CHAPTER 51

152 6 0
                                    

"R-rocky, h-hindi ko sinasadya."
Pinilit siyang lapitan ni Jerson habang nanginginig ang boses.

Tiningnan niya si Leandro.

"Alam mo 'to Leandro? Kasabwat ka ba dito?" tanong niya. Hindi umimik agad si Leandro. Tila hindi rin nito malaman ang dapat sabihin. Sunod-sunod lang ang naging pag-iling nito. Mayamaya ay bumukas ang pintuan at iniluwa niyon sina Uno.

"Alam naming lahat. P-pero hindi namin akalain na makakapatay si Jerson," sabi ni Uno. Nasa likod nito sina Lax at Kuzma.

"Rocky, hindi ko sinasadya! Nadala lang ako ng matinding emosyon ko..." ani Jerson.

Napasabunot siya sa sariling buhok at inis na inihilamos ang mga palad sa mukha.

"Tang inang dahilan naman yan Jerson! Alam mong kabilin-bilinan ko yan sa mga kasama natin, na huwag na huwag tayong kikitil ng buhay kahit puro gulo na ang nangyayari noon, kaya nga pilit kong binabago ang imahe ng kapatiran, pero anong ginawa mo? Ikaw ang dapat na sundin nila pero ikaw pa ang siyang gumawa!" Nanginginig siya sa galit. Hindi niya akalain na magagawa ni Jerson ang pumatay ano pa man ang dahilan nito.

"Sobra na kasi yung pagseselos na nararamdaman ko dahil alam kong nagugustuhan na ni Ana si Rust. Doon nagsimula lahat ng hinanakit ko. Masyado akong nilamon ng galit. Hindi ko gustong pumatay, Rocky. A-akala ko hindi ko siya mapapatay—"

"Pero napatay mo siya! At kapatid siya ng taong pinakamamahal ko!" Halos pumiyok na siya nang sambitin iyon.

"Matagal na panahon na silang naghahanap ng hustisya. Matinding pangungulila ang naramdaman nila sa pagkawala ni Rust, saksi ako kung gaano nila kagustong mahuli kung sino ang mga nasa likod ng pagkamatay nito. Kayo, kayong lahat, hanggang kailan niyo balak ilihim sakin ang katotohanan?!"

Sinipa niya ang basyo ng bote ng alak na nasa gilid dahilan para gumawa iyon ng ingay. Gulat na gulat ang mga kaibigan niya pero walang salita na lumabas sa mga ito. Isa-isa niyang pinagtitingnan ang mga ito. Punong-puno ng hinanakit ang kanyang mga mata.

"All this time, wala akong ibang hinangad kundi ang mapabuti ang bawat isa sa atin! Pilit kong iwinawaksi sa isipan ko na hindi kayo yung mga taong nasa likod nun kahit ilang beses na akong napaisip na posible talaga. Ayoko pa rin paniwalain ang sarili ko dahil kampante akong hindi niyo magagawa yon! Pero bullshit naman! Totoo pala lahat ng iniisip ko, binubulag ko lang ang sarili ko dahil mahal ko kayo! Ganoon lang kadali para sa inyo ang pumatay? Fuck!"

Walang kakibo-kibo ang mga ito habang sinasabi niya lahat ng hinanakit niya. Sobrang sakit at sama ng loob talaga ang nararamdaman niya ngayon. Kapag nalaman ni Penny na myembro siya ng Dark Empire hindi niya alam kung kaya pa siyang tanggapin nito. Naiisip pa lang niya na kamumuhian siya nito ay parang hindi na niya kakayanin.

"Minsan lang ako magmahal, at ngayon lang ako ulit nakatagpo ng tunay na pag-ibig, pero sa pagkakataong ito alam kong kabiguan na naman ang magiging hantungan. Napakasama ko nga sigurong tao, dahil ako ang kailangang magdusa sa mga kasalanan na ginawa niyo!"

"Rocky, patawarin mo ako..." Hindi makatingin sa mga mata niya si Jerson.

"Patawad? Tingin mo pagkatapos ng lahat ng ito, saan kaya ako pupulutin? Lahat ng pangarap ko maglalaho lang na parang bula kung mawawala si Penny sakin dahil siya na yung buhay ko. Anong mukha ang maihaharap ko sa mga magulang niya sa kabila ng kabutihan na ginawa nila sa akin?" Inis na pinahid niya ang luhang kumawala sa pisngi niya. Napasinghot siya dahil kahit gustuhin niyang huwag umiyak ay nagawa pa ring bumagsak ng luha niya.

"Masama ba akong tao, Jerson? Kasi putangina lahat kaya kong isugal para inyo e, pero kayo? Pinatalo niyo ako ng walang kalaban-laban!"

Pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang iyon ay galit niyang binuksan ang pintuan at umalis. Tinalikuran na niya ang mga ito. Narinig niyang tinawag pa ni Jerson ang pangalan niya pero pinigilan ito ni Leandro. "Hayaan mo muna siya, Jerson."
Iyon ang huling salita na narinig niya bago niya tuluyang nilisan ang lugar.

———

Lulan ng sasakyan ay nakarating siya sa isang mahabang tulay. Madilim na ang paligid. Walang masyadong dumadaan. Inihinto niya ang sasakyan at bumaba doon. Naglakad siya at tumingala sa langit. Sobrang bigat ng didbib niya sa mga oras na ito. Napakasakit ng kalooban niya. Sumigaw siya upang bawasan ang bigat na nakadagan sa dibdib niya. Wala na siyang pakialam kahit magmuka pa siyang baliw.

Galit, inis, at takot. Iyon ang nararamdaman niya ngayon. Natatakot siya na kamuhian siya ni Penny gayondin ng pamilya nito. Mahal na mahal niya si Penny, pero paano nga naman niya sasabihin dito na myembro siya ng faternity na nakapatay sa kapatid nito? Feeling niya ay wala siyang pinagkaiba sa isang kriminal.

Sinipa sipa niya lahat ng nakita niyang bagay sa daan. Nang mapagod siya ay naupo siya sa gilid ng tulay. Sobrang dilim iilan lang din ang mga bituin sa langit. Naalala niya na naman si Penny, kapag tumatambay sila sa gabi ay madalas nilang pagmasdan ang langit. Pero bukod pa doon ay ito talaga ang pinagmamasdan niya, ang maamo at magandang mukha nito.

Hindi niya kayang mawala si Penny sa kaniya pero hindi rin niya kayang magsinungaling dito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Gulong-gulo siya.

"Tang inang buhay to! Ganun ba ako kasamang tao?" bulong niya sa sarili habang nakatulala sa kawalan.

Hindi niya namalayan na lumalalim na ang gabi at ang dami na palang missed call ni Penny sa kaniya. Pinatay niya na lang ang cellphone, hindi niya kasi alam kung paano niya ito kakausapin. Ayaw niya munang umuwi.
Nagmaneho ulit siya ng sasakyan pero hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hanggang sa mapahinto siya sa isang tindahan. Tumambay siya doon. Bumili siya ng alak at nagpakalango doon. Gusto niyang makalimot kahit na saglit. Tila hindi niya na kasi kakayanin pa ang bigat at sama ng loob. Walang masyadong tao sa tindahan at solo niya ang pwesto. May ilan lang na mga dumadaang sasakyan pero wala naman humihinto at bumibili.

"Taga saan ka ba anak?" tanong ng matandang tindera sa kanya. Inuusyoso pa siya nito, siguro ay dahil bagong mukha lang siya dito.

"Taga Tondo ho ako," tipid niyang sagot at lumagok ng alak.

"Mukhang matindi ang pinagdadaanan mo at nakarating ka pa sa ibang lugar para lang uminom," anang matanda sa kaniya.

"Wala ho ito. Gusto ko lang magliwaliw," pagsisinungaling niya.

Nakalimang bote ng alak yata siya bago niya napagpasyahang umuwi. Nag-alala pa nga sa kanya yung matandang tindera dahil baka daw hindi niya kayang magmaneho pero sinabi nya dito na kaya niya pa. Pinilit pa rin nyang magmaneho kahit na lasing na siya. Nakauwi naman siya ng ligtas sa bahay at naroon si Penny kahit na dis-oras na ng gabi ay matyaga pala itong naghihintay sa kaniya. Punong-puno ng pag-alala ang mukha nito nang mapansin na bahagya siyang gumegewang pagkababa sa sasakyan. Dali siya nitong dinaluhan at inalalayan.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon