakita ang larawan ng kapatid ni Penny sa mismong bahay nito. Unti-unti ng nagsisink-in sa utak niya lahat. Miyembro ng Black Dragon ang kapatid ni Penny at totoo ang mga naiisip niya noon na may posibilidad na frat nila ang nakaaway ng mga ito dahil mortal na magkaaway ang Dark Empire at Black Dragon, pero pilit niyang iwinawaksi sa isipan niya iyon noon dahil wala siyang alam at tiwala siya na hindi kayang pumatay ng mga kasama niya. Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat. Kung paano may naganap na patayan, at ang kapatid pa ng babaeng mahal niya ang biktima. Naikuyom niya ang kamao dahil sa matinding emosyon.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon