5: NAUGHTY OR NICE

96 6 0
                                    


note: death scene ahead

note: death scene ahead

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


“NAUGHTY OR NICE”

"Take deep breaths and tell me what happened,"pagpapakalma ng pulis kay Amanda na halos hindi na makahinga kaiiyak.

Huminga ng malalim si Amanda. Ligtas siya. Pero hindi niya alam gaano katagal.

"Please,sabihin mo sa'min ang nangyari,"mabuti na lamang at mahaba ang pasensya ng pulis dahil kanina pa wala sa sarili si Amanda.

May dalawang kasama din ang pulis na nakikipag-usap kay Amanda. Nasa likod sila,nakaalalay sa kung ano mang gawin ng biktima.

"Ang sama kong tao. I used to bully nerds at school,yell at my parents, kahit ang pag-inom at pagdodroga nagawa ko na. That's why he included me in his list,"pilit na pagpapahinahon ni Amanda sa sarili habang nililinga ang mata sa paligid.

"He? Who's he?"tanong ng pulis saka inihanda ang papel at ballpen para maisulat ang statements na ipahahayag niya.

"He use to give the best gifts to those he listed nice. And he punishes those who are listed in naughty. He thinks that perishing them makes the world a better place. He thinks he's a Samaritan."habang isinasaad ito ni Amanda,bumabalik sa isipan niya ang mga nangyari bago siya makarating sa kung nasaan man siya ngayon.

"Who is he?"pag-uulit ng pulis sa tanong.

"I haven't seen his face kasi he's wearing a Santa disguise. But the difference is it was all black. I heard rumors,he was called the Black Santa. Pero he was being praised! Walang taong nagsusumbong dahil lahat sila tinitingala ang isang mamamatay tao na kinuha ang hitsura ni Santa Claus. I didn't believed it. Kaya heto ako ngayon,hinahabol niya,"halos pumiyok na si Amanda nang patapos na siya at muling rumagasa ang luha niya.

Tumango-tango ang pulis habang palipat lipat ang mata nito sa notebook at sa biktima.

"Kaya mo bang isalaysay ang nangyari sa amin?"hindi mabasa ang ekspresiyon ng mukha ng pulis. Seryoso lang itong nakatingin kay Amanda habang mahinang tinutuktok ang ballpen sa mesa.

"Kailangan pa ba yan?B-Baka dumating na siya dito,"muli nanamang lumikot ang mata niya.

Bumuntong-hininga ang pulis. "Iha, hindi ka namin matutulungan kung hindi mo sasabihin ang nangyari,"

Huminga ng malalim si Amanda saka tumango. Ano pa nga bang choice niya?

"Kaninang madaling araw tumakas ako ng bahay. I was driving in the woods when I stop. May narinig kasi akong lumagutok. Inatras ko ng konti ang sasakyan ko saka lumabas para tingnan ano iyon. At nagulat ako sa nakita ko.

It was Dan Fayer,alam kong kilala niyo siya dahil kababalita lang ang pagtakas niya sa kulungan. W-Wala na siyang intestines. Kitang kita ko dahil winakwak ang tiyan niya ng kung ano mang matulis at malaking bagay. An ax probably. His head was kinda mashed up,yung parang inuntog sa matulis na bagay. But its still clear to me that it was him.

Halos masuka ako sa nakita ko. My mind was all messed up. Natakot ako kaya tatakas na sana ako nang may biglang tumakip sa bibig ko. Out of instinct,I elbowed him and ran. I managed to look back while running and that's how I saw him,"I explained. I feel like throwing up again after reminiscing what happened earlier.

"Mabuti na lang pala at malapit lang kami dito sa gubat,"nakangiting sabi ng pulis.

"B-But sir,you need to catch him!Pinatay niya si Dan! Mamamatay tao siya!"tumayo siya saka niyugyog ang pulis habang paulit ulit na sinasabing "hulihin niyo siya, mamamatay tao siya,"

Hindi napansin ni Amanda ang pagngisi ng pulis habang palihim na kinuha ang kutsilyo saka walang ano-anoy sinaksak si Amanda sa sikmura.

Natigilan si Amanda saka nanlalaki ang matang napatingin sa pulis na ngayoy hindi na matanggal ang ngisi sa labi. Napaluhod siya pero pinatayo siya ng dalawa pang nagpapanggap na pulis. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ni Amanda.

"Ikaw na hindi naging mabuti sa buong taon ay hinahatulan ko ng kamatayan,sa araw mismo ng pasko. A Mortuary Christmas to you,"narinig niyang binigkas nito bago niya maramdaman ang malamig na kutsilyong bumaon sa litid ng leeg niya at tuluyang mawalan ng ulirat.

------

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon