58: YOU'RE IN LOVE WITH ME!

10 3 0
                                    

"YOU'RE IN LOVE WITH ME!"
                

"Anak, kumain ka na ba?"pag-iiba ni mama ng topic.

"Ma naman!Totoo nga kasi!Crush ako ni Alden Richards!"inis na sigaw ko. Kanina ko pa pinipilit si mama na paniwalaan ako.

"Anak baka gutom lang yan. Kumain ka kaya muna?"

Marahas akong umiling. "Ma!Nakita ko sa tv kanina!Kinindatan ako ni Alden!Ma, pangkaraniwan ba yun?"

"Audience niya ang kinindatan,hindi lang ikaw. Utang na loob Vyanca, tama na ang pagpapantasya. Napakalayo mo sa tao oh. Ang kinis kinis non. Kumpara sa daan, siya sementado ikaw bako-bako,"

Aray naman. Matagal ko naman nang alam yun. Kaya nga walang nakikipagkaibigan sa akin. Kasi ang pangit ko.

Pero hindi naman tumitingin sa panlabas na anyo si Alden. Alam ko talagang may gusto siya sa akin.

"Bahala ka na ma kung ayaw mong maniwala. Soon, makikita mo, may gusto talaga si Alden sa akin!"

----

"WEH?!"

"Sinabi ko sayo ito para–"

"Pupunta ako!"

"–hindi ka pumunta,"

Inis kong tinitigan si mama. Alam naman niya na gusto ko din si Alden. Tas gusto niya din ako. Gusto namin ang isat-isa tapos si mama pa ang hahadlang?!

Sabi ko na hindi talaga si Maine ang para kay Alden. Ako talaga yun.

"Anak ayokong mapahiya. Utang na loob, kung pupunta ka man manahimik ka,"paalala ni mama.

Manahimik?Ako pa talaga sinabihan ni mama e behave ako.

----

Taena. Ang iingay naman ng mga babae dito. Mga assumera e ako naman talaga ang gusto ni Alden. Baka gusto nilang lamukusin ko yung mukha nila sa cr namin nung elementary e mabaho pa naman halos lahat.

Oras talaga na sagutin ko si Alden mamamatay lahat ng to sa inggit. Ako naman kasi talaga ang meant kay Alden. Palibhasa mga feelingera.

Pagkatapos ng concert inabangan ko agad si Alden sa daanan pauwi. At dahil maaga ako, nasa unahan ako at nakikita ko ng malinaw ang dimples ni Alden. Kaso epal pa din talaga yung mga security e.

"Alden!Sinasagot na kita!"sigaw ko at natigil lahat ng tao. Maging si Alden.

Hindi ko napansin iyon at nagpatuloy. "Oo. Alam kong mahal mo ako at oo, mahal din kita. Wag ka na manligaw kasi sasagutin kita no worries,"

Takang tiningnan ako ni Alden. "Kumain ka na ba?"

Mukha na ba talaga akong nalipasan :)

----

Note: Erotomania is a psychological condition characterized by the belief that someone, typically of higher social status or authority, is in love with the individual experiencing this delusion. It falls under the category of delusional disorders and can lead to obsessive behaviors, including stalking or harassment, if the individual tries to act on their beliefs. 

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon