"Grabe nakakapagod!"
Napangiti lang si Rocky habang tinitingnan si Penny na kabababa lang ng sasakyan at nag-iinat pa. Kakauwi lang nila. Medyo tumagal ang byahe dahil traffic sa dinaanan nila kanina.
Binitbit niya ang mga gamit saka ang mga prutas na inuwi nila patungo sa loob ng bahay.
"Kumuha ka rin niyan Rocky ha? Masyadong madami yan at hindi naman namin kayang ubusin," wika ni Mr. Crisostomo.
"Oo nga Rocky, mag-uwi ka sa kabilang bahay, pwede mo namang i-ref ang mga iyan upang hindi agad masira," sabi rin ng Mommy ni Penny. Ngumiti siya sa mga ito at tumango.
"Sige ho, salamat."
Mababait talaga ang mga magulang ni Penny. Hindi na siya nagtataka kung bakit tumatagal ang mga nagiging kasambahay ng mga ito.
"Penny, magpahinga ka na dahil bukas ay papasok na naman tayo," rinig niyang sabi ni Mr. Crisostomo sa anak.
"Opo Dad, pamaya-maya. Makikipagkwentuhan po muna ako kay Rocky," sagot nito at tumingin sa kaniya saka ngumiti. Ngumiti din siya dito.
"O siya sige," walang pagtutol na sabi ng ama nito saka pumasok na sa loob ng bahay. Nang maipasok niya ang ilang mga gamit nila Penny ay naiwan silang dalawa sa biranda.
"Napagod ka ba sa biyahe?" tanong ni Penny sa kaniya.
"Hindi naman masyado," nakahalukipkip niyang saad.
"Tara sa bahay mo," biro ni Penny sa kaniya. Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi nito. Hindi naman kasi niya totoong bahay iyon at kila Penny iyon. Nakikitira lang siya. Ang laki nga ng bahay at para siyang senyorito doon kahit malayo iyon sa totoong estado ng buhay niya.
"Sasamahan mo ako?" tanong niya.
"Oo, kaya nga kita niyayaya di ba?"
Ngumiti siya at lumingon sa likod nito. Nang matantiya niyang wala ng tao ay siya na mismo ang humila sa kamay ni Penny. Nagtungo silang dalawa sa kabilang bahay. Binukas niya agad ang ikaw pagkapasok nila sa loob."Nalungkot siguro itong bahay ng kapatid mo, kasi nawala ng ilang araw yung gwapong nakikitira dito," biro niya. Natawa si Penny.
"Puro ka talaga kalokohan," anito sa kaniya.
"Nagugutom ka ba?" tanong niya dito.
"Hindi pa naman. Nood kaya tayong movie?" suhestiyon nito. Mukhang maganda nga ang naisip nitong gawin.
"Sige. Ano ba ang mga hilig mong panoorin?" Siya kasi ay mas hilig niya ang mga action movies, or di kaya ay yung mga suspense/horror.
"Gusto ko romance," saad nito.
"Kayo talagang mga babae. Kaya kayo madrama eh, dahil ang hilig niyong manood ng mga ganyan." Ngumuso si Penny. "Nagtatanong ka eh, sinagot ko lang naman."
Nagtingin siya ng mapapanood na movie pero nagpilit si Penny na Titanic na lang ang panoorin nila dahil hindi daw nito natapos ang movie na iyon.
Wala na siyang nagawa. Hindi naman siya mananalo sa babaeng ito. Kahit na labag sa kalooban niya ay pumayag na rin siya. Maganda naman daw ang movie na iyon ayon sa karamihan.Nang maisalang ang pelikula ay naupo sila ni Penny sa malaking couch at magkatabing nanood doon. May hawak itong throwpillow sa kandungan habang siya naman ay nakasandal lang sa couch. Titig na titig si Penny sa malaking screen ng TV, natatawa tuloy siya habang pinagmamasdan ito. Hindi nila namalayan ang pagbuhos ng ulan. Napatingin lang sila sa bintana at narealize na umuulan pala.
Hindi na niya makausap si Penny lalo na nang nasa kalagitnaan na ang pinapanood nila. Tutok na tutok ito doon. Siya naman ay bored na bored sa isang gilid. Mas mabuti pa talaga kung action na lang ang pinanood nila eh.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)
RomancePenny's dream is simple; it is to live a quiet and peaceful life. Until her father hires Rocky Yzmael Aragon to be her bodyguard. When her brother was killed in a riot, her father was traumatized which is why he hired a bodyguard for her. She was ir...