28: HULA

11 3 0
                                    

“HULA”

Kat's Note: This is based on real life events.

"Ano sabi ng doctor, ma?"salubong ko ng makauwi sila mama sa bahay. Nilapag niya yung kapatid ko saka umupo muna. Mainit kasi papuntang ospital. Medyo malayo-layo din kasi.

Yayakapin ko sana ang kapatid ko kaso nag-alangan ako. Puno kasi ng sugat ang katawan niya. Halos matuklap na ang balat niya at nagkukulay tocino na ang tenga niya.

Awang-awa ako sa kalagayan ng kapatid ko. Sabi ng doctor, skin allergy daw iyon. Madaming binawal sa kanya lalo na sa pagkain, madami ding gamot ang nireseta, pero hindi pa din siya gumagaling.

Hindi naman sa iniiwasan o pinandidirihan ko ang kapatid ko, ayoko lang na baka makasakit pa ang gagawin ko. Masakit din sa akin bilang ate ang makulong siya sa bahay dahil sa panunukso ng kalaro niya sa kanya.

Pilit naming iniintindi ang kakaibang kondisyon ng kapatid ko. Natuto kaming tanggapin iyon kahit pa nakakapanlumo ang hitsura niya. Kami ang umintindi kahit na nilalayuan siya ng mga tao dahil baka iniisip nila na nakakahawa ang sakit ng kapatid ko.

"Ituloy lang daw yung cream na ipahid,"may halong inis ang tono ni mama. Gusto na din kasi talaga niyang gumaling ang kapatid ko.

"Ma, kakausapin ka daw pala ni Aling Elena. May sasabihin daw tungkol kay Jian,"sambit ng pangalawa kong kapatid. Ang tinutukoy niya na si Jian ay ang pangalan ng kapatid kong may skin allergy.

"Oo sinabihan na niya ako nung isang araw. May naggagamot daw doon sa kabilang kalsada. Nagpapasuob daw,"sabi ni mama.

"Suob?Ano yun?"tanong ko.

"Yung tatabunan ka ng kumot habang pinapausukan ka sa loob,"paliwanag ni mama.

Akala ko hindi naniniwala si mama doon. Pero mukhang desperado na talaga siya.

Dalawang araw lang simula ng pumunta si mama sa doktor ay binisita na namin ang suhestiyon ni Aling Elena. Sa labas palang ay marami na agad tao.

Kalahating oras din ang inantay namin nang sa wakas ay kami na ang pinansin. Sinama ako ni mama samantalang ang pangalawa kong kapatid ang nagbantay sa bunso namin.

Mukha talagang mangkukulam ang babaeng naggagamot. Kulot at mahaba ang buhok niya. Mukha din siyang mga nasa 40s saka madami siyang mga abubot sa katawan.

Naiilang ako sa lugar. Bilang taga-maynila, ang hirap maniwala sa mga ganitong gimik.

"Mag-ingat kayo sa lugar niyo. May isang pari na pugot ang ulo ang umaaligid sa lugar ninyo. Mukhang napagtripan ang anak ninyo,"saad nito. Hindi ako ganon ka matatakutin pero nanindig ang balahibo ko ng idescribe niya ang bahay namin. Maging ang poso negro sa harapan namin.

Pano niya nalaman iyon?Kahit minsan di ko siya nakitang dumaan sa amin. Hindi din naman siya sinabihan ni Aling Elena dahil pinsan niya ang nagrekomenda sa kanya.

Sinuob na niya ang kapatid ko. Pinahidan niya din ng kung ano mang oil iyon. Bago kami umalis ay pinaalalahanan niya kami na huwag lumabas pag gabi.

Pagkauwi, tinanong ni mama si Ate Rochel, kapitbahay namin.

"May namatay bang pari dito?"tanong ni mama.

"Wala namang nagsabi sa inyo niyan ah?Pano niyo nalaman?Oo, yung malapit na cathedral diyan, may namatay na pari, napugutan pa nga ng ulo. Iyang bahay sa tapat niyo,dating bahay niya yan, wala na ngang tumira dahil namatay na yung pari,"kwento ni Ate Rochel kaya natahimik kami ni mama.

-----

Random OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon