“FIRST LOVE”
Kat's Note: This is base on my experience...actually,eto halos ang nangyari sakin, just changed the name for the sake of anonymity
"Lianne...Im waiting..."sabi niya kaya naman nagising ako sa reyalidad.
"Ah oo,"gulat kong sagot.
"Oo,yung yes?"tanong niya. Hah?Nasabi ko yun?Ay di bale na,yun din naman isasagot ko.
"Ewan ko sayo. Malay ko ba kung–"hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng yakapin niya ako bigla.
"I love you,anata,"sabi niya kaya bigla ko siyang naitulak.
"Anong anata ka diyan?"sabi ko habang nakataas ang kilay at nakacross arms.
He smiled slyly. "Anata,sa Japanese ibig sabihin nun, darling. At yun ang magiging tawagan natin from now on,"
"Anata?"
"Hm? Bakit anata?"
"I love you too,"
------
"Anata naman,bakit di ka nagoonline?Di na nga tayo nagkikita,"reklamo ni Jay mula sa kabilang linya.
"Nasa school ako. Mamaya na pag-uwi ko,"sabi ko saka tumingin sa salamin sa cr.
Narinig ko ang mahinang mura niya. "Di mo ba magagawan ng paraan yan?"
"Magaguidance ako. Ayoko naman nun,"
"Puro ka dahilan. Bwisit!"saka pinatayan niya ako ng linya. Huminga ako ng malalim saka pinilit na huwag umiyak. Baka ano pa itanong sa akin ng mga kaibigan ko.
Malayo ang edad namin ni Jay. In fact,sampung taon ang agwat ng edad namin. Isa pa,tumigil siya sa pag-aaral. Wala namang kaso sa amin yun,kaso sa iba meron.
Pero laging pinagtatanggol ni Jay ang relasyon namin. Sabi niya,wala naman sa edad ang love,nasa paghahawak yan ng dalawang tao.
Mahal ko si Jay. Pero nasasakal na ako. Gusto niyang siya nalang palagi. Minsan,nababalewala ko na yung mga assignments ko,pumupuslit puslit minsan ng online sa classroom makausap lang siya.
Alam niya din ang password ng Facebook account ko. Nasa lahat din siya ng gc ko. Lahat ng mga lalaking nagchachat sa akin,maging ang mga kaibigan ko,binoblock niya.
Minsan,iniisip ko nalang,na baka mahal niya lang talaga ako kaya niya nagawa yun.
Kaso darating talaga yung araw na susuko ka na.
"Anata,buti nandito ka na. Akala ko gagawa ka pa ng–"lalapit sana siya para yakapin ako nang pigilan ko siya.
"Stop. Right. There,"may diin ang bawat katagang sambit ko.
"M-May problema nanaman ba? Kung yung mga kaibigan mo na naman na hindi tayo tanggap–"
"Hindi sila,Jay. Ikaw,tayo,"nagsimulang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Pagod na ako sa relasyon natin!Palagi nalang ikaw! Palagi nalang yung gusto mo nasusunod! Ginawa...ginawa ko lahat. Wala na nga akong oras sa sarili ko,kasi kahit yung oras na itutulog ko nalang...kausap pa kita!"tumigil muna ako sandali para makahinga.
"Sinasakal mo ako,Jay. Bumabagsak na ako sa mga tests ko,pati grade ko kasi ikaw nalang palagi inuuna ko,"
"LIANNE MANAHIMIK KA!"napatigil ako ng sumigaw siya ng sobrang lakas.
"Anong drama to?Gumagawa ka na naman ng dahilan?Bakit?Pinalitan mo nako?SABIHIN MO!PINALITAN MO NA BA AKO LIANNE?!"
"HINDI KITA PINALITAN JAY!"
"Alam mong mahal na mahal kita. Pero sobra na. I need time for myself and my studies. Hindi sa lahat ng oras sayo iikot ang mundo ko!"
Nakita ko ang pagngitngit niya sa galit. "May iba ka na,"
"Wala nga akong iba!"
"Magsisisi ka sa ginawa mo Lianne. Magsisisi ka,"
----
At nagsisi talaga ako.
He hacked my Facebook account. Lahat ng kamag-anak ko,mga kaibigan ko,minura niya. Wala akong ginawa kundi humingi ng pasensya sa kanila at sabihin ang totoong nangyari.
Nahihiya na ako sa kanila. Paano kasi,pati sila nadadamay sa gulo ko.
But I've learned my lesson. And this time,maghihiganti na ako.
Well, that's what I've thought.
-----
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
RandomHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!