Gulat na gulat si Penny nang pumasok siya sa classroom niya at isa-isa siyang binibigyan ng pulang rosas ng mga estudyante niya. Lahat ito ay may dalang bulaklak at inaabot sa kaniya. Hindi niya tuloy maintindihan kung ano ang nangyayari pero natutuwa ang puso niya dahil sa mga bulaklak.
Halos tatlompu't lima ang kaniyang estudyante at lahat iyon ay nagbigay ng bulaklak sa kaniya. Hindi na niya mahawakan sa kamay ang iba kaya inilapag niya muna sa lamesa, nakakunot ang noo niya pero nangingiti naman siya. Si Kurt ang huling estudyante niya na nagbigay ng bulaklak sa kaniya.
"For you teacher Penny!" sweet na sabi nito habang nakangiti. Singkit ito kaya halos mawala na ang mata nito dahil sa tamis ng ngiti nito sa kaniya. Mahina niyang pinisil ang pisngi nito dahil hindi na siya nakapagpigil sa kacute-an ng estudyante niya. Iba-iba ang itinatawag sa kaniya ng mga bata, minsan ay Ma'am Penny, minsan naman ay teacher Penny. Pero kung saan komportable ang mga ito ay hinahayaan na lamang niya.
"Thank you, Kurt!" sagot niya dito.
"Teacher, wag ka po samin mag-thank you. Kay Kuya Rocky po!" sabi nito sa kaniya kaya napaawang ang labi niya. Nilingon niya si Rocky sa likod niya at nangingiti ito habang kumakamot sa batok. Nakatayo ito at pinagmamasdan sila.
"Ikaw ang may pakana nito?" natatawa niyang saad. Tila naman nahiya si Rocky nang tumango ito sa kaniya.
"O-oo. Di ba sabi ko sayo papalitan ko yung bulaklak na binigay sayo nung kumag? Ayan na iyon," sagot nito sa kaniya.
"Ikaw talaga, hindi mo naman kailangang gawin pa ito, pero salamat ha?" Inamoy niya ang bulaklak, mabango iyon kaya napangiti siya. Nakatingin lang sa kaniya ang mga estudyante niya pati na si Rocky.
"Ayieee! Si Kuya Rocky, may gusto siya kay teacher Penny!" pang-aasar ng mga bata sa kanila. Nagkatinginan sila ni Rocky. Ngayon lang niya napansin na tila namula ang mukha ni Rocky. Muli itong kumamot sa batok.
"Bagay ba kami?" tanong nito sa mga bata at nilapitan siya saka inakbayan. Hindi naman siya tumutol sa ginawa nito.
"Opo bagay kayong dalawa!" sagot ng mga bata.
"Bagay daw tayo, mylabs!" ani Rocky at kumindat pa sa kaniya. Mahina niya itong siniko sa tagliran.
"Ikaw talaga. Maupo ka na nga doon at magtuturo na ako. Anyway, thank you ulit sa flowers," sabi niya habang itinatago ang kilig.
"You're welcome mylabs!" sagot naman ni Rocky at naupo ito sa upuan sa dulong row.
Ang gaan ng mood niya habang nagtuturo siya. Ganito ba ang epekto ng kilig na hatid ng ginawa ni Rocky ngayong araw? Talagang sineryoso nito ang sinabing ibibili siya ng bagong bulaklak. Ayaw nitong magpatalo kay Zyron. Natatawa tuloy siya. Well, hindi naman kailangan na makipag-kompitensya ni Rocky kay Zyron dahil si Rocky ang mahal niya. Wala na sa kaniya si Zyron, wala na itong epekto sa kaniya. Si Rocky ang nagbibigay ng kilig sa kaniya ngayon dahil ito ang tanging nagmahal at tumanggap sa kaniya kahit madami siyang imperfections. Buong araw na masigla ang mood niya. Sabay din sila ni Rocky na nag-lunch, lumabas sila ng school at kumain sa paborito nilang samgyupsalan.
———
Kinagabihan ay bigla na lamang siyang pinatawag ng mga magulang niya habang gumagawa siya ng lesson plan sa silid. Kinabahan siya dahil seryoso ang tinig ng Mommy niya nang katukin siya sa sarili niyang kwarto.
"Penny, kailangan natin mag-usap anak. Pinapatawag ka rin ng Daddy mo." Iyon ang mga katagang sinabi ng Mommy niya kaya naman dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Agad siyang naghinala, nakita ng Mommy at Daddy niya ang bulaklak na dala niya kanina.
"S-sige po Mommy. Susunod na ho ako. Aayusin ko lang itong mga gamit ko," sagot niya. Hindi niya ipinahalata rito na kinakabahan siya. Baka nalaman na ng mga ito ang nangyayari sa pagitan nila ni Rocky. Inayos niya muna ang mga gamit niya saka siya tahimik na lumabas kasunod ng Mommy niya. Mas lalo siyang kinabahan nang makita si Rocky na nasa ibaba kaharap ang Daddy niya. Nakaupo si Rocky habang magkasiklop ang mga palad. Ang Daddy niya naman ay nagsasalita at seryoso ang mga mata habang nakatingin kay Rocky.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...