CHAPTER 30

184 6 0
                                    

Malakas ang dagundong ng dibdib ni Penny dahil sa sobrang kaba lalo na nang huminto na ang sasakyan nila sa parking ng eskwelahan.

Natatanaw na niya agad ang marami at iba't ibang kulay ng ilaw sa gym ng school. Napakaganda rin ng pagkakaayos lalo na ng stage. Talagang pinaghandaan ang selebrasyon ngayong gabi. Abot ang hugot niya ng malalalim na buntonghininga habang nakaupo sa loob ng sasakyan at hindi pa rin bumababa.

"Penny, ready ka na ba? Medyo marami ng tao," bulong ni Rocky kaya mas lalo lang siyang kinabahan.

"Kinakabahan ako Rocky. Umuwi na lang kaya tayo? Wag na tayong tumuloy," nag-aalangan niyang sagot. Nakita niyang kumunot ang noo ni Rocky mula sa salamin ng sasakyan.

"Ano? Bakit hindi ka tutuloy? Nandito na tayo Penny," sabi nito sa kanya. Parang chill na chill lang ang mokong habang nguya ng nguya ng chewing gum.

"A-ang daming tao. Nahihiya ako. Siguradong pagtatawanan lang nila ako."

"Hindi nila gagawin iyon Penny. Maganda ka kaya halika na. Ihahatid na kita hanggang doon sa table niyo,"

"Hindi ka ba natatakot na pati ikaw ay pagtinginan nila dahil kasama mo ako?"

Nagtataka kasi siya kay Rocky. Parang hindi man lang ito nababahala sa magiging tingin ng tao dito kapag nakita itong kasama na naman siya.

"Bakit ako mahihiya? Wala naman akong dapat ikahiya eh. Mas lalo na ngayon. Taas noo akong lalakad kung ikaw naman ang kasama ko."

Parang may humaplos sa puso niya dahil sa tinuran ni Rocky. Bakit ba nakakaramdam siya ng kilig sa sinabi nito?

Nakita niyang bumaba na si Rocky sa sasakyan. Umikot na rin ito upang pagbuksan siya ng pintuan. Wala na talaga siyang nagawa dahil pinilit siya nitong bumaba. Kahit hiyang-hiya siya ay sumama na rin siya kay Rocky. Walang pag-aalinlangan na inabot niya dito ang kamay niya nang ilahad nito ang palad sa harapan niya.

"Let's go my queen," nangingiting saad nito. Feel niya ay nangamatis ang mukha niya dahil sa sinabi ni Rocky.

Napalunok siya nang dahan-dahan na silang naglakad sa loob. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa gown niya dahil medyo may kahabaan iyon. Inalalayan siya ni Rocky.
Ganoon pa rin kabilis ang pintig ng puso niya dahil sa matinding kaba. Nang nasa loob na sila ay pinagtitinginan na talaga sila ng mga tao. Parang ayaw niyang tumingin sa mga ito. Nakikita niya kasi na natatawa ang reaksyon ng mga ito.

"Huwag mo silang pansinin. Mas maganda ka sa kanila," rinig niyang bulong ni Rocky. Kahit papaano ay nababawasan ang kaba niya sa tuwing nagsasalita si Rocky. May mangilan-ngilan na nagbubulungan habang nakatingin sa kanila ni Rocky.

"Ang ganda na sana kaso lumba pa rin naman ang katawan."

"Oo nga, napabayaan yata sa kusina ni Sir Crisostomo eh!"

"Ang lakas ng loob niyang umattend pa sa PROM."

Parang gusto niyang kainin na lang siya ng lupa dahil sa mga bulungan na naririnig niya. Nakita niyang masama ang tingin na ipinukol ni Rocky sa mga taong iyon. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

Nang maihatid siya ni Rocky sa table niya ay nagbilin ito sa kaniya.

"Tawagan mo lang ako sa number ko kung may kailangan ka," bulong nito bago siya iniwanan doon.

Tahimik lang siya sa table nya at halos nakayuko na lang habang nagsisimula na ang prom. Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niya agad ang pamilyar na bulto ng tao na nakatayo di kalayuan sa kinaroroonan niya. Si Zyron. May kausap itong mga kapwa nila guro.
Umingay ang paligid nang magsimula na ang sayawan. Kanya-kanya nang lapit ang ibang kalalakihan sa mga babaeng nais na isayaw ng mga ito. Sa sobrang laki ng gym at dami ng tao doon ay hindi niya inaasahan na magtatama ang paningin nila ni Zyron. Ngumiti ito sa kaniya at kumaway kaya naman napangiti din siya dito. Ang gwapo nito sa kasuotan nito ngayon. Naririnig nga niya ang ilang mga kababaihan na nagnanais maisayaw nito ngayong gabi. Sino ba namang hindi? Parang isang prinsipe si Zyron dahil sa kakisigan nitong taglay. Halos lahat nga yata ng babae ay nag-aasam na maisayaw nito. Hindi na siya aasa at mangangarap pa katulad ng iba. Alam niyang imposible na mangyari iyon.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon