"I'M IN LOVE WITH MY CAPTORS"
"PAKAWALAN NIYO AKO DITO!HOY!MGA BINGI BA KAYO?!HOY! BABAYARAN KO KAYO NG MAS MALAKI!"
"Kuya, itape mo nga bibig ng prinsesa natin. Tss, ang arte,"sabi nung isang lalaki saka nagpatuloy sa ginagawa niyang pagsusulat ng kung ano man.
"Why not do it yourself?"cold na sabi nung isa pa. Pambihira, gising pala yun?Nakapikit kase.
"PAKAWALAN NIYO SABI AKO E!ANO BANG KAILANGAN NIYO HA?!GAGAHASAIN NIYO AKO NOH?!"sigaw ko.
Bumunghalit sa tawa yung lalaking nagsusulat. "Kung manggagahasa kami, pipili na kami ng matino. Eh ano bang hahawakan sayo pantay lahat,"
Abat-
"HOOY!ANG ARTE MO! PAKAWALAN NIYO NALANG KASI AKO DITO ANO BA?!"
"Ingay mo hahampasin kita ng dos por dos makita mo,"sabi niya kaya natahimik ako bigla.
Nakakainis naman kasi, pauwi na sana ako galing school tas may biglang van na tumigil sa harap ko tas pwersahan akong kinuha. Mukha namang yayamanin tong mga kidnappers na to, inglishero pa nga yung isa.
Maya-maya biglang tumunog yung telepono. Sinagot iyon nung lalaking nagsusulat kanina.
"Hello?Oo, nakuha na namin. Sige... okay. Bye,"malamang sa malamang ako talaga ang tinutukoy nila. Assuming na kung assuming e sino ba kasing nakuha nila, diba ako?
"Babae,"tawag sakin nung lalaking madaldal.
"May pangalan ako. Heialuna. Heial o Luna bahala ka. Basta tawagin mo ako sa pangalan ko,"
"Arte mo aabutan ka lang ng tubig,"sabi niya saka inabot ang baso ng tubig. Hindi ko kinuha. Baliw ba siya, nakatali ako diba?
"Iyo na yan. Laklak mo pa,"sabi ko saka inirapan siya.
"Ako na nga itong nagmamagandang-loob!"
"Eh bobo ka naman pala e!Pano ko iinumin yan tinali niyo ako?!"nanggigigil agad ako sa lalaki na to e.
"Buhos ko to sayo e,"
"Buhos mo, as if I care,"
"Tss, kung ayaw mo, bahala ka na nga!"
----
"Hoy,"
"HOOOYYY!"
Kung hindi naman siraulo, bingi makakasama ko. Wala kasi si Steven na maingay kaya si Scott na laging tulog kasama ko. Pano ko nalaman name nila? Syempre nagpakilala sila duh,
"Scott!Nagugutom ako ano ba?!HOOOYYY-aray!"pano kasi bigla biglang nanghahagis ng biscuit sa mukha.
Bakit ba naman, mga tanga mga kasama ko?!
"Pano ko kakainin yan tinali niyo ko!Hooy!Ang tamad mo!Dali dito!"nakita ko na finally nagising na siya. He sighed then pull his chair towards me. Pinulot niya yung biscuit na tinapon niya sakin saka binukas iyon.
I pouted. "Bilis, gutom na kaya ako,"
"Sheesh,when will you leave?"bulong niya kaya nginisihan ko siya.
"Susuko na kayo?Pakawalan niyo na kasi ako,"
Gumanti siya ng ngisi, "Say "ah" baby,"nanlaki ang mata ko sa narinig. A-Ano daw?B-Baby?!
"Bakit?Ayaw mo tawaging baby? Don't worry it wasn't an endearment. You deserve that for acting like a childish spoiled bratinella,"sabi niya kaya inirapan ko siya. Akala ko pa naman pupurihin na ako.
"Pakainin mo na nga lang ako!"sabi ko saka ngumanga.
---
*Day 20*
"Heial!Maghanda ka na nga, kakain na tayo,"sigaw ni Steven kaya napa-pout ako saka padabog na naghanda ng pinggan at plato sa mesa.
"Arte mo pa den mahal na prinsesa,"sabi ni Steven saka ipinatong sa mesa ang niluto niyang tinola.
Pinakawalan na nila ako sa ikasampung araw. Pero kahit na ganun hindi nila ako pinalalabas. And I know this is weird but I don't like leaving now.
Kasi siguro kahit pa nag-aasaran kami mas naramdaman ko na pinahahalagahan nila ako dito, kahit pa sabihin ng iba na kinidnap nila ako.
"At least di gaya ni Scott na nakaupo lang at kakain nalang,"sabi ko saka napapameywang.
"Thanks for fixing the table, new maid,"I snorted.
"Ganda naman ng maid niyo,"sabi ko kaya agad namang sumalungat ang dalawa.
Hindi supportive!Hmph!
"Kumain na nga lang tayo!"uupo na sana si Scott nang biglang mag-ring ang phone niya kaya umalis na siya habang sinimulan na namin ni Steven kumain.
Maya-maya napatayo ako nang bumalik si Scott na nakatutok ang baril sa akin.
"Kuya?!Anong ginagawa mo?!"napatayo na din si Steven.
"Ms. C called. She wants her dead now,"biglang lumamig uli ang boses ni Scott. Napalunok ako. Pinipigilan ang sarili na umiyak. Akala ko kasi gaya ko nabago ko na din sila.
"Hindi na natin kailangang magsunud-sunuran sa kanila!Kuya, m-magbagong buhay na tayo,"
"We will. After this,"sabi niya saka kinalabit ang gatilyo.
"I won't let you,"sabi ni Steven saka sinubukan agawin ang baril.
"HEIAL TAKBO!"out of impulse, bigla akong napatakbo palabas. Pero nasa kalsada palang ako nang makarinig ng tatlong putok.
Imbes na bumalik, pinili ko pa din tumakbo palayo.
----
Note: Stockholm Syndrome is a psychological response where a person who is held captive or subjected to abuse develops a bond, empathy, or positive feelings toward their captor or abuser. This paradoxical reaction can happen in situations of hostage-taking, abuse, or prolonged captivity, where the victim begins to sympathize with their captor, sometimes even defending them.
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!