57:PRESERVED

7 2 0
                                    

“PRESERVED”
      

Kat's Note: Spin-off to ng "Her Sacrifice". Contain disturbing scenes.

"Magtatayo ka ng isang museo?"tanong ni Stella, secretarya ko.

Pinaikot-ikot ko ang wine sa aking baso habang nakatitig dito. "Malinaw mong narinig hindi ba?Gusto ko magtayo ng museo,"pag-uulit ko.

"K-Kung ganon, maghahanap agad ako ng kompanyang mag-aayos nito,"sabi niya. Binaling ko ang tingin ko sa kanya.

"Sa susunod na buwan gusto kong maayos na ang lahat. Dahil alam natin ang mangyayari pag hindi ako nasunod,"nakangising saad ko.

Napalunok si Stella. "Y-Yes sir,"saka nagmamadaling umalis.

Halos sampung taon na din pala ang nakakalipas. Hindi ko pa din makalimutan ang mga palahaw niya. Kakaiba siya sa lahat ng pinatay ko, dahil alam niya ang pinasukan niya.

Gusto ko lang bigyang papuri ang kanyang... sakripisyo. Ang museong itatayo ko ang magiging patunay kung gaano siya katapang na ina.
Dalawang linggo. Dalawang linggo lang ang tinagal niya sa mga kamay ko. Hindi gaya ng iba, tatlong araw pa lamang ay nalagutan na ng hininga.

Holding my glass wine I stood up and look outside by the window. When will I ever encounter a woman like her, again?

----

"Kulang pa ito Stella. At isang buwan na ang nakalilipas,"sabi ko habang tinititigan ang buong estruktura.

Kumpleto naman na siya kaso hindi pa well-polished ang ilang parte gaya ng pader at sahig.

"Sinabihan ko silang dalian–"

"Alam mo na ang mangyayari, Stella,"sabi ko habang nakapamulsa at lumingon sa kanya.

"S-Sir, I did my best–"hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang paputukan ko siya sa mismong ulo niya. Sayang, it was an easy death for her.

Tinawag ko ang isa sa bodyguards ko saka pina dispatsya ang katawan sa kanya. Matapos non, tinawagan ko ang kompanyang nag-ayos ng museo ko saka sinabi ang mga kulang rito.

----

Mabuti nalang at dalawang linggo lang ang nakakalipas at naayos na ang buong gusali. Naayos na din ang mga lalagyan para sa aking pinakaespesyal na koleksyon.

"Sir, dumating na po ang mga pinadala ninyo,"sabi nung isa sa bodyguards ko. Tinanguan ko lang siya saka sinenyasan na papasukin na sila.

Nakakalungkot na tinabunan nila ng tela ang mga nakabote kong koleksyon. Marahil ay hindi nila maatim tingnan ang mga ito. Pero para sa akin, isa ito sa pinakamagandang nakita ko.

"Iyan na lahat?"tanong ko.

"O-Opo sir. T- Talaga bang yan ang–"

"May problema doon?"

"W-Wala po,"sabi nito saka dali-daling umalis. Nilapitan ko ang aking koleksyon na nakabalot sa tela saka binukas ito. Tumambad sa akin ang ibat-ibang parte ng tao na nakabote at nakababad sa formalin para ma-preserve.

Kinuha ko ang isa dito na naglalaman ng mata. Naalala ko tuloy ang takot sa mata niya nang dukutin ko ito gamit ang scalpel. Ang mga sigaw niya ay musika sa aking pandinig. Pero hindi naman siya agad natuluyan sa pagtanggal ko nito sa kanya.

Inilapag ko ito sa isang shelf saka kumuha ng panibagong jar. Naglalaman naman ito ng isang daliri sa kamay. Naaalala ko ang parteng ito. Tinanong ko siya ng ilang tanong at kapag nagsinungaling siya, puputulin ko ang isa sa daliri niya.

Hindi siya nagsinungaling. Pero kahit na ganon, inisa isa ko pa din ang mga daliri niya dahil iyon naman talaga ang pakay ko.

Sunod kong dinampot ang jar na may lamang daliri sa paa. Medyo nadurog na ito dahil ginamitan ko siya ng martilyo bago tuluyang putulin ang mga ito. Sa sobrang pagpukpok, nadurog maging ang mga kuko at lumabas ang ilang laman mula dito.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng aking munting museo. Pinakahuli kong inayos ang isang jar na may lamang puso. Ang pagkuha ko nito ang dahilan bakit siya tuluyang nabawian ng buhay. Sana lamang ay nakikita ko pa ang pagtibok nito hanggang ngayon. Kaso nung tinanggal ko ito, saglit nalang ang pagtibok niya saka tuluyan ng nawala.

Sa wakas ay natapos ko na din ang aking museo. Sigurado akong magugustuhan ito ng mga tao. At maaari pang madagdagan ang aking koleksyon.

Ngayon, ang kailangan ko nalang ay mga tao.

-----

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon