"KLEPTO–"
"M-magnanakaw!"sigaw ko ng pumasok ang kapatid ko sa kwarto at kinuha ang charger ng phone ko. Agad akong kumuha ng unan saka pinagbabato siya.
"Atee!!"bigla siyang umiyak saka tumakbo sa labas. Narinig ko pa siyang sumigaw nang– "Ma!Si ate nanghihiram lang ng charger namamato na!"
Napabuntong-hininga ako. Buti naman umalis na yun. Aba!Magnanakaw pa talaga sa akin e sarili niya akong kapatid.
"Mira!Bumaba ka dito dali!"sigaw ni mama. Baka pagagalitan ako dahil sa ginawa ko sa kapatid ko. O baka naman may magnanakaw sa baba?! Omayghad.
"Ayoko nga!May magnanakaw diyan!"sigaw ko.
"Tinotoyo ka nanamang bata ka!Bumaba ka dito! Walang magnanakaw!"sigaw ni mama kaya padabog akong bumaba sa kwarto.
"Ayan, bumaba na din. Anak, si Shadow nga pala anak ng kaibigan ko, makikitulog daw dito sa atin,"pagpapakilala ni mama. Agad akong nagtago sa likod ng sofa.
"Ma naman!Magnanakaw yan!"
"Pagpasensyahan mo na yang anak ko, naluwangan yata ng turnilyo. Welcome ka sa bahay okay?"sabi ni mama. Ngumiti naman yung lalaki sa kanya.
"Salamat po,"
---
"Sean!Nasaan yung lipstick ko!"sigaw ni mama kaya nagising ako. Ano ba yan ang aga-aga namang mag-ingay ni mama.
"Ma naman!Mukha ba akong maglilipstick?!Ayan si ate o!Inaantok pa nga tayo!"
Bago pa lumapit si mama tumayo na ako. "No need ma, gising na ako. At hindi!Hindi ako ang kumuha!Kausapin mo yang bago mong ampon!"
"Ampon ka diyan!Anong gagawin ni Shadow sa lipstick aber?"
"Kasi ma, confirmed!Bakla yang bagong salta,"
"Ewan!Iyo na yang lipstick!Saksak mo sa ngala-ngala mo!"
----
"Sean!Test paper mo nasaan!"
"Test...ma...ano,"
"Akin na!"
Binukas ng kapatid ko ang bag niya saka naghalungkat. Ako naman nanatiling nanonood sa tv.
"Wala dito?Dito ko lang nilagay yun!Ate!Kinuha mo na!"
"Hoy!Tiningnan ko lang!Anong gagawin ko sa test paper mong 1/50 ha?!"asik ko. Makapangsisi.
"One ober pepti?!Nagsasayang talaga ako ng pera sayong bata ka!"
"Si ate OA!Ma, five naman yun hindi one,"
"Abat, sinasagot mo na akong bata ka?!Wala kang allowance!"
----
Kinatok ko ang kwarto ni Mr. Magnanakaw.
"Hoy kakain na,hoy!"sigaw ko habang kumakatok. Tulog mantika amp.
"Ano ba?!"sigaw niya nang buksan ang pinto.
"Makasigaw! Pasalamat ka niyaya ka pang kumain. Kung ayaw mo, edi wag!"
"Kakain na,tsk,"Sabi niya saka lalabas na sana nang mabaling ko ang tingin sa kwarto niya.
"Suitcase ba ni papa yan?!"
"Anong suit–walang–"agad ko siyang tinulak paloob saka pumasok na din.
Nakita ko ang ninakaw niya. Yung lipstick ni mama pati yung test paper ng kapatid ko. Pati toothbrush ko saka–
"Hayop ka pati basura namin ninakaw mo!"sigaw ko.
"Hindi ko–"
Pinulot ko yung gunting na nasa mesa niya saka humarap sa kanya.
"Titigil ka na sa pagnanakaw mo ngayoooon!"sigaw ko kaya tumakbo siya palabas at agad kong hinabol.
----
Kat's Note: Thanks to my couz and her gf(yiiieee) for letting me borrow your namees
Additional Note: Kleptomania is a rare impulse control disorder where a person has a compulsive urge to steal items, often things they don't need and of little value. The act of stealing is not motivated by financial gain or revenge, but rather by an internal compulsion that the person struggles to resist.
Kleptophobia, on the other hand, is the fear of stealing or being stolen from. It is a type of specific phobia, where a person experiences excessive and irrational fear or anxiety about theft.
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
DiversosHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!