note: gory scenes ahead, read at your own risk!
“COOKING SHOW”
"You won't win. Sinisigurado ko yan,"Chynna said with a smirk. Napahinga ako ng malalim. Ayokong mahalata nila na naaapektuhan ako.
"Tandaan mo to Charlotte,you won't and will never be like me. Pinapaalalahanan lang kita. Kung pwede nga lang, magback out ka na,"pagbabanta pa niya.
Nanatili akong walang emosyon pero mabigat ang aking paghinga. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak.
Banta ako sa career niya as a chef dito sa school. Pero ayokong mag back out. May scholarship akong kailangang makuha.
Inirapan niya ako bago tuluyang umalis sa harap ko.
Simple lang naman ang iluluto ko. Pero kung tama lahat ng gagawin ko, siguradong magiging espesyal ito.
I clenched my fist then close my eyes. 'You can do this well!' I mentally chanted.
Bumalik na ako sa storage room na sandaling inilaan sa akin para sa kompetisyon. Nilinisan ko ito at itinago na sa cooler ang karneng kakailanganin ko.
Pero hindi ko inaasahan ang naabutan ko. Bukas ang storage room na iniwan kong nakasara. Imposibleng makalimutan ko iyon, ni-lock ko pa nga e.
Nakita ko ang mga aso na lumabas mula dito. Tangay tangay ang karneng dapat sanay gagamitin ko.
Inasahan ko ang pagtulo ng luha ko ngunit wala. Instead,I feel the rage that drowns me.
Isa lang naman pwedeng sumabotahe sa akin e.
Si Chynna.
Sinara ko muli ang storage room. Hindi ko muna ito ni-lock. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko habang papunta kay Chynna.
"Hello!"
Napalingon siya at napangisi nang makita ako. "Ano magbaback out ka na?"
"Oo...kaso sayang naman yung ibang ingredients ko. Baka kailanganin mo. Tutulungan kita sa...sa pagdala,"hindi ko alam saan ko nakuha ang galing ko sa pag-arte. Pero isa lang ang sigurado ko. Napaconvincing ng acting ko.
"Okay,"she said shrugging.
I looked back and start walking, leading the way. Hindi ko na napigilan pang ngumisi. She took my bait.
Nang makapasok kami pareho sa storage room,agad ko itong pasimpleng ni-lock saka lumapit sa kanya.
Hindi ko alam anong espiritu ang sumapi sa akin dahil bigla ko nalang pinalo ng rolling pin ang ulo ni Chynna. Napakalakas nun kaya agad siyang nawalan ng malay.
Napatingin ako sa rolling pin na hawak ko at mas lalo akong ginanahan ng makita ang mumunting dugo dito.
Agad kong hinubaran si Chynna. Nang wala na siyang saplot ay hinaplos ko ang kanyang balat. Napakalambot niyon.
Mahinang pinisil ko ang balat ng braso niya hanggang sa dumiin ng dumiin. Lumabas ang konting dugo kaya napangisi ako. Dinilaan ko ang kamay ko pero napangiwi sa lansa.
Tumayo na ako saka kinuha ang itak. Pinaglaruan ko muna ito sa kamay ko habang nakatingin kay Chynna. Ano kayang gagawin ko sa kanya?
Napagdesisyunan kong tanggalin nalang muna ang mga hindi kailangang parte. Naglakad ako ng konti saka tinaga ang leeg ni Chynna. Nagtalsikan ang magkahalong maliliit na laman at dugo sa hangin,sahig at sa mukha ko. Iyong tumalsik malapit sa bibig ko ay dinilaan ko.
Ilang sandali lang ay natanggal na ang ulo ni Chynna. Sinipa ko ito na parang bola sa ilalim ng mesa.
Kumuha ako ng matalas na kutsilyo para wakwakin ang tiyan ni Chynna. Pusod hanggang sa pagitan ng kanyang dibdib.
Halos magningning ang mata ko sa nakikita. Dati,sa human anatomy class, model lang ang nakikita namin. Ngayon,actual na ang nasa harapan ko.
Malas lang dahil hindi ko kakailanganin ang iba dito.
Para lang akong sumasabotahe ng mga wire habang hinihila ko papalabas ang mga bituka ni Chynna. Ang pinagkaiba lang,mas madulas at mas malansa ito.
Sunod kong tinanggal ang puso at baga.
Gamit ang hose ay pinasadahan ko ng hugas ang katawan ni Chynna. Naghalo na sa sahig ang dugo at tubig.
Nilinisan ko ang bawat sulok ng aking bagong karne bago tuluyang pagpira-pirasuhin.
Sakto lang dahil nang matapos ako,ay tumunog na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang kompetisyon.
Nilinisan ko muna ang aking sarili bago lumabas. Inilagay ko sa cooler ang karneng natadtad ko samantalang ang ulo at lamang-loob ay hinagis ko sa malapit na manhole.
Nabawasan na ang kalaban ko,nagkaroon pa ako ng mas mabuti at mas masarap na karne.
-----
Kat's Note: Hi to mah kapatid Charlotte and Chyn haha. Sowwih nigamit ko ng indi nagpapaalam 👉👈
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!