CHAPTER 54

146 4 0
                                    

Hindi hinatid ni Rocky si Penny ngayong araw. Nagpaalam ito sa kaniya na may kailangan itong asikasuhin sa pwesto. Pumayag naman siya dito dahil mukhang seryoso nga ang mukha ni Rocky, isa pa ay mamayang hapon masusundo na rin naman siya nito. Ngayong umaga lang talaga siya hindi maihahatid ni Rocky at naiintindihan naman niya ito.

Tahimik tuloy siya sa classroom. Hinahanap ng mga mata niya si Rocky, saglit pa lang silang hindi magkasama ay nami-miss na niya ito agad. Sinulyapan niya ang upuan sa back row na madalas nitong pwestuhan. Napabuntonghininga siya dahil walang Rocky na nang aasar sa kaniya ngayon.
Pinilit niyang mag-focus sa pagtuturo hanggang sa sumapit ang recess. Wala siyang Rocky na kasabay magmiryenda ngayon sa canteen. "Nakaka-miss naman ang kolokoy na iyon," bulong niya sa sarili. Habang nagmimiryenda siyang mag-isa ay may isang lalaki na huminto sa table niya. Nag-angat siya ng tingin dito at kumunot ang noo.

"Ma'am Penelope?" banggit nito sa pangalan niya.

"Y-yes?" medyo naguguluhan pa niyang tugon sa lalaki. Nakasuot ito ng uniporme kaya alam niyang estudyante ito rito. Pero bakit siya nito tinawag?  Nagtataka tuloy siya.

Napansin niyang inilinga-linga nito ang paningin kaya mas lalong kumunot ang noo niya. Para kasing may hinahanap ito.

"Do you need anything?" tanong niya dito.

"Ahm— wala ho yung lalaking palagi niyong kasama? Si Rocky?"
Mas lalo siyang nagtaka dahil kilala nito si Rocky. Hindi niya kilala ang binatilyong ito pero sa tantya niya ay nasa grade 10 na ito.

"Teka, bakit mo kilala si Rocky?"

Humila muna ng upuan ang lalaki.

"Pwede ho bang maupo, ma'am?"

"S-sure," sagot niya kahit medyo naguguluhan pa rin.

"Ahm ako ho si Steven. Estudyante ho ako rito, grade 10," pagpapakilala nito sa kaniya.

"Bakit mo ako kinakausap? Bakit mo kilaka si Rocky?" aniya rito. Bahagya itong natigilan. Parang bigla ay nagdadalawang isip na ito kung magsasalita ba.

"Ahm, Ma'am Penelope matagal na ho kasi akong nagtataka kung bakit kasama ninyo ang taong iyon..."

Nagbaba ito ng tingin. Siya naman ay naguguluhan pa rin. Ano ba ang ibig nitong sabihin?

"What do you mean? Sinong kasama ang tinutukoy mo, si Rocky ba? He's my bodyguard."

Napalunok ang binatilyo. Ang dalawang kamay nito ay nakapatong sa lamesa at tila di mapakali.

"Iyon nga ho ang alam ko eh. Bodyguard mo si Rocky Yzmael Aragon, maaari ngang mas higit pa doon dahil napapansin kong tila may namamagitan na sa inyong dalawa. Paano pong nangyari iyon? Hindi niyo ho ba siya kilala? Wala ho ba kayong alam?"

Kinabahan na siya sa tono ng pananalita nito. Parang may nais itong sabihin na hindi niya magugustuhan. Ano ba talaga ang gusto nitong iparating sa kaniya?

"A-ang alin? Ano ang hindi ko alam?"

"Ma'am Penelope, miyembro si Rocky Yzmael Aragon ng Dark Empire, sila ang pumatay sa kapatid mo."

Tila siya binuhusan ng malamig na tubig matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Hindi niya ito kilala pero seryosong-seryoso ang mga mata nito. Ayaw niyang maniwala, paanong nangyari na miyembro si Rocky ng kapatirang iyon? Hindi magagawang magsinungaling ni Rocky sa kaniya.

"A-ano? Hindi totoo yan bakit mo sinasabi sa akin yan? Saka hindi kita kilala, paano naman ako maniniwala sayo?" Pinilit niyang itanggi na hindi iyon magagawa ni Rocky sa kaniya.
Kahit mukang wala namang dahilan para magsinungaling sa kaniya ang binatilyong ito ay umaasa siya na hindi totoo lahat ng narinig niya.

