CHAPTER 55

155 3 0
                                    

Walang kaalam-alam si Rocky na pagkatapos niyang puntahan ang nga kasamahan niya upang sabihin sa mga ito na alam na ng pamilya ni Penny ang lahat, ay posas pala ang siyang sasalubong sa kaniya sa mismong eskwelahan kung saan siya nagbabantay kay Penny.

"Rocky Yzmael Aragon, inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Rust Crisostomo..."

Tila nagblangko ang kaniyang isipan matapos siyang damputin ng mga pulis pagkababa niya ng sasakyan. Gulat na gulat siya lalo pa nang makita niya si Penny na kasama ng mga pulis at matalim ang tingin sa kaniya. Hindi niya malabanan ang tingin nito na puno ng galit.

Nilapitan siya nito. Lumuluha ang mga mata at tila muhing-muhi sa kaniya.

"P-penny, I can explain. Hayaan mo akong magpaliwanag—"

"Alam ko na ang lahat Rocky!" putol nito sa sinasabi niya. Dumapo ang palad nito sa pisngi niya. Mariin siyang napapikit. Tila namanhid ang pisngi niya sa sampal nito.

"Matagal mo na kaming niloloko. Paano mo nagawa samin ito? Sa kabila ng kabutihan namin sayo? Nasaan ang mga kasama mo? Nasaan sila?! Magbabayad kayong lahat!" galit na wika nito sa kaniya. Malinaw na alam na ni Penny ang lahat, kung saan at paano ay hindi niya alam. Ang tanging nasa isip lang niya ngayon ay malinis ang pangalan niya dahil wala naman talaga siyang kinalaman sa nangyari. Pero paano pa kaya siya paniniwaalan ni Penny kung ngayon pa lang ay galit na galit na ito sa kaniya?

"Love I'm sorry—"

"Sorry? Ang tagal mo akong niloko! Mamamatay tao ka at kinamumuhian kita!"

Galit na galit si Penny sa kaniya. Tila nawala na lahat ng pagmamahal nito at sa isang iglap ay napalitan iyon ng galit. Naiintindihan niya naman ang pinagmumulan ng galit nito. Siguro kahit siya man ang nasa kalagayan nito ay ganoon din ang mararamdaman niya, pero gusto niya sanang magpaliwanag muna kaya lang ay hindi siya nito bibigyan ng pagkakataon. Sobra ang sama ng loob nito sa kaniya.

"Pinagmuka mo akong tanga Rocky! All this time kasama ko lang pala yung taong pumatay sa kapatid ko, and worst nagmahal pa ako ng kriminal. Ang sama sama mo!" umiiyak pa rin na sabi nito.

Mayamaya ay si Mr. Crisostomo naman ang humahangos na dumating.

"Walanghiya ka! Mamamatay tao ka! Paano mo nagawa samin ito Rocky?!" galit na wika nito. Pinigil ito ng mga pulis dahil akmang susugurin siya nito upang saktan.

"W-wala ho akong kinalaman sa nangyari..." lakas loob niyang sambit.

"Sinungaling! Matagal mo ng alam ito hindi ba? Bakit hindi ka man lang nagsalita o umamin kung talagang nakukunsensiya ka? Napakasama mo pinatay mo ang anak ko!"

Napalunok siya habang hawak hawak siya ng mga pulis at nakaposas. Napayuko na lamang siya. Marami na rin ang nag-uusyoso sa kanila roon. Pinag-uusapan na sila ng mga tao at laman na sila ng bulungan at chismisan. Tiningnan niya si Penny, sunod-sunod ang pag-iling nito habang umiiyak, mas nasasaktan siya na makita ito sa ganitong sitwasyon, kinamumuhian na siya nito. Alam niyang kahit ano pa ang sabihin niya ngayon ay hindi siya nito paniniwalaan.

"Sige na dalhin niyo na yan sa presinto!" utos ng ama ni Penny. Daling tumalima ang mga pulis at sinakay siya nito sa mobil. Isang beses pa niyang sinulyapan ang umiiyak na si Penny, niyakap ito ni Mr. Crisostomo.

