“AM I SANE?”
"Hello, welcome to the theater club!"
"Hi po ate, open pa po yung club registration?"tanong ko sa babaeng may malawak na ngiti. Tumango siya saka pinapasok ako. Humigpit ng kaunti ang pagkakahawak sa folder na tangan ko habang papasok sa theater.
Bumungad sa akin ang maingay at magulong teatro. Hindi ito ang club room nila, mayroon silang isa na tinatambayan nila kapag may ibang gumagamit ng theater. Pero most of the time, nandito sila para magensayo dahil nandito ang stage.
At ngayong araw, busy ang lahat dahil sa pagpasok ng mga bagong miyembro. Marami ang hindi mapakali sa upuan, may ilan na inaayos ang stage, may ilan ring nag-uusap habang nagaantay.
Naupo ako sa tabi saka tahimik silang pinagmasdan. Saka ko napagtantong hawak ko pa din ang folder at hindi ko pa nabibigay.
Ibibigay ko ba?
Hindi na dapat ako magdalawang isip. Nandito na ako e. Isa ito sa mga gusto kong gawin. Kaya ko to.
"Miss?"
"Po?"napaangat ang tingin ko sa babaeng tumawag sa akin mula sa tabi ko. Ngumiti siya nang napansin niyang tumingin ako.
"Maga-audition ka?"
Sandali, baka member na siya ng theater club, or worst, isa siya sa officer o baka—
"Kinakabahan ka,"
"Ha?O-opo,"pag-amin ko.
She chuckled. "Kaya mo yan. Wala kang dapat ikabahala kung alam mong ginawa mo ang best mo,"sabi niya saka kinuha ang folder sa kamay ko bago umalis. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang papunta siya sa mesa kung saan nagre-register ang mga maga-audition. Tapos binalingan niya ako ng tingin. Ngumiti siya at kumaway nang mapansing nakatangin pa rin ako saka tumingin muli sa kausap.
Patay. Ngayon maga-audition na talaga ako.
----------
Its been seven months since I auditioned in the theater club. And yes, natanggap ako. I played some roles and I was having fun doing all sort of stuff. Para sa akin, mas nag-igting lang yung passion ko for acting nang makapasok ako sa club.
Si ate Terah, ang nagaudition sa akin ay ang director ng club. Strikta siya lalo na pag nagpapractice kami pero mabait siya kapag natatapos na. Minsan nga'y nilibre niya ang buong club sa cafeteria lalo na nang marami ang nanood ng performance na iyon.
Pero noong nakaraang buwan lang ay nagbago ang lahat. Paunti unti na lamang ang nanonood dahil paulit ulit na lang daw ang pinapalabas namin. Ang ilang miyembro ay umalis na din at nagpalit ng club.
At ngayon, si Jane, ang scriptwriter, ay aalis na rin.
"Ayoko na Terah!Wala akong trabaho sa club na to,"
"Then we'll make another, you'll write again!"
"Kahit pa magsulat ako ng magsulat, kung walang manonood, walang kwenta!Aalis na ako!"
Wala akong nagawa kundi panoorin si Jane na magimpake samantalang nakaupo sa sahig si ate Terah at nakayuko habang nakatakip ang mga kamay sa kaniyang mukha. Unti unti nang nalalagas ang club, pero wala akong balak umalis. Masaya ako sa pag-arte, pero kung ayaw nila wala na akong magagawa kundi umalis na rin sa club.
Nang umalis si Jane, tahimik ang buong paligid. Wala sa amin ang nagsalita. Maya maya, biglang tumayo si ate Terah at pilit na ngumiti.
"Magtatrabaho tayo,"saad niya.
"Para san pa?Wala na si Jane, sinong magsusulat?Wala nang pag-asa ang club natin. Wala na tayong magagawa,"sabi ni Dave, isa sa tagagawa ng props.
"Magsusulat ako mamaya. Magsisimula akong magbigay ng roles bukas. Huling pagtatanghal na to. Kung hindi sila darating, ipadidissolve na natin ang club. Ako mismo ang lalapit sa SC,"sabi ni ate Terah kaya nagkatinginan kaming lahat at dalawang salita ang tumatak sa aming isipan.
"Huling pagtatanghal".
Kailangang ibigay namin ang lahat dito dahil mauuwi ang lahat sa wala kung maipasasara ang club.
"Sige,"saad ni Kevin, isa sa mga umaarte. Tinanguan kami ni ate Terah.
"Sige, umuwi na kayo. Bukas ulit."
-----
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!