CHAPTER 57

180 6 0
                                    

Sa probinsiya nila Jerson ay tahimik at malayang nakakalabas sina Uno at Leandro. Pero isang araw ay hindi akalain ng mga ito na mapapanood nila sa TV ang balita tungkol sa kaso nila. Napadaan sila sa kapitbahay at sakto naman na balita ang palabas sa TV. Ayon sa laman ng balita ay hinahanap pa rin sila ng mga pulis. May patong sila sa ulo, dalawang milyon sa kung sino man ang makakapagsabi at makakapagturo kung nasaan sila. Wala si Jerson at hindi nila kasama ngayon dahil sinamahan nito ang tiyo nito na manguha ng mga kahoy sa gubat. Silang dalawa naman ay sumide-line muna sa construction at pauwi na sila nang mapanood ang balita. Kinakabahang nagkatinginan ang dalawa.

"Dalawang milyon ang patong natin sa ulo, siguradong hindi rin tayo tatayo ng patag sa lugar na ito. Anong gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Leandro matapos mapanood ang balita sa TV. Bahagya nitong itinago ang mukha sa kapitbahay na may-ari ng TV kung saan sila napadaan at nakapanood. Mukhang hindi naman sila alintana nito kaya hindi sila pinansin.

Mayamaya ay nakita nilang ipinakita si Rocky sa TV, nagulat sila nang makitang nakakulong na pala ito at hinihingan ng interview pero tumanggi ito. Nasa loob ito ng rehas, tila aburido doon.

"S-si Rocky... N-nakulong si Rocky?" utal-utal na tanong ni Uno dala ng pagkabigla. Hindi kasi nila inaasahan na makukulong ito dahil alam nilang wala talaga itong kinalaman sa lahat ng naganap noon.

"Bakit siya nakulong? Wala siyang kasalanan!" sabi ni Leandro. Bakas ang pag-aalala para sa kaibigan. Umalis nga sila at tumakas, nagtagumpay sila pero hindi naman nila kayang makita na si Rocky ang nagdudusa sa loob ng selda.

"Hindi niya maipagtatanggol ang sarili niya. Iniwanan natin siya. Nagdudusa siya sa kasalanang kung tutuusin ay wala talaga siyang kinalaman. Tang ina!" nakukunsensiyang sabi ni Uno habang iiling-iling. Napasapo pa ito sa sariling noo.

"Paano? Anong gagawin natin? Nakukunsensiya na ako, Uno!" sabi ni Leandro.

Lumayo muna sila sa kapitbahay at naglakad pauwi saka muling nag-usap habang daan.

"Ano kaya kung sumuko na lang tayo? Baka sakaling bumaba ang sintensya sa atin kung..." Naputol bigla ang sasabihin ni Leandro at napatitig kay Uno.

"K-kung susuko tayo... At... At— ituturo natin si Jerson dahil siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat," hirap na sabi ni Leandro.

"Ano? Nababaliw ka na ba? Gusto mong ipahuli natin si Jerson?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Uno.

"Uno, iyon lang ang tamang magagawa natin dahil siya naman talaga ang nakapatay kay Rust. Oo may kasalanan din tayo dahil nandoon din tayo noong naganap ang riot, pero hindi tayo nakapatay!" mahabang litanya nito. Tiningnan ni Uno si Leandro. Tila iniisip ang lahat ng sinabi nito. Isang bahagi ng utak nito ang sumasang-ayon na sa sinabi ni Leandro.

"P-paano? Tatakas na ba tayo?" tanong nito. Nahihirapan din itong magdesisyon. Kung tatakas sila parang si Jerson naman ang tinraydor nila.

Tumango si Leandro.

"Hindi ko kayang makita si Rocky na nagdudusang mag-isa sa kulungan. Wala siyang kasalanan, ni wala nga siya noong naganap ang riot eh. Bakit kaya nadamay siya? Sinong nagturo sa kaniya?" naguguluhang tanong ni Leandro.

