“HE'S CALLED THE BLACK SANTA”
Kat's Note: This is the spin-off of "Naughty or Nice" I wrote last year!
"Mom, is Santa real?Does he really exist?"pangungulit ng isang bata sa kanyang ina habang nagkakabit ito ng christmas lights sa bahay nila.
Ngumiti ang kaniyang ina saka bumaba mula sa upuang tinungtungan niya. "Of course, Noah," she said then slightly pinched his nose.
"Why can't I see him? Why can't he show himself?"tanong pa nito. His mom walked to the kitchen.
"You see him on tv right?"
Patakbong sumunod ang batang lalaki. "They weren't real!I want to see the real santa!Why can't I see him?!"
"Because he chose not to. What if we just open your gifts okay?"
-----
"I thought I am the luckiest person in the world, but now you're gone, I don't know if I am still that person. Inaantay ko lagi ang pasko dahil iyon ang pinakamasayang araw nating dalawa. Pero yung pinakamasayang araw na iyon, iyon din pala ang magiging pinakamalungkot na araw ko. I will miss you mom and I swear, you'll get the justice you deserve,"saad ng lalaki bago tuluyang nilisan ang puntod ng kanyang ina. Its been a year since his mother died.
Malinaw pa sa kanyang ala-ala ang nangyari noong araw na iyon. Pinasok ang kanilang bahay, ninakawan at saka pinatay ang kanyang ina. Hindi siya napansin dahil pinatago siya ng kaniyang ina sa ilalim ng kama.
While searching for justice, he met Aestheria, and then they fall in love with each other.
Akala niya magiging masaya na muli siya, but the world is so cruel for him.
It was the night before Christmas when Aestheria was walking through the dim street. It was rainy that time and few people were walking at the street. Abala na kasi sila dahil sa parating na noche buena.
Maya maya, nagvibrate bigla ang phone ni Aestheria. Mabilis niya naman ito agad na sinagot.
"Pupunta ka ba talaga?You know I hate celebrating the Christmas,"
Aestheria chuckled. "Yes honey, I'll come. Actually, naglalakad na ako papunta diyan. Just like I promised, this Christmas would be different,"
"Thanks honey. I love you,"Napansin ni Aestheria ang lalaking papalapit sa kanya kaya nagtaka siya.
"I love you too. Wait, sino ka?" Bigla siyang inamba nito ng saksak sa tagiliran kaya hindi na nakapagsalita pa agad si Aestheria. Mabilis nahigit ng lalaki ang cellphone ni Aestheria habang siya naman ay bumagsak sa malamig at basang semento.
------
"Alam mo yang mga pulis, pinatatagal lang nila ang proseso. At saka isa pa, kung makukulong nga ang pumatay sa kanila, tingin mo ba sapat na iyon?Kailangang ibalik mo sa kanila ang nawala sa mga taong mahal mo:buhay,"*it was an eye-opener for Noah to hear such words from a drunk man whom he was seated next to. Hindi niya alam saan na siya pupunta kaya napagdesisyunan niyang magpakalasing nalang. Habang naroon, nakilala niya ang lalaki at nakwento rito ang problema niya.
"Tatagal lang kung iaasa mo lahat sa awtoridad. Kumilos ka, at kunin ang hustisya gamit ang sarili mong mga kamay,"saad pa nito na tinanguan niya.
And there he started.
----
Lumipas ang taon at nakita ni Noah ang kamaliang mayroon sa mundo. Iyon ang tangi niyang nakikita kaya naman napuno ng galit ang kaniyang puso. Naisip niya na ang mga taong katulad ng pumatay sa kaniyang ina at nobya ay hindi karapat dapat na mabuhay. At dahil panahon ng pasko kung kailan namatay ang mga ito, dito niya naisipang gawin ang kada pagpatay.
Naisip din niya na hindi ito madali lalo na at hahabulin siya ng mga pulis kaya nagkubli siya sa costume ni Santa. Ngunit tila di bagay ang pula sa kanya at hindi gaanong kita ang dugo na nagpapabuhay sa sistema niya kaya naisip niyang gumamit ng itim.
Ngunit kahit na ganon, maraming tao ang naniniwala sa kanya at sa kanyang mga prinsipyo. Sila ang naging tagasunod niya at katulong niya kada iginagawad ang kanyang "hatol" sa mga makasalanan.
-----
"A mortuary christmas to you,"saad niya bago niya tuluyang bawian ng buhay ang dalaga. Inilapag niya ang kutsilyong sagana pa sa dugo saka inutusan ang dalawang kasama na hilahin ito palabas. Nakangisi siya habang inaalala ang pag-amin nito kanina. Nagsisi ito kung kailan alam niya nang kamatayan niya na.
Bigla siyang napailing habang pagak na tumawa. Ganon ang reaksiyon ng bawat taong kinikitilan niya ng buhay. Kailangan pa nilang mapunta sa bingit ng kamatayan bago pa mapagtanto ang mga kasalanang ginawa nila.
Bumaling ang tingin niya sa babaeng nasa picture frame na nakasabit sa pader. Mukha itong masaya habang may hawak na regalo at nakasuot ng santa hat. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin nakukuha ang hustisya para sa kanila. But what his doing is enough to at least divert his attention and make the world a "better place".
-----
BINABASA MO ANG
Random Oneshots
CasualeHello! These are the oneshots I made which were most from my Facebook account so if you want to read them there, please, feel free. This is my fb acc btw: Ethereal Talitha Lesouvage Kat's Note: Some contain disturbing scenes so read my notes!