CHAPTER 17

186 4 0
                                    

Hindi alam ni Penny ang gagawin matapos siyang matagusan sa kaniyang uniporme. Ganito ba kalakas ang dalaw niya? Kahit na may suot naman siyang napkin ay tinagusan pa rin siya. Ang mas nakakahiya ay kitang-kita iyon ni Rocky. Ano kaya ang iniisip nito ngayon?
Napahilamos siya sa sariling mukha. Hinihintay na lang niya ito ngayon dahil inutusan niya itong umuwi upang ikuha siya ng extra na masusuot. Kahit nakakahiya ay nilunok na lang niya ang hiya niya. Mas nakakahiya naman kung makita pa siya ng kung sino-sino sa labas na mayroon siyang tagos!

Naririnig niyang nagkakagulo na ang mga estudyante niya sa loob at hinahanap na siya ng mga ito, pero hindi naman siya maaaring basta na lang lumabas. Hinihintay niya pa si Rocky, mga 15 minutes pa lang itong nakakaalis buhat nang inutusan niya ito kanina.

Hindi na siya mapakali sa loob ng cr. Mabuti na lang at pagkalipas ng limang minuto ay narinig na niya ang tinig ni Rocky. Agad itong kumatok sa pintuan ng cr. Binuksan niya iyon at inabot nito sa kaniya ang ipinakuha niya ditong extra na susuotin.

"Thank you Rocky," aniya sa binata. Mabuti na lang talaga at maagap ito. At mabuti na lang ay sinunod siya nito kahit na sinusungitan niya ito kahapon pa. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kunsensiya. Binigyan pa siya nito ng chocolate kanina. Hindi bale, maaga naman ang uwian niya mamaya. Ililibre na lang niya ito bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagtulong sa kaniya. Pero nahihiya pa rin siya kapag naiisip naiisip niya na nakita nitong may tagos siya kanina. Kahit alam niyang normal lang naman sa babae ang matagusan eh hindi niya maiwasan ang mahiya lalo pa at lalaki si Rocky.

Nang matapos siyang makapagpalit at kusotin ang uniporme niyang natagusan ay lumabas na rin siya ng cr. Nakita niya ang mga estudyante niya na kanina pa naghihintay sa kaniya. Medyo masakit ang puson niya pero kayang-kaya naman niyang magturo. Si Rocky ay naroon sa labas at nakatayo. Nagyoyosi na naman ito. Pasaway talaga. Kapag may nakakita dito ay tiyak na masisita na naman ito. Napabuntong-hininga siya. Lumingon ito sa kaniya kaya umiwas siya ng tingin at ibinaling ang atensyon sa mga estudyante niya. Sinimulan niyang magturo. Alam niyang pinapanood siya ni Rocky pero pinipigilan niya ang mapalingon sa gawi nito. Itinuloy lang niya ang pagtuturo hanggang sa matapos ang oras ng klase sa tanghali. Uwian na ng mga estudyante niya at mamayang makapananghali na ulit ang balik ng mga ito.

"Goodbye class! See you again this afternoon," nakangiting wika niya sa mga ito bago lumabas.

Isa-isang naglabasan ang mga ito at sinundan na lamang niya ng tingin. Si Rocky ay pumasok sa loob ng classroom niya nang makalabas ang mga estudyante.

"Okay ka lang?" tanong nito sa kaniya. Bakit parang kakaiba ang tingin nito? Parang may nababasa siyang pag-aalala? Or baka naman nag-iilusyon lang siya. Bakit naman ito mag-aalala sa kaniya?

Bigla niyang naalala na gusto niya itong pasalamatan dahil sa ginawa nito kanina. Umuwi pa ito sa kanila at dinala ang pamalit niya sa unipormeng nalagyan ng mantsa.

"Ahm okay lang ako. Siya nga pala Rocky, thank you ha? Thank you kasi umuwi ka pa kanina para lang dalhin ang inuutos ko," sabi niya dito.

"Sus! Wala iyon! Basta wag mo na lang akong sungitan ulit," sagot naman nito sa kaniya. Ngumiti siya dito.

"May naisip ako. Bilang kapalit ng ginawa mong pagtulong sa akin ay iti-treat kita ng coffee mamaya," sabi niya dito. Tumaas naman ang isang kilay ni Rocky. Tila ba hindi pa ito makapaniwala sa sinabi niya.

"Teka totoo ba yan? Baka naman nilalagnat ka lang Pennys," sabi nito sa kaniya. Hindi na niya pinansin ang pang-aasar nito sa pangalan niya.

"Ayaw mo ba? Ililibre na nga kita eh!" sabi niya dito.

"Aba! Wala naman akong sinabi na ayaw ko ah? Sige mamaya ha, aasahan ko yan," sabi nito sa kaniya at kumindat. Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya dahil sa ginawa nitong pagkindat sa kaniya.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon