CHAPTER 10

243 6 1
                                    

May mga inuwi lang na papeles si Rocky sa bahay ni Mr. Crisostomo at pagkatapos ay babalik na rin siya agad sa eskwelahan para maghintay sa pag-uwi ng mga ito. Halos 20 minutes lang naman ang biyahe kaya sandali lang siya makakabalik doon.

Habang daan ay nakaramdam siya ng gutom kaya naman inihinto niya agad ang sasakyan nang tumapat iyon sa kalye nila sa Tondo. Natanaw kasi niya ang mga tuhog-tuhog na gustong-gusto niyang minimiryenda lagi noon. Ilang araw pa lang siyang hindi nakakauwi dito pero nasabik na agad siya sa mga ganitong klase ng pagkain.

Bumaba kaagad siya ng kotse matapos niya itong maiparada sa isang tabi. Gulat na gulat ang mga tambay nang makita siya ng mga ito na bumaba sa isang magarang sasakyan.

"Wow Rocky ikaw ba yan?" tanong ni Pipoy sa kaniya. Kilala niya ito dahil halos lahat naman yata sa lugar nila eh kakilala niya. Mapa-holdaper oh riding in tandem pa yan. Magulo sa kinalakihan niyang lugar pero ni minsan ay hindi naman niya nasikmura ang tumulad sa karamihang ginagawa ng mga tambay dito. Ang manlamang ng kapwa at magnakaw. Hindi niya kayang gawin ang bagay na iyon kahit na salat siya sa buhay.

Hinimas ni Pipoy ang kotse niya. Manghang-mangha ito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. Ang ibang mga kasama nito ay sinisipat din ang kotse na dala niya na para bang noon lang nakakita ang mga ito ng sasakyan.

"Grabe bigtime ka na ah! Ano bang raket mo? Sama mo naman kami diyan Rocky!" sabi ni Lino, isa sa mga kasama ni Pipoy.

Napailing lang siya sa mga ito.

"Hindi sakin yan, sa amo ko yan," sagot naman niya sa mga ito. Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha ng mga ito matapos marinig ang sinabi niya.

"Amo? Bakit saan ka na ba nagtatrabaho ngayon Rocky?" tanong ni Lino.

"May kumuha saking isang mayamang tao para maging bodyguard," sagot niya.

"Bodyguard? Aba ayos pala ah! Sino naman ang taong yan?" tanong pa ulit nito.

"Sus wag niyo ng alamin. Baka mamaya taluhin niyo pa eh. Mabait ang amo kong iyon," sabi niya sa mga ito at tumalikod para bumili ng fishball sa aleng nagtitinda na kakilala rin niya.

"Aling Lerma, pabili nga ng sampung pisong fishball," sabi niya dito at inabot ang bayad.

"Aba Rocky, ikaw ba ang may dala ng kotse na yan? Mayaman ka na pala?" usyoso rin sa kaniya ni Aling Lerma.

"Aling Lerma talaga oh. Hindi ho sakin yan. Sa amo ko yan. Nagkataon lang na nagugutom ako kaya napadaan ako dito satin. Isa pa namimi-miss ko na itong mga tuhog-tuhog dito," sabi niya.

"Ganoon ba? Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay madalang na kitang makita dito. May bagong trabaho ka na pala," anito sa kaniya.

"Oho, mabuti na nga lang at may mabuting loob na tumulong sa akin noong matanggal ako sa factory na pinagtatrabahuhan ko," sabi niya dito.

"Mainam naman kung ganoon," ani Aling Lerma sa kaniya.

"Uy Rocky ilibre mo naman kami. Aling Lerma kay Rocky niyo ito singilin ha?" singit ni Pipoy na bigla na lang tumuhog ng fishball.

"Ako rin!" sabi ni Lino.

"Teka ako rin kailangang makatikim ng libre ni Rocky," sabi pa ng isang kasama nito na si Yujin.

Napailing na lang siya sa mga ito.

"Pambihira, hanggang ngayon talaga ay mga buraot pa rin kayo!" sabi niya sa mga ito.

"Ito naman, minsan lang eh," ani Pipoy.

"Ano Rocky sa iyo ko ba sisingilin?" sabi ni Aling Lerma sa kaniya. Napipilitang napatango na lang siya dito.

"Sige ho Aling Lerma nang wala ng usapan sa mga unggoy na ito," sagot niya.

"Yun oh! Ang bait mo talaga Rocky," si Pipoy.

"Siyempre siguradong malaki ang sahod niyan dun sa amo niya dahil mayaman," sabi pa ni Lino.

"Manahimik na nga kayo riyan. Ang dami niyo pang dada eh. Kumain na lang kayo," sabi niya sa mga ito. Nanahimik naman ang mga ito at parang sabik na nagkainan ng fisball. Pambihira. Malamang na walang raket ang mga ito ngayon kaya nambuburaot na naman.

Naka-20 pesos na fishball siya at saka kikiam. Binayaran din niya yung mga kinain ng mga kasama niya.

"Alam niyo bakit hindi na lang kayo magbagong buhay? Hindi ba kayo nakukunsensiya minsan na yung kinakain niyo eh galing sa nakaw?" diretsang tanong niya sa mga ito.

"Alam mo Rocky hindi patas ang buhay. Kung hindi namin gagawin iyon mawawalan naman kami ng mga mahal sa buhay at mamamatay kami sa gutom," sabi ni Lino.

"Bakit hindi kayo maghanap ng marangal na trabaho?" tanong niya.

"Sa tingin mo ba ay hindi namin muna ginawa iyon? Anong magagawa namin eh hindi kami gusto ng mga tao dahil wala kaming pinag-aralan," si Pipoy.

"Kaya pagnanakaw ang ginawa ninyong solusyon? Panlalamang sa kapwa ganoon ba? Mali pa rin eh!" sabi niya. Sa totoo lang ay nalulungkot siya sa buhay na pinili ng mga ito pero wala rin siyang magawa.

"Ito lang ang tanging paraan na alam namin Rocky," sabi ni Yujin. Napailing na lang siya.

Maya-maya ay dumaan sila Uno, Jerson at Leandro.

"Uy mga tropa mo oh. Mukhang galing na naman sa riot," sabi ni Lino.

Si Uno, Jerson at Leandro ay kasama niya sa isang Fraternity . Dark Empire ang pangalan ng Fraternity nila. Si Jerson ang pinakamalapit sa kaniya. Marami silang miyembro nito. Sa tagal niyang nag-iisa sa buhay ay dito lang siya nakaramdam na mayroon siyang pamilya. Lahat sila ay sama-sama sa hamon ng buhay. Parehas sila ni Jerson na takas sa bahay-ampunan kaya ito ang pinaka-close niya sa lahat. Ito rin ang nagtatag ng Dark Empire. Ayaw kasi nila ni Jerson sa bahay-ampunan kaya tumakas sila. Masyado silang nasasakal doon.

"Uy Rocky!" tawag agad ni Jerson sa kaniya nang makita siya nito. May dalang malapad na tabla si Uno kaya nasisiguro niyang may bago na naman silang miyembro. Iyon kasi ang ginagawa sa mga bagong miyembro nila. Binibinyagan. Hazing ang tawag nila dito.

"Mukhang may bagong mga bata tayo ah?" sabi niya sa mga ito matapos makalapit sa kaniya. Nakipagdikit lang siya ng balikat sa mga ito.

"Oo eh. Siya nga pala ilang araw ka ng wala sa bahay mo ah? Saan ka ba nagsususuot?" tanong ni Jerson sa kaniya.

"Ang gara naman nitong kotse na ito. Wag mo sabihing sayo 'to, Rocky?" ani Leandro na agad napuna ang kotseng nakaparada sa gilid.

"May bagong raket lang. Pumasok ako bilang bodyguard eh. Sa amo ko iyang kotse na yan at hindi sa akin," sabi niya sa mga ito.

"Talaga? Aba! Ayos yan tutal umalis ka na doon sa bulok na factory na pinagtatrabahuhan mo before di ba?" si Uno.

"Oo nga eh. Kayo kamusta na?" tanong niya sa mga ito.

"Ayos lang kami Rocky. Sa isang araw birthday ko. Hindi ka pwedeng mawala ah?" ani Uno sa kaniya.
Napangiti lang siya dito.

"Oo naman ako pa ba?" aniya sa mga ito.

"So sino naman itong amo na sinasabi mo? Bigatin ba?" tanong ni Jerson.

"Bigatin par. Actually yung anak niya ang binabantayan ko eh—"

"Oh? Babae ba yan?" mabilis na tanong ni Uno.

"Oo pero wag ka ng umasa. Bukod sa manang eh masama pa ang ugali," sagot niya.

"Tangina! Akala ko pa naman chicks na!" kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Leandro.

"Di bale basta maganda ang sweldo pwede na," sabi naman ni Jerson.

"Oo kaya talagang pagtitiyagaan ko na," sagot niya. Maya-maya ay tumatawag na sa kaniya si Mr. Crisostomo. Gustuhin man niyang makipagkwentuhan pa sa mga tropa niya eh hindi na pwede. Mukhang nagmamadali na si Mr. Crisostomo.

"Mga par si boss na ito, paano sa susunod na lang ah? Sa isang araw kita-kita tayo sa birthday mo," sabi niya kay Uno. Tumango ang mga ito sa kaniya at ngumiti. Nakipag-dikit siya ng kamao sa mga ito bago sumakay sa sasakyan na dala niya. Sinisipat pa ng mga ito ng tingin ang kotse.

"Ingar par!" anang mga ito sa kaniya. Bumusina siya at tuluyan ng pinaandar ang sasakyan palayo.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon