“FUTURE TELLER”
I can see the future. And I just saw his death.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Nang makita ko ang vision ko sa panaginip, dali-daling akong nag-ayos para mapuntahan siya sa ospital.
Nakita ko ang isang tao, blurred ang lahat(as always). Lumabas siya mula sa kwarto at tumakbo palabas, hinahabol ang isang tao. Umabot sila sa may kalsada hanggang sa nasagasaan ang taong iyon.
Hindi ako pwedeng magkamali this time. Si Adam 'yun. Ang room number,kanya iyon. Ayo'ko nang manghinayang muli. Gusto kong ipakita na deserve ko ang kung ano mang kakayahan me'ron ako.
Nang makarating sa ospital,tinakbo ko papuntang kwarto ni Adam. Nakita ko siyang tinatanggal ang karayom sa dextrose niya.
"Adam!Ano bang ginagawa mo!Itigil mo na 'yan!"sigaw ko pero pinanlisikan niya lang ako ng mata.
"Pati ba naman ikaw Alice?Buong buhay ko nandito lang ako sa ospital. Nagsasawa na ako!"
"Makinig ka. Gagaling ka din okay?Magtiwala ka lang,"
May diabetes si Adam at nakuha niya iyon mula sa mga ninuno niya. Lumalala ang kanya kaya naman nagdesisyon ang mga magulang niya na dito nalang siya sa ospital.
Pagak siyang tumawa. "Gagaling?T*ngina. 'Wag mo na akong lokohin. Habang buhay ang sakit ko!"
"Adam–"
"Tabi!"sabi niya saka hinawi ako kaya halos matumba ako. Nakita ko siyang tumakbo ng mabilis.
Oh hindi...
Sumunod ako sa kanya. Nakikita ko siyang hinahawi ang bawat tao sa dinaraanan niya. Samantalang ako,panay "sorry" sa bawat matatamaan ko kakasunod ko sa kanya.
"Adam!"nakita ko siyang lumabas ng ospital kaya tumakbo ako para pigilan siya.
Sandali...ito ang nasa vision ko e. Kung ganon...
Parang nagslowmo ang paligid. Napalingon ako sa gilid at isang rumaragasang truck ang papunta sa akin. Lumingon si Adam at nakita ang pangyayari.
"Alicee!!"
Patuloy na tumulo ang luha ko. Sarili ko palang kamatayan ang nakita ko.
At masyado na akong huli para pigilan iyon.
-----
Kat's Note: thanks Alice and Adam for the names!Old rpw pwends ko sila hehe. Imy btw. Hoping to talk to you guys again mwah.
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
РазноеHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!