Agad na napabangon si Penelope mula sa pagkakahiga nang tumunog ang alarmclock niya sa kwarto.
Geez! Umaga na naman? Ang bilis yata ng gabi ngayon? Bitin na bitin ang tulog niya at inaantok pa siya.
"Good morning Ma'am Penny!"
Saktong bungad naman sa kaniya ni Yaya Pilar. May bitbit itong tray ng pagkain.
"Yaya, hindi niyo na ho ako kailangang dalhan pa ng pagkain dito sa kwarto ko. Puwede naman hong bumaba na lang ako," sabi niya dito pero umiling lang si Yaya Pilar. 20 years na itong nagtatrabaho sa kanila. Parang nanay na niya ito. Masyado siya nitong bini-baby. Palibhasa kasi ay hindi ito nagkaanak kaya siguro ganito na lang ito kaasikaso sa kaniya. Mahal niya si Yaya Pilar dahil sa lahat ng pagsisilbi nito sa pamilya nila. Masasabi niyang matapat ito at mapagmahal na kasambahay kaya mahal na mahal rin ito at labis na pinagkakatiwalaan ng mga magulang niya. 25 na siya pero hanggang ngayon ay bini-baby pa rin siya nito.
Ang Daddy niya ay may-ari ng isang eskwelahan kung saan siya nagtuturo bilang teacher ng grade 1.
Sa St. Rose Academy. Magkasama ang highschool at elementary sa school na pag-aari nila. Kung tutuusin ay hindi niya naman na kailangang magtrabaho dahil marangya naman ang buhay nila, pero dahil mahal niya ang pagtuturo ay hindi niya sinusunod ang Mommy niya sa tuwing sinasabi nito na huminto na lang siya sa pagtuturo at mag-business na lang. Ayaw raw kasi ng mga ito na binu-bully siya sa mismong school na pag-aari nila.Mataba kasi siya. Manang pa raw kung manamit at baduy rin. Sa madaling salita ay pangit siya. Tanggap niya na iyon. Kaya nga walang nagkakagusto sa kaniya. May minsan siyang naging crush pero alam niya naman na imposibleng magkaroon din ito ng nararamdaman sa kaniya. Nangangarap lang siya. Hanggang doon lang. Tanggap na niya kung tumandang dalaga man siya balang araw.
"Hala, maiwan na kita riyan. Lumabas ka na lang pagkatapos mo. Siya nga pala, bilin ng Daddy mo na dalian mo dahil may importante raw siyang sasabihin sayo," ani Yaya Pilar sa kaniya. Wala sa loob na tumango na lang siya sa matanda.
Saktong alas-siyete nang lumabas siya ng silid niya. Naka-uniporme na rin siya at ready ng pumasok sa school. Palagi niyang kasabay ang Daddy niya since ito rin ang school principal ng school nila.
Paglabas niya ng silid ay agad niyang natanaw ang Daddy niya sa ibaba. Nakatalikod ito at may kausap na isang lalaki. Kumunot tuloy ang noo niya.
Sino ang lalaking iyon?
"Oh, anak nariyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo," sabi ng Mommy niya sa kaniya.
"Mommy, sino yung kausap ni Daddy?" tanong niya.
"Ah iyon? Kayo na lang ng Daddy mo ang mag-usap," sagot sa kaniya ng Mommy niya. Mas lalong nangunot ang noo niya dahil doon.
Napalingon sa kaniya ang Daddy niya nang tuluyan na siyang makababa ng hagdanan.
"Penelope, mabuti naman at nandiyan ka na," sabi ng Daddy niya.
Agad niyang tiningnan ang lalaking kausap ng Daddy niya na ngayon ay nakatingin din sa kaniya.
Matangkad, mukhang adik.
Sino ba ang lalaking ito?
Ang dami-daming tattoo sa katawan at marami ring hikaw sa tainga. Sayang may itsura pa naman sana ang kaso ay mukhang kakalaya lang yata sa bilangguan.Nakasuot ito ng itim na sandong may tatak pang bungo at nakapantalon ng maong. Nakabalanggot din ito ng itim. Umangat ang isang sulok ng labi nito habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. Parang natatawa ito. Kinikilabutan siya sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya.
"Sino siya Dad?" nagtatakhang tanong niya sa Daddy niya.
"Siya si Rocky, siya ang magiging bodyguard mo simula ngayon."
Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig.
Bodyguard?
Nananaginip ba siya? Bakit naman siya bibigyan nito ng bodyguard? At isang mukhang adik pa!"W-what? Seriously Dad, anong joke 'to?" naguguluhang tanong niya.
Tumawa lamang ang Daddy niya sa tanong niya.
"Penny, hija. This is not a joke. Mas mainam na may bodyguard ka para may poprotekta sayo. Ayoko ng maulit pa ang nangyari sa nakaraan, so please huwag na natin itong pagtalunan pa," anang Daddy niya. Mas lalo lang siyang naguluhan. Bakit biglaan naman yata ang pagkakaroon niya ng bodyguard? Ano bang nangyayari sa Daddy niya?
"Dad, hindi na po ako bata. Hindi ko kailangan ng bodyguard!" sabi niya pero umiling lang ang Daddy niya.
"Penny, come on. Mali-late na tayo. Hindi ito ang tamang panahon para magtalo. Pinoprotektahan lamang kita."
"Pinoprotektahan? Eh mas mukha pa ngang hindi mapagkakatiwalaan 'yang taong kinuha ninyo," maktol niya sa ama.
"Grabe ka naman miss, sa guwapo kong 'to? Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? Huwag kang judgementalism diyan ah!" sabat ng lalaki.
Judgementalism? Saan naman nito napulot ang salitang iyon? Inirapan niya ito.
"Wag kang ganiyan, anak. Let's go, Rocky. Penny, come on!" untag sa kaniya ng Daddy niya. Napabuntong-hininga na lang siya at walang nagawa nang lumabas sila at nakasunod ang lalaki sa kanila.
Mukhang wala naman din mangyayari kung makikipagtalo siya. Kabisado niya pa naman ang Daddy niya. Kapag nagdesisyon ito ay hindi mo na puwedeng kontrahin. Nakakainis talaga!
"Penny doon ka na sa tabi ni Rocky marami akong bitbit eh," anang Daddy niya nang nasa tapat na sila ng kotse.
"Ha? Ayokong tumabi sa kaniya Dad!" pagkontra niya pero binantaan siya ng tingin ng Daddy niya kaya napilitan siyang sumunod.
"Alam mo maganda yung pangalan mo kung may S pa sa dulo," nakangising sabi ng lalaki sa mahinang boses matapos siyang tumabi dito.
Hindi niya agad napagtanto kung ano ang ibig nitong sabihin. Huli na nang marealize niya iyon. Nanlaki ang mga mata niya.
Penny-(s)
"Bastos!" singhal niya sa lalaki. Nakita niyang ngumisi lang ito.
"Penny what the hell are you doing?" suway sa kaniya ng Daddy niya nang makita nitong hinampas niya yung lalaki.
"Dad, ang bastos niya kasi!" sabi niya pero hindi naniwala ang Daddy niya. Bakit ba mas pinapanigan nito ang lalaking ito?
"Wala naman siyang ginagawa sayo. Ano ka ba naman? Huwag kang gumawa ng eskandalo dahil lang ayaw mo ang utos ko."
Naging strikto ang tinig nito kaya natahimik siya.
Nilingon niya ang walanghiyang lalaki at nakangisi lang ito habang nagmamaneho. Sumasabay pa ito sa rock na music sa radio.
Nakakairita talaga! Pang-adik pati ang tugtugan.
Nang nasa school na sila ay huminto na ang kotse. Bumaba na sila at pati na rin yung walanghiyang lalaki.
"Don't tell me hanggang dito sa school kailangan ay nakasunod ka sakin?" mataray na tanong niya sa lalaki.
"Tama, iyan ang utos ng Daddy mo eh. Ang galing mo!" sagot ng lalaki at nakipag-up-here pa sa kaniya pero inirapan niya lang ito.
Napahiyang ibinaba nito ang kamay."Rocky, ikaw na ang bahala kay Penny," rinig niyang sabi ng Daddy niya sa lalaki. Napaikot na lang ang mga mata niya sa inis. Hindi siya makapagreklamo.
Nagmartsa na lang siya papunta sa classroom niya at parang may aso namang nakabuntot sa kaniya.
Pinagtitinginan sila ng mga nadadaanan nila. Pakaway-kaway yung lalaki sa gilid niya.
"Hi fans!" sabi nito sa mga nadadaanan nila. Napasimangot siya.
Fans? Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking ito.
Mukhang malakas ang taglay na hangin nito sa katawan. Siya na yata ang pinakamalas na tao ngayon dahil sa ginawa ng Daddy niya. Hay! Bakit ba ito nangyayari sa kaniya?
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...