Kung alam lang nito na gustong-gusto na niyang aminin ang lahat pero napangunahan siya ng takot dahil sa matinding pagmamahal niya dito. Ayaw niyang kamuhian siya nito kaya hindi niya maamin na kasamahan siya nila Jerson. Pero wala talaga siyang kinalaman sa riot na naganap noon, hindi siya ang pumatay sa kapatid nito kundi si Jerson. Hindi siya mamamatay tao. Maaaring marami siyang maling desisyon sa buhay niya pero hindi niya kaya ang kumitil ng buhay.

———

"Dalian niyo kailangan na nating umalis!" sigaw ni Jerson kina Uno at Leandro.

"Siguradong hinahanap na tayo ng mga pulis at madali nila tayong matutunton dito," dagdag pa nito.

"Saan tayo pupunta? Wala tayong ibang pupuntahan Jerson!" tarantang sambit ni Uno.

"Basta dalian niyo, magtutungo tayo sa Probinsya namin at doon na muna tayo magtatago," wika ni Jerson.

"Paano si Rocky?" tanong ni Leandro.

Natigilan ang dalawa.

"Iiwanan natin si Rocky? Kung tutuusin wala siyang kasalanan!" ani Leandro habang ang mga mata ay tila punong-puno ng kunsensiya.

"Leandro kung pupuntahan man natin si Rocky mahuhuli na tayo ng mga pulis. Wala ng oras pa. Iligtas na natin ang mga sarili natin," ani Jerson.

Walang nagawa ang dalawa kundi iimpake ang ilang mga gamit nito. Mabilis silang nagtungo sa sakayan ng bus na biyahe papuntang probinsya nila Jerson. Mabuti na lang at nakahabol pa sila.

"Jerson, tama ba itong ginagawa natin?" tanong ni Leandro. Tila hindi pa rin ito mapakali. Hindi rin mapakali si Uno, tila tuliro ang utak nito at hindi rin malaman ang gagawin.

"Wala tayong choice kundi ang tumakas. Kung gusto mong makulong maiwan ka," naiinis ng sabi ni Jerson.

"Ano ba kayong dalawa? Wag kayong ganyan, ipanalangin niyo na lang na nakatakas din si Rocky. Sigurado akong matapos niyang sabihin satin na alam na ng pamilya ni Penny ang lahat ay tumakas na rin siya," sabi ni Uno.

"Sana nga ay ganoon pero paano kung— paano kung hindi niya iyon ginawa?" tanong ni Leandro.

"Tanga siya kung hindi siya tatakas!" sagot ni Jerson.

"Ayokong magdusa sa kulungan, sa bahay ampunan nga pinilit kong makatas noon sa kulungan pa kaya? Ayokong makulong!" sabi pa nito. Hindi na kumibo ang dalawa matapos marinig ang sinabi nito.

Ilang oras ang naging biyahe nila matapos makauwi sa probinsiya nila Jerson. Tumuloy sila sa tiyuhin nito na pinatuloy naman sila agad, mukhang wala itong alam na wanted sila. Mabuti na lang at walang tv sa bahay nito. Tiyak naman kasi na nasa balita na sila at pinaghahahanap ng mga pulis. Mayaman ang pamilya nila Penny, hindi titigil ang mga ito hangga't hindi nakakamit ang hustisya. Baka nga may patong na sila sa ulo.

"Tiyo salamat sa pagpapatuloy niyo samin, mga ilang linggo lang naman ho kami dito saka hindi kami magiging pabigat dahil hahanap kami ng trabaho," sabi ni Jerson sa tiyuhin nito. Matanda na iyon at mukhang mahina na. Mukang nag iisa lang ito sa buhay at walang pamilya. Masaya kasi ito nang malaman na dinalaw ito ni Jerson.

"Wag niyong alalahanin iyon, bisita kayo dito at nagpapasalamat nga ako na dinalaw mo ako Jerson. Bata ka pa nung huli tayong nagkita," nakangiting sabi nito. Puting puti na ang buhok nito.

"Salamat ho tiyo," sagot naman ni Jerson. May tatlong silid ang bahay ng tiyo nito at may itaas din ngunit gawa pa sa kahoy. Luma na ang bahay pero malinis naman at masinop sa mga gamit. Payak ang pamumuhay at tahimik, malayo sa siyudad na magulo at wala man lang sariwang hangin. Inilagay na nila ang mga gamit sa loob. Walang kaalam-alam ang mga ito na si Rocky ay nasa kamay na ng mga pulis at nagdudusa sa kasalanan na hindi naman nito ginawa.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon