20: NEW YEAR'S EVE

9 2 0
                                    

"NEW YEAR'S EVE(PART ONE)"

Warning: May contain disturbing scenes. TW, cannibalism and gore scenes. Read at your own risk.

"Aasahan ko po kayo!"Ibinaba ni Yesha ang telepono saka hinalo ang sauce ng spaghetti na niluluto niya.

Maraming nakahain sa hapag-kainan nila Yesha. Darating kasi ang mga magulang niya at ayaw niyang ma-disappoint ang mga ito. Kaya naman ay pinaghandaan niyang mabuti ang lahat.

May cake,cookies at juice. May mga ulam din gaya ng adobo, kaldereta at dinuguan. Mayroon ding shanghai at spaghetti.

Madami ring palamuting nakasabit sa buong bahay. Maging ang sahig ay waring bagong pinta.

At siyempre,hindi niya kinalimutan ang laro nila mamaya at mga regalo.

Kung akala ninyo ay normal lang na selebrasyon ang ginagawa ng pamilya nila Yesha,diyan kayo nagkakamali.

Hayaan niyong muli kong ilahad ang paghahanda nila Yesha.

May cake, cookies at juice. Gawa ang mga ito sa dugo ng tao na nilagyan nila ng tubig at asukal bilang pampatamis. May mga ulam din na mula pa din sa tao gaya ng adobo, kaldereta at dinuguan. Ang natirang balat ay ginawa niyang pambalot sa shanghai. At ang mga meatball sa spaghetti ay karne ng tao na kanyang giniling.

Ang mga hindi makain gaya ng mga buto at lamang loob gaya ng utak,intestines at puso ay ginawa niyang palamuti sa bahay. Ginawa niyang parang chandelier ang mga buto na pinagtagpi-tagpi gamit ang maliliit na pako na maingat niyang inilagay. Ang mga utak at puso ay ginawang sentro sa mesa imbes na vase na may lamang bulaklak. Ang mga intestines ay nakasabit sa bawat gilid ng kusina na waring mga Christmas lights na hindi umiilaw. Ang sahig ay nababalutan ng dugo dahil doon niya mismo kinitil ang mga iyon.

Nakahanda na din ang dalawang babae na nakapiring ang mga mata,nakabusal ang mga bibig at nakatali ang mga kamay at paa bilang mga laruan nila mamaya. At kung ano ang mga regalo? Sikreto muna iyon.

Ang samyo ng lugar ay nakakapang-akit pa lalo kay Yesha. Gustong gusto nila ang malansang amoy ng dugo sa paligid.

-----

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon