46.2: REGRESSION(PART II)

12 3 0
                                    

“REGRESSION(Part II)”

Kat's Note: Can't resist Davinn~ Mah hart~

"Im home!"my boyfriend's face lit up when he heard the voice. Natigil siya sa paglalaro ng video games saka tumakbo papunta kay Tita. Nakangiti lang akong nanonood sa kanila habang kumakain ng ice cream.

Can't help it. Its our favorite.

"Hi baby, Did you miss me?"Yeah, I know it's weird. But I like Davin being mommy's boy. Busy man kasi ang parents niya, oras na magkasama sila iniispoil nila kaya ayan, isip bata pa din.

"Yes mommy!"masayang sagot ni Davin.

"I miss you too baby boy,"mahina niyang pinisil ang pisngi ni Davin. "Nana!Nakahanda na ang pagkain?"

"Opo madame,"

Luminga sa akin si Tita. "Iha, sumabay ka na sa aming kumain,"yaya ni tita kaya tumango ako. Yep, tatlong araw din akong nanatili dito dahil wala sila mom sa bahay. Wala akong nagawa kasi sabi nila.

Lumapit na ako sa kanila saka umupo at tumingin sa pagkain. Geez, ayoko yata kumain, I ate too much ice cream.

"Nana, sumabay ka na sa amin,"sabi ni Davin kay nana. Nagulat naman ito.

"Ah h-hindi na ser–"

"C'mon nana join us. Request naman ng Davin ko,"pilit ni tita kaya walang nagawa si nana kundi ang umupo.

"Asan si Daddy?"tanong ni Davin saka napa-pout. My gosh, why is he so cute?

"Nasa work pa si Daddy. Mamaya pa siya uuwi okay?Mauna na tayo kumain. Can you lead the prayer nak?"

Masiglang tumango si Davin. "In the name of the father..."

---

"Sana nagustuhan mo ang pagstay dito, iha,"sabi ni tita habang kumakain. Tumango ako.

"Ang saya ho dito,"sabi ko habang nakangiti.

"Mommy, can Althea stay here until forever?"my heart melt when Davin requested. Ibig sabihin, masaya din siyang nandito ako.

"If Althea wants, why not?"sabi ni Tita kaya lumingon sa akin si Davin. He clasped his hands, pouted and blink his eyes.

"Please stay Thea. Please, please, pleeeaaaassseee~"Tell me how can I resist his charm. Geez, can't believe my boyfriend is so adorable.

"Ill stay but not forever,"

"But why?"nagmamaktol nanaman ho siya.

"Because my mom misses me na. I need to go home,"

"Aww,"bumaba ang tingin niya sa pagkain.

Nagpatuloy akong kumain. Mamaya ipapaliwanag ko nalang kay Davin. Medyo matigas din kasi ang ulo.

"Actually Amanda and I have talked about the two of you,"tita said. Shes referring to my mom.

My forehead creases. "Ano pong pinag-usapan niyo?"

"We decided that the two of you will get married!"nasamid ako bigla kaya inabutan ako ni Davin ng tubig. Agad naman akong uminom.

"P-Po?"

"Dalawang taon na kayong nasa relasyon ni Davin saka isa pa, bukod sa amin na pamilya niya, kay nana, ikaw lang ang nakakaintindi kay Davin."

"H-Hindi ho ba masyado pang maaga para diyan?"

"Nasa tamang edad naman na kayo, isa pa, alam kong lagi kang nandiyan para kay Davin. Aalalayan din naman namin kayo,"bumaling ng tingin si tita kay Davin.

"Do you want to marry Althea, son?"tita asked. Davin didn't hesitate to nod.

"I love her mommy and I'm willing to marry her anytime and anywhere,"he said cheerfully.

I blushed at his words. "Well, let's plan on how are we gonna surprise Althea,"tita said then giggled. Davin giggled too.

My, this is so awkward.

---

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon