“HE'S MINE”
Napangisi ako ng makitang papadaan na si Adam sa harapan ko. Napakaswerte ko nga naman. O-Order lang sana ako tapos naabutan ko pa 'yung crush ko.
'De biro lang. Hindi tadhana ito,sinadya ko. Alam ko naman kasi na dito siya nagkakape so nandito na din ako.
"Alice?"napaangat ang tingin ko pero agad kumulo ang dugo ko ng malaman sino ito.
"Xyrelle. Ginagawa mo dito?"Inis na sabi ko. Isa lang naman siya sa karibal ko kay Adam. Madami kayang nagkakandarapa sa kanya. Makalaglag panty naman kasi talaga ang kagwapuhan niya.
'Yun nga lang,kaming dalawa lang ni Xyrelle ang consistent.
"Nagtanong ka pa. Alam ko namang parehas tayo ng pakay dito,"sabi niya saka ngumisi.
Ngumisi ako pabalik. 'Di ako papatalo 'noh.
"May the best woman win then,"sabi ko sa kanya kaya inirapan niya ako at lumayas sa harap ko.
Muli akong napatingin kay Adam. Nakatingin siya sa phone niya tapos biglang tumayo at lumabas. Tumayo na din ako. Kailangan kong malaman sa'n siya pupunta!
Palabas na din sana ako nang pigilan ako ni Xyrelle.
"Oh no you don't,"sabi niya saka naunang lumabas. Inis akong sumunod.
Dalawampung minuto na ang nakakalipas at panay pa din ang lakad ni Adam. Kami naman nakatago ngayon sa likod ng kotse.
"Pwede ba mag let go ka na Alice? Obvious namang para sa'kin si Adam 'e,"
"Let go?Ba't 'di mo i-try? Mas may chance naman ako sa kanya 'noh,"
"Ang assuming mo talaga 'noh?"
Napairap ako. "Nagsalita ang hindi,"
"Babe!"natigil kaming dalawa nang marinig namin si Adam nagsalita.
Babe?Hindi kaya...
"Ang tagal mo,alam mo 'yun? Pinag-antay mo ako,"sabi ng isang lalaki.
Sandali nga...
Lalaki?
Means...
S-Si...Adam ay...
Barbie?
"Xyrelle?Alice?Bakit kayo nandito?"sabi ni Adam habang nakaakbay doon sa lalaki.
Napatingin ako kay Xyrelle na gulat din sa pangyayari.
"M-Mag...mamall kami...hindi ba b-bestie?"palusot ko saka ngumiti ng peke.
"Mall?O...Oo...Haha,magmamall kami. Pa'no,una na kami?"
"Sige ingat,"sabi niya saka nag-wave pa sa amin.
Nang medyo nakalayo-layo na kami,bigla kaming humagulgol at niyakap ang isat-isa. Malayo na talagang magustuhan kami ni Adam nito. Waa!
------
Kat's Note: Sana nagustuhan niyo kahit sabaw pa din haha. This story is different sa nauna ha. For clarification lungs. I hope to hear your thoughts po!
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
AcakHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!