"Siguradong isa sa black dragon na galit kay Rocky ang nagturo para madamay din siya. Kawawa si Rocky, nasira na nga ang buhay pag-ibig niya tapos madadamay pa siya sa kaso na ito. Siguradong hindi sila maayos ni Penny ngayon," iiling-iling na sabi ni Uno.

Naalala nilang dalawa lahat ng kabutihan ni Rocky, lahat ng pangaral nito sa kanila. Wala itong hinangad sa kanilang lahat kundi ang mapabuti sila, kung tutuusin ay ayaw na nga nito ng gulo, si Jerson lang ang madalas napapaaway at damay-damay na sila sa huli dahil tinutulungan nila ito, madalas talagang masangkot si Jerson sa gulo dahil may kayabangan ito, si Rocky matagal na nitong gustong tapusin ang away fraternity, ayaw  na nito ng gulo, binigyan din sila nito ng trabaho sa business nito dahil kailangan nila ng income noong napatalsik sila sa trabaho, sa lahat ng pangarap ni Rocky ay palagi sila nitong isinasama. Napagtanto nila kung gaano talaga ito kabait sa kanila. Nakukunsensiya sila dahil nalaman nilang nakakulong pala ito. Inako ba nito ang kasalanang para sa kanila? O sila ang nagpahamak dito?

Nang makauwi sila sa bahay at nakitang wala pa si Jerson saka ang tiyo nito ay nagmamadali nilang kinuha ang mga gamit nila. Buo na ang desisyon nila, tatakas sila at susuko sila sa mga pulis.

————

Pagkauwing pagkauwi ni Jerson ay madilim na. Agad itong nagtaka dahil wala pa sina Uno at Leandro. Halos dalawang araw pa lang sila dito sa probinsya. Nasa construction ang dalawa at doon muna nagtrabaho habang siya naman ay tumutulong sa tiyo niya na mangahoy sa bukid at gubat. Alam niyang hindi habangbuhay ay makakapagtago sila dito. Pansamantala lang naman ang lahat kung bakit sila nandito.

"Bakit kaya wala pa ang dalawa? Gabi na ah," bulong niya sa sarili. Narinig pala iyon ng tiyo niya.

"Baka naman napatagay na naman sa kanto," sagot nito sa kaniya. Noong isang gabi kasi ay nakipag inuman ang dalawa sa mga kapitbahay nila dito na nakilala na ng mga ito.

"Pasaway talaga ang dalawang iyon, mamaya may makakilala sa kanila eh," mahinang sagot niya.

"Ano kamo? Anong makakilala, may pinagtataguan ba kayo?"

Bigla siyang natigagal sa tanong ng tiyo niya.

"H-ho? Wala tiyo, ang ibig kong sabihin baka mamaya ho ay mapaaway pa sila dahil bago lang kami dito tapos kung sino-sino na ang nakakasalamuha nila," pagpapalusot niya.

"Hayaan mo na, mababait naman ang mga kapitbahay natin dito, hindi mapapahamak ang dalawang iyon," sagot ng tiyo niya. Namahinga muna siya sa upuan habang hinihintay ang dalawa, ngunit sumapit ang ilang oras ay hindi pa rin bumabalik ang mga ito. Nauna na nga rin silang kumain ng tiyo niya at hindi na nila nahintay ang mga ito.

"Putcha! Alas onse na wala pa rin ang dalawa, naabutan na siguro ng kalasingan ang mga iyon doon sa pinag-inuman nila. Bahala nga sila inaantok na ako, matutulog na ako!" naiinis niyang wika sa sarili. Hindi naman siya kinakabahan na baka umalis ang mga ito at iniwanan na siya. Alam niyang hindi iyon magagawa nila Uno sa kaniya, kung susuko man ito ay parang isinuko na din ng mga ito ang sarili sa mga pulis, alam niyang katulad niya ay ayaw ng mga ito na mabulok sa kulungan. Kaya kampante siya na nasa tabi-tabi lang ang dalawa at baka inabutan ng kalasingan. Pasaway din kasi talaga ang dalawang iyon. Minabuti niyang matulog na at kinabukasan ay tiyak na nandito na rin ang dalawa.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon