"CRAVE"
"Ayaw mo kumain?"tanong ng isang nurse kay Hanzo. Tanging iling lang ang sinagot nito saka mas lalong sumiksik sa sulok.
"Hindi ka gagaling pag hindi ka kumain,sige,"malumanay na banta ng nurse pero nakayuko pa din si Hanzo.
Napabuntong-hininga ang nurse saka lumabas. Iniwan niya ang tray na may lamang pagkain sa pagasang kakain ito.
Napaangat ang tingin ni Hanzo sa tray saka dahan dahang gumapang papalapit dito. Napangiti ang nurse na nasa may pintuan lang pala at nanonood.
Hinawakan ni Hanzo ang kutsara. Pero imbes na sumalok ng pagkain mula dito, iyong kutsara mismo ang kinain niya kaya napapasok ang nurse at inilayo sa kanya ang kutsara maging ang tray.
----
"He has developed a pica. You need to take a closer look at him."paalala ng doctor sa nurse ni Hanzo at agad naman itong tumango.
Bumalik na siya sa kwarto ni Hanzo at nakita niyang nginangata nito ang doorknob ng cr kaya hinila niya ito papalayo.
"Hindi naman iyon pagkain e,matigas yun. Tingnan mo, nakagat mo ba?"pangaral ng nurse. Umiling si Hanzo saka yumuko.
"Kasi naman, binibigyan kita ng matinong pagkain, ayaw mo kainin,"dagdag pa nito. Muling napaupo at sumiksik sa sulok si Hanzo,saka tahimik na umiyak.
Naawa naman agad ang nurse. "Uy... sorry na ha. Bibigyan nalang kita ng masarap na pagkain, wag kang kakain ng iba ha,"sabi ng nurse saka tumakbo papalabas.
Nagmamadali siyang kumilos para makakuha ng pagkain sa takot na, baka ano na naman ang kainin nito.
Pagkaakyat at pagkabukas ng pintuan ng kwarto ni Hanzo, nakita niya na nakaupo lang ito sa sulok, ang huling posisyon na naabutan niya ito.
Napangiti ang nurse saka inilapag ang tray. "Hanzo, heto na oh...ayan, may lasa yan. Tapos masarap talaga!"masayang sambit ng nurse.
Lumapit si Hanzo sa nurse saka ngumanga. Sumalok naman ang pagkain ang nurse saka sinubuan siya.
"Ano?Masarap ba?"tanong ng nurse. Nilunok muna ni Hanzo ang kinakain niya saka tumango.
"Sabi sayo e, kaya wag ka nang kakain ng iba. Dadalhan kita ng maraming ganito!Sabihin mo lang, okay?"sabi pa ng nurse habang patuloy na sinusubuan si Hanzo.
Maya-maya,biglang tinuro ni Hanzo ang pintuan sa banyo.
"C...r..."mahinang sabi nito. Napalingon ang nurse sa tinuro niya saka sa kanya.
"Magbabanyo ka?"tanong ng nurse kaya tumango si Hanzo.
"Sige,sasamahan ba kita?"tanong muli ng nurse pero umiling si Hanzo.
"Okay, mag-aantay ako dito,"sabi ng nurse saka binuksan ang pintuan ng banyo. Pumasok na si Hanzo saka isinara ito.
Nag-antay ang nurse sa may tapat ng pinto, nagdadalawang-isip kung dapat ba talaga niyang iwan mag-isa sa banyo si Hanzo. Wala namang laman ang banyo maliban sa inidoro,timba,tabo at tubig. Imposible man, baka isa doon, kainin na naman niya.
Pero natututo na din naman siyang kumain ng totoong pagkain. Kaso hindi.
Binukas ng nurse ang pinto saka napatakip ng bibig sa gulat kung ano ang ginawa nito.
Nakaluhod kasi si Hanzo sa sahig...
At may hawak na tae na kinakain niya!
----
Kat's Note: Hi to my rpw lolo!Thanks for letting me borrow your name!
Additional note: Pica is an eating disorder where a person has persistent cravings to eat non-food items, such as dirt, chalk, soap, hair, or paper. This behavior must last for at least one month and is often linked to nutritional deficiencies, mental health disorders, or pregnancy. Pica can be dangerous as it may lead to poisoning, infections, or digestive issues. If you know someone who is showing signs of pica, it's important to seek medical advice to address the underlying cause and prevent complications.
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!