“ACT”
Pumasok lang ako sa rpw dahil sa impluwensiya ng kaibigan ko. Unang beses ko kaya binigyan niya ako ng account.
Ilang araw lang at unti-unti ko nang naintindihan ang galawan sa rpw. Mula sa pagdidiskubre sa mga groups,mga hoods at marami pang iba.
Masaya ang naging simula ko dito hanggang sa...
Act 20, makipagdrs sa pang 10 sa active list mo for one month.
I did.
Dahil doon,nagpm ako sa kanya para sabihing it was just an act. Naintindihan naman niya. Hanggang sa naging madalas ang pag-uusap namin.
Masaya siyang kausap. Kalog saka nasasabayan ako. Nagsosorry din siya kaagad kapag may nagawang mali.
Imposibleng hindi ako mahulog.
Mali yun alam ko. Maling mahulog sa rpw. Kahit hindi pa namin nakikita o naririnig man lang ang isat-isa.
But my stupid heart did.
At sabi nga sa kanta, "kapag tumibok ang puso,wala ka nang magagawa kundi sundin ito,"
Kasi kahit anong pilit na pigilan,mas lalo lang akong nananabik sabihin.
Weird I know. But thats me.
And he accepted me sa kung anong meron kami.
I thought he'll accept my whole being too.
Until finally,nagface reveal kami sa isat isa. Nagvivideo call na. Pero ang tanging label na meron at pinanghahawakan ko ay yung act namin.
Walang nagbago. Kahit nakita at narinig namin ang isat isa,hindi nagbago ang pakikitungo namin sa bawat isa.
Akala ko siya na talaga.
Kaya nagplano ako.
Saktong isang buwan,tapos na ang act. Handa na din akong umamin. Kaso sinabi niya na,may sasabihin din daw siya.
Pero pinauna niya ako.
Kaya naman kinapalan ko na ang mukha ko at umamin sa kanya. Wala siyang ginawa kundi ang magseen sa mga chats ko.
Matapos nun,siya naman ang pinagexplain ko.
Natagalan siya bago magsabi. Ang dami niyang pasakalye. Kesho kakain daw muna siya o maghuhugas ng pinggan o kung ano pa.
Pero sa huli sinabi niya din.
May girlfriend na siya sa rw. At ang ginawa namin?Yung pagpapacute niya at lahat? Punishment niya yun. Punishment ng sbh nila.
I feel so devastated I blocked him.
Ang sakit.
Sobra.
I have never expected first love is that painful.
Painful than physical wounds.
-----
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!