"Kapatid ho ako ni Spade, miyembro ang Kuya ko ng Black Dragon at kasamahan niya ang kapatid mong si Rust na matagal na ninyong gustong mabigyan ng hustisya. Alam ko ang lahat ngunit natatakot akong sabihin dahil baka madamay ako sa gulo. Kayang-kaya nila pumatay tulad ng ginawa nila sa kapatid mo!"

Pumatak ang luha sa mga mata niya. Nanginig ang kalamnan niya.

"B-bakit ngayon mo lang sinabi ito?"

"D-dahil napangunahan ako ng takot, Ma'am. Pero hindi ko na talaga masikmura na araw-araw ko kayong nakikita ni Rocky na magkasama, habang wala kang kaalam-alam na sila ang pumatay sa kapatid mo."

Sunod-sunod ang naging pag-iling niya.

"H-hindi... Hindi..."

Umiling-iling siya. Hindi niya kayang tanggapin na ginagago siya ni Rocky. Sa tagal ng panahon na magkasama silang dalawa hindi niya akalain na mamamatay tao pala ang lalaking kasama niya. Paano nito nagawa sa kaniya ito? Alam nitong matagal na nilang gustong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid niya. Niloko siya nito at pinaglaruan!

"Aalis na ho ako, Ma'am. Iyon lang ho ang gusto kong sabihin. Hindi ko na kasi talaga kayang kimkimin lahat ng nalalaman ko."

Tumayo na ang lalaki at iniwanan siya nito. Mangilan ngilan pa lang ang tao sa canteen at hindi naman ganoon kalakas ang pag-uusap nila. Samut saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Nagagalit siya at namumuhi kay Rocky. Nasasaktan din siya dahil minahal niya ito. Hindi niya matanggap na magagawa ito ni Rocky sa kaniya.
Kailangan niyang ibigay sa Kuya Rust niya ang hustisya. Magbabayad ang mga ito, pati na si Rocky. Niloko siya nito at pinagmukang tanga!

Umalis na rin siya sa loob ng canteen, maya-maya lang ay nakatanggap siya ng text sa kaniyang ama.
Binasa niya iyon.

Dad: Stay away from Rocky. He killed your brother!

Mariin siyang napapikit. Alam na rin ng Daddy niya? Ngayon lang din ba nito na nalaman na sangkot pala si Rocky? Kung gayon ay totoo pala ang lahat? Totoo ang lahat ng sinabi ng lalaki sa kaniya kanina. Nanginginig ang mga tuhod niya. Nanghihina siya. Bakit kailangang mangyari sa kaniya ito? Ano bang kasalanan niya?

Masakit man ang lahat pero kailangan niya itong gawin.
Mabilis siyang nag-dial sa kaniyang cellphone. Tumawag siya sa mga pulis. Mamaya ay susunduin siya ni Rocky, ipapadampot na niya ito.
Parang pinipira-piraso ang puso niya. Ang sakit-sakit. Pinagmuka siyang tanga ni Rocky, pinakisamahan niya ito at minahal ng totoo, minahal din ito ng pamilya niya at binigyan ng maayos na trabaho ngunit nagpatira pala sila ng kriminal sa bahay nila. Ang tagal na nilang gustong mahuli ang taong sangkot sa pagkamatay ng kapatid niya iyon pala ay matagal na nila itong kasama. Naalala niya ang mga sandaling magkasama silang dalawa. Paano nito nagagawang humarap sa kaniya na parang wala lang? Pati ba ang pagmamahal na ipinakita nito sa kaniya ay pawang kasinungalingan lamang? Umagos ang luha sa mga mata niya. Ginamit lang siya nito at siya naman ay tanga na nagpaloko.

4 pm pa siya masusundo ni Rocky. Wala itong kaalam-alam na tapos na ang lahat ng palabas nito. Lahat ng mga taong kasama nito na sangkot sa pagkamatay ng kapatid niya ay magdudusa. Pinahid niya ang luha sa mga mata at pilit na kinalma ang sarili. Kailangan niyang labanan ang sakit.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon