9 AM na nang magising si Penny kinabukasan. Napasarap yata ang tulog niya. Ngayon lang niya naranasan muli ang kapanatagan, kadalasan kasi ay palagi siyang stress lalo na sa trabaho niya bilang guro. Bukod pa doon, nagkaka-anxiety na rin siya dati dahil sa looks niya. Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili niya sa ibang tao kung bakit ganito siya.
Nagtimpla siya ng gatas, nakasuot siya ng floral na bestida, kahit mataba siya ay bagay naman iyon sa kaniya. Lumabas siya upang hanapin ang Mommy at Daddy niya.
"Goodmorning anak!" Nakita niya agad ang Mommy niya na nakaupo at nagpapahinga. Ang Daddy niya naman ay may inaayos na mahabang panungkit. Nasa gilid nito si Tatay Diego at tinutulungan ang ama niya sa ginagawa nito.
"Morning Mom and Dad. Ano po yang ginagawa niyo?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang ginagawa ng Daddy niya.
"Gumagawa kami ng panungkit, anak. Ang daming bunga ng mga indian mango sa likod. May mga sinigwelas din." Umawang ang labi niya matapos marinig ang sinabi nito.
"Talaga, Dad?" Tila na-excite siya dahil doon. Mahilig pa naman siya sa mangga. Alam niyang may mga puno sila sa likod pero hindi niya napansin na marami palang bunga ang indian mango doon saka sinigwelas.
"Yes, hija. Sumama ka sa amin mamaya para makita mo," saad ng Daddy niya. Mabilis naman siyang napatango dito. Kahit hindi siya nito ayain ay talagang sasama siya dito. Gusto kasi niyang makita ang mga bunga niyon.
Humigop siya ng gatas sa tasa at inilinga ang paningin. Hindi pa niya nakikita si Rocky kaya naman hinahanap ito ng mga mata niya ngayon. Mayamaya ay natanaw niya ito na naglalakad sa dalampasigan. Agad na nagliwanag ang mukha niya pagkakita sa binata ngunit nawala iyon nang makita niyang may kasama ito na naglalakad, si Almira. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya nang makita ang dalawa na magkasama, although hindi naman masyadong magkalapit ang mga ito at naglalakad lang. Pero pansin niyang nag-uusap ang mga ito dahil kitang-kita niya ang mga ngiti ni Rocky.
Bakit parang may kumikirot sa puso niya?
Iniwas niya ang tingin at nawalan ng gana sa iniinom niyang gatas. Tumalikod siya at tumahimik. Itinuon na lang niya ang mga mata sa kung ano man ang ginagawa ng Daddy niya at ni Tatay Diego.
Ilang sandali pa ay naramdaman niyang naroon na sila Rocky. Naririnig na niya ang boses nito. Hindi niya ito nililingon.
"Saan ba kayo galing na dalawa?" rinig niyang tanong ni Tatay Diego. Alam niyang sila Rocky na ang kausap nito.
"Naglakad-lakad lang ho kami ni Rocky sa tabi tabi, Lo. Pinakita ko sa kaniya kung gaano pa kaganda ang ilang mga tanawin dito," sagot ni Almira.
"Mabait ho pala itong si Almira at tama ho siya. Ang ganda talaga dito sa lugar na ito," sagot ni Rocky. Gusto niyang umirap sa hangin pero pinigilan niya. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis. Nang hindi na niya makayanan ang inis ay tumayo siya sa upuan at walang imik na pumasok sa loob ng bahay. Hindi niya man lang sinulyapan si Rocky kahit isang sulyap pero ramdam niyang nakuha niya ang atensyon nito nang mag walk-walk out siya.
———
Naningkit ang mga mata ni Rocky nang bitbitin niya ang panungkit na ginawa ni Tatay Diego at ng ama ni Penny. Mangunguha daw sila ng mga prutas sa likod. Tinawag si Penny ng Daddy nito kaya muli itong lumabas matapos na bigla-bigla na lang magwalk-out kanina. Nagtataka siya dahil parang iniiwasan siya nito. Ni ayaw siya nitong tingnan. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Ang saya-saya pa nilang dalawa kagabi. Galit ba ito sa kaniya? May nagawa ba siyang mali?
Ramdam na ramdam niya na tila may mali kaya naman nagpatihuli siyang maglakad para masabayan niya ito."Penny..." tawag niya sa pangalan nito pero hindi siya nito tiningnan. Parang wala lang itong narinig. Huminto siya sa paglalakad at hinarangan ang dadaanan nito.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomantikPenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...