56.4:TRAPPED IN THE TRAPHOUSE: NIGHT FOUR

10 2 0
                                    

“TRAPPED IN THE TRAPHOUSE:Night Four”
           

Warning: Contain disturbing scenes.

"Wait guys,"lumingon kami kay Elise.

"What?"mataray na tanong ni Miya.

"Callix and Precious are not with us!"she said. I gasped. I hope it wasn't what I thought. Nawala kahapon si Henio at nang maabutan namin kanina patay na siya. And now–

"OH MY GOSH!"agad kaming tumakbo kay Ashley na sumigaw. Naabutan namin siyang nakasalampak sa sahig, puno ng gulat at takot ang mga mata niya. Tumingin ako sa harap at napatakip ng bibig nang makita si Callix. Nakahubad, duguan at nakatuhog na parang barbeque sa isang mannequin stand.

"G-Guys...may kusina,"Ian interrupted.

"And?" -Miya

"Ilang gabi na tayo dito. Kung hindi man tayo mamamatay sa...g-ganyang paraan, baka mamatay naman tayo sa gutom,"paliwanag niya.

Speaking of, naramdaman ko bigla ang gutom. Apat na araw na kami sa lugar na ito. Baka hindi ko lang napansin ang gutom dahil sa kagimbal gimbal na pangyayari sa amin.

"Hindi mo nga sigurado kung walang lason ang mga pagkain diyan. O kung meron man. Mabuti pa umalis nalang tayo agad,"saad ni Shaira.

"Pero hindi tayo sigurado kung makakaalis tayo agad. Mabuti nang may laman ang sikmura diba?"depensa ni Ian.

"Tama si Shaira, Ian. Kaysa ibuwis natin ang buhay sa pagkaing hindi sigurado, mabuti pa umalis nalang agad tayo,"pagbibigay-opinyon ni Leviant.

"Well, Im hungry and it won't be bad to check the kitchen,"sabi ni Gavin.

"Basta gusto ko nang umalis dito,"sabi naman ni Tracy.

"Then let's vote–"

Ian cut Leviant off. "No. Ang gustong sumama sa akin, dito sa tabi ko,"

"Gusto mo talagang maghiwalay tayo ng grupo?"tanong ni Shaira.

"Magkaiba tayo ng pananaw. Kaya bahala kayo,"may paninindigan na sabi ni Ian.

Leviant sighed. "Sino ang sasama sa amin?"he asked.

"A-Ako," -Tracy

"Ako," -Miya

"Sasama ako," -Ashley

"Ako din," -Shaira

"So, Zelenia, Gavin,Yasmin, Jacel and Elise, kay Ian kayo sasama?"tumango naman kaming binanggit niya ang pangalan.

"Kung ganon, maghiwa hiwalay na tayo. Magkita nalang tayo if... possible,"sabi ni Shaira saka pumanhik na sila.

"Guys, dito lang kayo. Ill go check the kitchen," bumaling kami ng tingin kay Ian saka tumango.

----

Tracy

"We need to hurry, nagugutom na din talaga ako!"reklamo ni Miya so I rolled my eyes. Bakit nga ba sumama sa amin si Miya?Eh ang arte arte niyan.

"Mauna ka na. Kung gusto mong mamatay bigla, go,"inis na sabi ko. Sino bang hindi maiinis, nasa kalagitnaan ka na ng kamatayan, arte pa din ang pinapairal.

"Why not try leading the way scaredy cat,"maarteng sabi niya. Sasagot na sana ako nang pigilan ako ni Shaira.

"Guys tama na. Ang mabuti pa, antayin nalang natin si Leviant bumalik,"sabi niya kaya nagirapan kami ni Miya sa isat isa.

"A-Andito na si Leviant,"pagbibigay alam ni Ashley. Lumingon kaming tatlo at naabutan si Leviant na naglalakad papunta sa amin.

"Clear ang area. Tara na,"sabi niya kaya naglakad na sila. Maglalakad na din sana ako nang may nakita akong golden necklace na nakakabit sa isa sa mga armor.

Magkano kaya ito? Siguradong madami akong mabibili if ever makaalis kami dito.

"Tracy?Tara na,"tawag ni Shaira.

"O-Oo, nandiyan na,"sabi ko saka muling binaling ang tingin sa kwintas. Wala namang masama dahil wala namang makakakita.

Dahan dahan kong kinuha ang kwintas at nang makuha ko ito napasinghap ako sa paggalaw ng armor. Bumagsak ang espadang hawak nito. Mabuti nalang nakaiwas ako.

Kaso lang sumandal ako sa pader at bigla nalang natali ang bandang pulso ko.

"Tracy!"hindi ko na sila makita dahil sa armor na nakaharang. Sinubukan kong tanggalin ang tali sa akin pero mabilis akong hinila nito sa isang kwarto papasok sa isang iron maiden.

Nang sumandal ang likod ko dito, naramdaman ko ang pagtusok ng bawat malaking karayom nito sa ibat ibang parte ng katawan ko dahilan para unti unting ma-drain ang dugo ko at tumulo sa sahig.

Nanghihina, tumingin ako sa pintuan ng iron maiden habang unti unting sumara dahilan para mawalan ako ng buhay.

----

Kat's Note: Iron maiden is a supposed medieval torture device consisting of a hollow iron statue or coffin in the shape of a woman that is lined with spikes which impale the enclosed victim. Picture above :>

Zelenia -
Ashley -
Henio - ×
Tracy - ×
Yasmin -
Shaira -
Miya -
Elise -
Leviant -
Gavin -
Stewart - ×
Jacel -
Callix - ×
Precious - ×
Ian -

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon